backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Benepisyo sa Balat ng Calendula

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD · Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    Benepisyo sa Balat ng Calendula

    Ang mga bulaklak ay nagdudulot ng kasiyahan sa sinumang nakakakita rito. Pero alam mo ba na may ilang mga bulaklak na pwedeng gamitin para sa skincare routine mo? Matuto dito sa mga benepisyo ng calendula para sa balat.

    Pinagmulan ng Calendula

    Ang calendula (Calendula officinalis) ay karaniwang tinatawag na pot marigold. Kabilang ito sa pamilya ng daisies, chrysanthemums, at ragweed. Mula noong 12th century, ginamit na ng mga tao ang makulay na orange-yellow petals ng mga bulaklak para sa medicinal purposes.

    Isa ito sa mga halamang may chemical properties na sinasabing potensyal na tumulong sa paglaki ng bagong tissue sa mga sugat at bawasan ang pamamaga sa bibig at lalamunan. Nakaugalian na itong gamitin sa paggamot sa pananakit ng tiyan at ulcers pati na rin para paginhawahin ang menstrual pain. Gayunpaman, wala pa ring pananaliksik upang patunayan ang mga claim na ito. Ngayon, isinasaalang-alang ito ng mga tao dahil sa iba’t ibang mga benepisyo ng calendula para sa balat na magagamit sa pamamagitan ng ilang mga produkto.  

    Mga Benepisyo ng Calendula para sa Balat

    Ang bulaklak ng calendula ay malawakang ginagamit para gamutin ang maraming karamdaman tulad ng sugat, pantal, impeksyon, pati na rin ang pamamaga ng balat.

    Calendula para sa balat: Nakatutulong sa Pagpapagaling ng Sugat at Ulcer sa Balat

    Ang isa sa mga kapansin-pansing benepisyo sa balat ng calendula ay ang kakayahang pagalingin ang mga paso, hiwa, at maging mga pasa, gayundin upang labanan ang mga maliliit na impeksyon.

    Ipinakita ng mga pag-aaral sa hayop na ang calendula ay tumutulong sa mga sugat na gumaling nang mas mabilis. Ito ay  posibleng sa pamamagitan ng pagtaas ng dami ng dugo sa napinsalang bahagi at pagtulong sa katawan sa pagbuo ng bagong tissue.

    Bukod dito, nagbibigay din ito ng ilang mga nakapapawi na epekto dahil sa mga anti-inflammatory properties nito. Ang calendula ay may mataas na konsentrasyon ng flavonoids. Ito ay plant-based antioxidants na nagbibigay ng proteksyon sa mula sa posibleng pinsala sa free radical. Kaya mabisa ito laban sa pamamaga, mga virus, at bakterya.

    Ayon sa isang test-tube study, napabuti ng calendula extract ang produksyon ng collagen habang patuloy na gumagaling ang mga sugat. Ang collagen ay isang uri ng protina na mahalaga sa pagbuo ng bagong balat.

    Sa isang 12-linggong pag-aaral ng 57 katao, 72% ng mga binigyan ng calendula extract ay gumaling sa venous leg ulcers. Ito ay kumpara sa 32% sa control group. Bukod pa rito, 78% ng mga kalahok sa isang 30-linggong pag-aaral ng 41 na adults na may diabetes-related foot ulcers ay nagpakita ng magandang pagsasara ng sugat pagkatapos ng araw-araw na paggamot ng calendula spray.

    Mataas sa Antioxidants

    Ang isa pa sa mga benepisyo ng calendula para sa balat ay isa itong antioxidant. Nakakatulong na compound ang antioxidant na tumutulong sa pagpigil sa mga negatibong epekto ng oxidative stress sa katawan.

    Mayaman sa antioxidants tulad ng triterpenes, flavonoids, polyphenols, at carotenoids ang calendula extract. Nabawasan nito ang oxidative stress at binaligtad ang antioxidant depletion sa mga daga na pinapakain ng monosodium glutamate (MSG) sa isang pag-aaral.

    Nagdadala ng Moisture sa Balat

    Ang linoleic acid na nasa calendula oil o extract ay nagpapalusog sa iyong balat. HInahayaan nito ang skin cells na maka-absorb ng mga sustansya at mapanatili ang tubig sa mas matagal na panahon. Mabuti ito para sa mga taong nagdurusa sa malubhang dry skin.

    Maaari ring makatulong ang calendula sa paggamot ng contact dermatitis, kasama ang poison ivy reactions.

    Higit pa rito, ang calendula oil ay mainam sa pagpapaganda ng hitsura ng balat. Ayon sa isang pag-aaral, ang cream na nilagyan ng calendula extract ay maaaring mag-promote ng hydration at firmness ng balat.

    Key Takeaways

    Malawak at iba-iba ang benepisyo ng calendula sa balat. Makakatulong ito sa iyo na magkaroon ng makinis, malambot, at malusog na balat. Gayunpaman, bago ma-excite sa pagsubok ng bagong produkto ng skincare, isaalang-alang muna ang paggawa ng patch test.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Dexter Macalintal, MD

    Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


    Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement