brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Anu-ano ang side effects ng chemotherapy?

Ang chemotherapy ay isang paraan ng paggamot sa cancer na gumagamit ng chemo drugs upang sirain ang mga cancer cell. Ang tagal at intensity ng chemo ay depende sa uri ng progression ng cancer. Bagama’t ang intensyon ay magpagaling, ang chemotherapy ay maaaring magdulot ito ng ilang partikular na sakit o side effects. Basahin dito ang mga posibleng side effects ng chemotherapy at chemo drugs.

Anu-ano ang side effects ng chemotherapy?

Paano Labanan ang Side Effects ng Chemotherapy

1. Fatigue

Ang isang tao na nagpapa-chemotherapy o gumagamit ng anumang uri ng chemo drug, pagtagal ay makakaramdam ng pagod, pagkalito, kawalan ng pasensya, at pagkaantok. 

Pwede silang maubusan ng lakas sa kanilang pang-araw-araw na gawain. At makaramdam ng bigat sa kanilang mga paa at magpakita ng mga palatandaan ng pagiging madaling mapagod.

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na may kaugnayan sa pagkapagod:

  • Mag-ehersisyo ng regular.
  • Subukan ang acupuncture.
  • Regular na magpahinga.
  • Humingi ng tulong kung paano i-manage ang anxiety at/o problema sa pagtulog.

2. Hair loss

Ang pagkawala ng buhok, na kilala rin bilang alopecia, ay isa sa mga pinakakaraniwang anyo ng side effects ng chemotherapy.

Gayunpaman, hindi ito nangyayari sa bawat uri ng chemo drug therapy. Iba-iba ang epekto ng chemo drugs sa pagkalagas ng buhok. Halimbawa, ang ilan ay maaaring mawalan agad ng buhok pagkatapos ng chemotherapy. Ang iba ay maaaring unti-unting mawala ang kanilang buhok, habang ang ilan ay hindi nalalagas ang buhok.

Ang pagkawala ng buhok ay kadalasang nangyayari sa loob ng 2 hanggang 3 linggo mula sa unang chemo drug cycle. Bago magsimulang maranasan ng isang tao ang hair loss, nakakaramdam muna sya ng discomfort sa anit. Ito ay pangangati, tingling, tenderness, at mataas na temperatura. 

Paano lalabanan ang side effects ng chemotherapy na may kinalaman sa hair loss?

  • Siguruhin na ang anit at buhok ay laging malinis.
  • Suklayin o i-brush ang buhok ng dahan-dahan.
  • Iwasan ang paggamit ng nylon pillowcases.
  • Takpan ang iyong ulo ng beanie o turban kapag masyadong malamig.

3. Madaling pagpa-pasa at pagdurugo

Kung mababa ang platelet levels, magdudulot ito ng mga problema sa pagdurugo.

Ang ibig sabihin, ang isang tao ay magsisimulang madaling magpasa, makakaranas ng madalas na pagdurugo sa gilagid at ilong, at ang pagdurugo ng mga sugat o hiwa ay mas matagal kaysa karaniwan.

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na nauugnay sa madaling pagpa-pasa at pagdurugo:

  • Mag-ingat sa paghawak ng matutulis na bagay.
  • Gumamit ng malambot na sipilyo.
  • Dahan-dahang ang pag-singa
  • Lagyan ng pressure ang dumudugong sugat sa loob ng 10 minuto at i-bandage (kung kinakailangan)

4. Constipation at Diarrhea

Ang ilang chemo drugs, mga gamot sa pananakit, at mga gamot na pumipigil sa pagsusuka ay maaaring magdulot ng pagtatae.

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na may kaugnayan sa paninigas ng dumi at pagtatae:

  • Kumain ng mga pagkaing mataas sa fiber.
  • Palaging manatiling hydrated.
  • Mag-ehersisyo.
  • Iwasan ang enemas.
  • Iwasan ang mga maanghang na pagkain at kumain ng bland na pagkain.
  • Limitahan ang pag-inom ng alak.

5. Anemia

Bababa ang bilang ng red blood cells dahil sa chemotherapy. Ito ay maaaring magdulot ng pagkahilo, pagkapagod, at hirap sa paghinga.

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na may kaugnayan sa anemia:

  • Makipag-usap sa doktor mo tungkol sa pinakamahusay na diet para sa iyo pati na rin ang pag-inom ng iron supplements.
  • Maaari silang magreseta ng gamot upang maiwasan ang anemia.
  • Kung lumala ang anemia, isang opsyon ang blood transfusion.

6. Pagduduwal at Pagsusuka

Maaaring makaramdam din ng pagkahilo dahil sa chemo drugs, bagaman, hindi lahat ay makakaranas nito. Para sa mga nakakaranas nito, ang pagduduwal ay tatagal ng medyo matagal (mahabang oras) pagkatapos ng paggamot. Maaari rin itong umabot ng hanggang ilang araw pagkatapos ng paggamot.

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na nauugnay sa pagduduwal at pagsusuka:

  • Iwasan ang heavy meal bago ang treatment.
  • Palaging manatiling hydrated.
  • Uminom ng carbonated na inumin kung sumasakit ang iyong tiyan.
  • Huwag kaligtaan ang pagkain.

7. Mga pagbabago sa appetite

Magsisimulang magpakita ng mga pagbabago sa gana sa pagkain dahil ang chemo drugs ay nakakaapekto sa lasa ng pagkain. Ito ay hindi permanente. Para sa ilan, ito ay maaaring tumagal ng ilang linggo, habang para sa iba, ito ay maaaring tumagal ng mas mahaba.

Ang taong sumasailalim sa chemo drug therapies ay magsisimulang mas gusto ang iba’t ibang uri ng pagkain o hindi makakaramdam ng ganang kumain.

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na nauugnay sa pagbabago ng appetite.

  • Kumain ng kaunti, pero madalas na pagkain.
  • Kung nasusuka ka sa mga solid na pagkain, kumain ng sopas at healthy smoothies.
  • Gumamit ng plastic utensils, lalo na kung ang chemo drugs ay nag-iiwan ng lasa ng metal sa iyong bibig.
  • Maging aktibo upang ma-stimulate ang iyong gutom at gana.
  • Magtakda ng iskedyul sa oras kung kailan ka nakakaramdam ng gutom.
  • Maghanda ng malusog na meryenda.
  • Makipag-usap sa iyong doktor o dietitian tungkol sa pinakamahusay na diet para sa iyo.

8. Impeksyon

May posibilidad na ang white cells ay bumaba dahil sa chemotherapy. Ito ay magkakaroon negatibong epekto sa katawan dahil ang mga blood cell na ito ang in-charge sa pagbibigay ng immunity.

Kapag mababa ang immunity, madaling makapasok ang mga impeksyon sa katawan ng tao. At maaaring hindi mahusay na makakalaban ang katawan dahil sa mababang bilang ng mga white blood cell. 

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na nauugnay sa impeksyon:

  • Iwasan ang mga taong may sakit.
  • Observe proper hygiene tulad ng paghuhugas ng kamay.
  • Maghanda at mag-imbak ng pagkain nang maayos upang maiwasan ang food poisoning.
  • Iwasang kumain ng hilaw na pagkain.

9. Mga problema sa bibig, dila at lalamunan

Ang mga ulcer at impeksyon ay karaniwang side effects ng chemo drugs. Ang mga problemang nararanasan sa bibig, dila, o bahagi ng lalamunan ay kadalasang sanhi rin ng radiation therapy.

Paano pamahalaan ang bibig, dila, lalamunan na side effects ng chemotherapy:

  • Gumamit ng malambot na sipilyo.
  • Palaging mag-hydrate at kumain ng mga moist food.
  • Banlawan ang iyong bibig ng hindi bababa sa apat na beses sa isang araw gamit ang 1 kutsara ng bicarbonate soda (o asin) sa maligamgam na tubig.
  • Huwag gumamit ng mouthwash na naglalaman ng alkohol.

10. Nerve problems

Ang mga problema sa nerves, na kilala bilang peripheral neuropathy, ay nagdudulot ng pamamanhid o pananakit sa mga bahagi ng mga daliri, paa, at panghihina ng kalamnan sa mga binti.

Narito kung paano labanan ang side effects ng chemotherapy na may kaugnayan sa mga problema sa nerve:

  • Panatilihing mainit ang mga kamay at paa sa pamamagitan ng pagsusuot ng medyas at guwantes.
  • Mag-ingat sa paggalaw o pag-buhat upang maiwasang masaktan ang sarili.
  • Kontrolin ang blood sugar, lalo na kung ikaw ay na-diagnose na may diabetes.

11. Mga pagbabago sa balat at kuko

Ang mga kuko ay mangingitim at ang white ridges ay maaaring magsimulang mabuo sa ibabaw. Gayundin, ang mga kuko ay pwedeng tuluyang maging tuyo at brittle. Gayunpaman, hindi ito permanente at unti-unting tutubo muli.

Sa kabilang banda, ang balat ay magsisimulang maging mas sensitibo sa araw. Magsisimula rin itong magbalat, mangitim, magsisimulang maging makati, at matuyo.

Narito kung paano pamahalaan ang kuko at balat na side effects ng chemotherapy:

  • Gumamit ng moisturizing soap at lotion.
  • Gumamit ng sunblock na may SPF 50+.
  • Iwasan ang mga swimming pool na may chlorine.
  • Huwag mag-ahit at mag-wax.
  • Magsuot ng maluwag na damit.

12. “Chemo brain”

Maaaring negatibong makaapekto ang chemotherapy sa concentration at focus mo. Bagaman maaaring hindi ito permanente at gagaling sa paglipas ng panahon, ang ilang mga tao ay nahihirapan sa “chemo brain” sa loob ng maraming taon. 

Narito kung paano pamahalaan ang side effect na ito:

  • Subaybayan ang mga bagay sa pamamagitan ng paggamit ng kalendaryo.
  • Isulat ang mahahalagang bagay na kailangan mong tandaan.
  • Matulog ng husto.
  • Panatilihing aktibo ang iyong utak sa pamamagitan ng pag-aaral ng bagong mga bagay.

13. Mga Pagbabago sa Libido at Mga Problema sa Fertility

Ang mga chemo drugs ay maaaring makaapekto sa sex drive ng isang tao. Higit pa rito, ang nasabing mga gamot ay maaari ring makaapekto sa paggana ng organs ng kasarian ng parehong lalaki at babae. Ito naman, ay maaaring magresulta sa mga problema sa fertility.

Narito kung paano pamahalaan ang side effect na ito:

  • Makipag-usap sa partner mo at i-discuss sa doktor mo kung saan ka nahihirapan.
  • Siguraduhing makapagpahinga nang husto bago gumawa ng anumang uri ng sekswal na aktibidad.
  • I-practice ang iba pang gentle forms ng intimacy, tulad ng paghalik, paghawak, at pagyakap. Bagama’t di-sekswal ang likas na katangian, makakatulong ito na mapalapit ka sa partner mo. Ang pakikipagtalik ay hindi lamang ang anyo ng intimacy.
  • Sumali sa mga support group at makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kung paano palakasin ang iyong libido.
  • Kung plano mong magbuntis pagkatapos ng paggamot, siguraduhing sabihin sa iyong doktor ang tungkol dito.

Iba pang Karaniwang Side Effects ng Chemo Drugs ay:

Mahalagang malaman ang iba’t ibang uri ng side effects ng chemotherapy upang malaman ng mga tao kung ano ang aasahan at kung paano pamahalaan ang mga ito.

medical
John Paul Abrina, MD
Narebyung medikal ni
Oncology · Davao Doctors Hospital
Isinulat ni Corazon Marpuri · Na-update noong Kahapon