Hot discussion

pimples before period - normal ba ito?

normal ba ang pimples before period? paano ito maiiwasan. kasi kahit tapos na mens ko andyan pa rin sila huhu

0
718
1 comments

1 comments

Isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat ay ang hormonal imbalance. Ito ay kadalasang nagaganap kapag tayo ay stress, puyat, o kapag dinadatnan ng ating menstrual cycle. Ang androgen- isang hormone sa katawan ay nag sasanhi ng hyperactive oil gland na maaring mag dulot ng impeksyon dala ng bacteria (P. acnes). Iwasan ang pag lalagkit ng mukha at panatiliing malinis ito ng acne maiwasan.

Kung ang iyong menstrual cycle ay irregular, magpa konsulta sa iyong OB Gyne nang ma-correct ang hormonal imbalance.

Tandaan ng ang acne ay isang “multi-factorial” disease na mayroong iba ibang dahilan. Kapag acne ang pinag uusapan, mas mainam parin na mag pa consulta sa iyong trusted dermatologist.

1 year ago
Like
Reply
Find your communities
Explore our range of communities based on the health topics that matter to you the most.