Dahil hindi nalalaman ang tiyak na sanhi ng diabetic bullae, wala ring tiyak na paraan kung paano ito maiiwasan.
Sa puntong ito, ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ito ay ang pagkontrol sa lebel ng iyong blood sugar. Siguraduhing sumusunod sa iyong nutrition plan, regular na nag-eehersisyo, at umiinom ng mga gamot.
Maaari ding makatulong ang pag-iwas sa trauma sa abot ng makakaya. Laging suriin ang balat kung may sugat, magsuot ng sapatos na sakto ang sukat, at gumamit ng protective clothing kung kinakailangang gumawa ng kilos na maaaring maging sanhi ng trauma. Halimbawa, gumamit ng protective gloves kung hahawak ng mga kagamitan.
Key Takeaways
Ang diabetic bullae o paltos ng may diabetes ay isang pambihirang kondisyon ng balat ng mga taong may diabetes mellitus. Hindi tukoy ang sanhi nito ngunit ang paltos ay hindi masakit, non-inflammatory, at kusang gumagaling. Ang gamot at pagkontrol nito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pag-iingat nito upang maiwasan ang impeksyon. Kung magkaroon ka ng mga paltos, kumonsulta sa doktor upang malaman ang tamang diagnosis at gamot.
Matuto pa tungkol sa mga Komplikasyon sa Diabetes, dito.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap