Mahalagang malaman kung ano ang insulin patch. Dahil isa itong bagay na pwedeng makatulong sa mga diabetic. Ngunit bago natin pag-usapan ang gamit at benepisyo nito. Pag-usapan muna natin ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa diabetes.
Isa sa pangunahing methods na makakatulong sa treatment ng diabetes ay ang mahigpit na pagsubaybay sa levels ng sugar sa’yong katawan. Ang layunin nito ay panatilihin ang level ng iyong sugar sa limitasyon na itinakda ng iyong doktor. Sinasabi na ang mga taong diabetic ay makakaranas ng patuloy na pagtaas ng glucose levels, habang sila’y kumakain. Kung saan, pwede itong humantong sa malubhang komplikasyon sa kalusugan. Makikita na dahil ito sa hindi sapat na dami ng insulin sa katawan.
Insulin at ang Papel nito sa Katawan
Tinutulungan ng insulin na ma-break down ang carbohydrates na kinakain mo sa glucose. Kung saan, ito ang primary source ng lakas para sa katawan. Habang ang glucose ay pumapasok sa daloy ng dugo. Ang pancreas ay gumagawa ng insulin na tumutulong sa cells. Para i-absorb ang glucose na nagbibigay ng enerhiya para sa katawan.
Nagiging mataas ang insulin levels pagkatapos mong kumain. Bilang tugon sa carbohydrates na iyong kinokonsumo. Pinapayagan nito ang sobrang glucose na maimbak sa atay bilang glycogen. Ito’y inilalabas kapag mababa ang insulin levels at pinapanatili ang sugar levels sa’yong dugo sa loob ng normal range.
Kapag mayroon kang diabetes, ang iyong glucose levels ay patuloy na tataas pagkatapos mong kumain. Subalit, hindi ito maa-absorb ng cells bilang enerhiya.
Ito’y dahil ang katawan ay hindi gumagawa ng sapat na insulin. Para i-allow ang glucose na mailipat sa cells. Ang iyong katawan ay malamang na makagawa ng kaunti o walang insulin — o hindi gumagamit ng insulin nang mahusay. Depende sa uri ng diabetes na mayroon ka.
Maraming iba’t ibang paraan ng pagkuha ng insulin. Depende sa’yong mga pangangailangan at lifestyle. Hindi ka pwedeng uminom ng insulin bilang pill o tablet. Dahil ito’y matutunaw nang matagal, bago ito gumana.
May mga available na opsyon gaya ng insulin shots o pens, insulin pump o inhaled insulin. At kamakailan lamang, ipinakilala ng mga doktor at eksperto ang Insulin patch bilang isang bagong paraan ng insulin delivery.
Ano ang Insulin Patch?
Bilang bahagi ng mga eksperimento at pag-aaral tungkol sa insulin delivery. Ang patch insulin ay nag-aalok ng walang karayom (needleless) at painless form. Isa itong transdermal patch gaya ng relief patches para sa muscle pain, o nicotine patches — at hinahatid o deliver ang insulin sa balat.
Ang patch ay manipis at square-shaped. Ito’y natatakpan ng higit sa 100 microneedles na kasing laki ng isang pilikmata. Makikita na ang mga maliliit na karayom ay naglalaman ng isang microscopic payload ng glucose-detecting enzymes. Kung saan, ito ay naglalabas ng insulin kapag nakita nito ang pagtaas ng sugar levels sa dugo.
Ipinakikita ng recent studies na ang patch insulin ay napatunayan na epektibo para sa adults na may type 2 diabetes. Bagama’t kinumpirma rin ng mga researcher ang mga epekto nito sa advanced stages ng diabetes.
Ano ang Insulin Patch: Ang Paggamit
Ang insulin patch ay pwedeng ilagay kahit saan sa katawan. Subalit, sa karamihan ng mga kaso, pwede mo itong ilagay sa lugar kung saan karaniwan mong iniiniksyon ang insulin.
Kapag inilagay sa balat, ang agents sa loob ng patch ay magiging activated sa pagpapalabas ng insulin. Dadaan sa balat at sa daluyan ng dugo. Ang patch ay may set of insulin doses na sapat upang ma-absorb sa loob ng ilang oras. Ang researchers ay bumuo ng iba’t ibang uri ng mga patch na pwedeng maglabas ng insulin nang mas mabilis, pagkatapos kumain.
Huwag kakalimutan na kapag nagpapalit ng patch insulin. I-expose ang gilid na nakadikit sa iyong balat at panatilihin ang microneedles na nakakabit sa’yong katawan. Dahan-dahang alisan ng balat sa pamamagitan ng isang matulin na paggalaw (one swift motion).
Alisin ang natitirang sticky residue gamit ang tubig na may sabon o isopropyl alcohol. Sa mga recent studies, ang patch insulin ay pwedeng magbawas ng level ng glucose sa dugo nang hanggang 9 na oras.
Mga Panganib at Side Effects
Walang duda na ang insulin patch ay pwedeng magamit sa pamamahala ng diabetes. Ngunit, dahil nasa proseso pa ito ng pagbuo at development. May ilang side effects ng insulin patch na maaari pang maayos sa hinaharap.
Ang ganitong pangyayari ay nagaganap sa animal test subject. Napansin nila na ang ilang pamamaga ay lumitaw sa site kung saan nila ikinabit ang patch. Sa human subjects, ang pagsusuka at pagduduwal ang nabanggit na mga epekto. Subalit, naniniwala ang mga researcher na kung ang paglabas ng gamot ay sapat na mabagal. Maaaring maalis ang mga side effect.
Mapapansin na ang iba’t ibang uri ng insulin patch ay dinebelop. Ngunit, ang mga ibinebenta sa online o sa ilang drugstores ay hindi inaprubahan ng FDA — at hindi ito ang mga official insulin patches.
Ang isa sa claims ng patch na ito ay pwede nitong gamutin, ang mga sintomas ng diabetes na may halong mga halaman na gamot. May kaunting evidence claim kaugnay rito at pwedeng mas mapanganib ito kaysa makatulong. Pinakamabuting kumunsulta sa’yong healthcare provider bago subukan ang iba’t ibang paraan.
Key Takeaways
Pwede nilang gawin ang kanilang pang-araw-araw na buhay nang hindi nababahala tungkol sa kanilang sugar at insulin levels. Sisiguraduhin nito ang mas mahabang buhay na walang mga komplikasyon sa kalusugan. Ang pagsulong na ito ay magbubukas ng mga bagong oportunidad para sa treatment ng diabetes na para sa lahat.
Matuto pa tungkol sa diabetes dito.