Kapag iniisip natin ang cancer, lung cancer o breast cancer ang madalas na unang pumapasok sa isipan natin. Mahirap mamali ng akala sa matigas na bukol o sa nakalubog na nipple sa kaso ng breast cancer. Ngunit pagdating sa ibang cancer, maaaring hindi malinaw ang mga senyales– isang magandang halimbawa nito ang stomach cancer. Posibleng iba-iba ang ibig sabihin ng sakit ng tiyan, mula sa kaunting kaba sa entablado hanggang sa masamang pagkain, hanggang peptic ulcer disease (PUD). Bago mag-diagnose ng sarili, alamin kung aling senyales ng stomach cancer ang natatangi at maaaring may kaparehas sa ibang sakit.
Mga pare-parehong senyales at sintomas ng mga sakit sa tiyan
Pananakit
Una, hindi tiyak na sintomas ng maraming sakit at kondisyon ang masakit na pakiramdam. Higit pa rito, nakabase sa tao ang nararamdamang sakit dahil may iba’t ibang level ng tolerance ang mga tao. Karaniwan, nararamdaman ang pananakit sa itaas na kaliwang bahagi ng tiyan.
Ngunit maaaring umakyat ang pananakit papunta sa bahagi ng puso, na karaniwang tinatawag na “heartburn”. Walang pain receptor ang mismong tiyan, gayunpaman, sensitibo sa pagbabanat at pananakit ang mga nerve sa bahagi nito.
Distention (stretching), nangyayari ito pagkatapos kumain ng marami o kapag naiipon ang gas sa tiyan, nagdudulot ito ng hindi magandang pakiramdam ngunit hindi ng matinding pananakit. Tinatawag din na indigestion ang pakiramdam na ito. Sa kabilang banda, makararamdam din ng tuloy-tuloy na pananakit dahil sa ulceration at perforation ng tiyan. Madalas itong nangyayari sa PUD.
Kung pananakit lang ang nararamdaman, hindi ito masyadong makatutulong para matukoy ang senyales ng stomach cancer dahil maaari din nitong gayahin ang iba pang sakit. Gayunpaman, maaaring magdulot ng mas matindi pang pananakit ang mga mas malubhang stage ng stomach cancer.
Problema sa paglunok
Sunod, para sa mga taong may gastroesophageal reflux disease (GERD), umaakyat ang acid mula sa tiyan papunta sa esophagus at sinisira nito ang tissue sa katagalan.
Kung hindi malabanan ang GERD, maaaring magkaproblema sa paglunok o dysphagia. Nangyayari rin ang dysphagia sa mga taong may stomach cancer, ayon sa laki at lokasyon ng paglaki ng tumor.
Walang gana kumain
Panghuli, isa sa mga senyales ng stomach cancer at iba pang sakit ang hindi pagkain o kawalan ng gana kumain. Karaniwan ito sa mga taong may stomach flu o gastroenteritis. Bukod sa mga sakit sa gastrointestinal, nagdudulot din ng pagkawala ng gana kumain ang mga impeksyon tulad ng trangkaso at iba pang pathogen.
Maaaring nawawalan ng gana kumain dahil sa mga chemical signal, paghina ng panlasa at amoy, o resulta ng pagsusuka. Nagmumukhang hindi kaaya-aya ang mga pagkain dahil sa pagduduwal at pagsusuka.
Kahit posibleng senyales ng stomach cancer ang pagkawala ng gana kumain, maaaring isa rin itong senyales ng iba pang cancer. Nangyayari ito lalo na sa panahon at pagkatapos ng chemotherapy.
Mga senyales ng stomach cancer
Pagbaba ng timbang nang walang dahilan
Para sa maraming tao, itinuturing na isang bagay na dapat ipagmalaki ang lubos na pagbaba ng timbang. Gayunpaman, kapag bumaba nang husto ang iyong timbang nang walang diet o exercise, madalas na isa itong masamang senyales.
Maaaring maging dahilan ng pagsusuka at pagtatae ang ibang sakit sa tiyan, na nauuwi sa nutrient absorption at mas malalang dehydration. Maaaring bumaba nang ilang pounds ang iyong timbang, lalo na dahil sa pagkaubos ng tubig sa katawan. Ngunit mabilis din itong babalik sa oras na bumuti ang iyong katawan.
Gayunpaman, sinasabi na malaki na ang binaba ng timbang kapag nabawasan ito ng 10 pounds (4.5 kilograms) o higit pa, sa loob lamang ng 6 hanggang 12 na buwan. Kahit itinuturing na senyales ng karamihan sa mga cancer ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, posibleng senyales ng stomach cancer ang mas malaking pagbagsak ng timbang.
Nangyayari ito dahil ang tiyan ang pinakamahalagang organ sa pagtunaw ng pagkain. Kaya maaaring lubhang makaapekto sa kalusugan at timbang ang anumang cancer.
Pagsusuka ng dugo
Tulad ng nabanggit kanina, isang karaniwang senyales ng maraming sakit sa GI ang pagsusuka. Maaaring magsuka dahil sa pagkabalisa o nerbiyos. Sa karaniwan, naglalaman ng acid mula sa tiyan, tubig, at mga particle ng pagkain ang mga suka.
Maaaring magkaroon ng mapupulang bahagi o “coffee ground” na suka ang mga may malubhang kaso ng PUD at GERD. Gayunpaman, posibleng malakas na senyales ng stomach cancer ang pagkakaroon ng sobrang pula o kulay brown na suka.
Panghihina at pagkapagod
Ang panghuli, dalawang senyales ng stomach cancer ang panghihina at pagkapagod. Karaniwan din ang panghihina at pagkapagod sa iba pang uri ng cancer at malalang sakit.
Gayunpaman, kapag isinama sa iba pang mga senyales, maaaring tumutukoy ito sa stomach cancer. Dahil mas apektado sa stomach cancer ang pagkain at kalusugan, maaaring maramdaman kaagad o mas malala ang panghihina at pagkapagod. Isa rin ang anemia sa maaaring sanhi ng panghihina at pagkapagod.
Key Takeaways
Para sa mga taong kasalukuyang may GERD, PUD, o gastroenteritis, hindi kailangan mag-alala tungkol sa stomach cancer maliban kung hindi maipaliwanag ang labis na pagbaba ng timbang o pagdurugo.
Matuto pa tungkol sa cancer sa tiyan dito.