brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Alamin: Mga Karaniwang Sakit sa Bato

Mahalaga ang kidney sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Ang mga organ na ito ay nagtatanggal ng basura, labis na tubig, at ilang contaminants mula sa dugo. Dinadala ng bladder ang toxins at inilalabas kung umihi ang isang tao. Ang mga kidney disease o kilala sa tawag na sakit sa bato ay ang ikapitong pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Partikular na ruti ang End-Stage Renal Disease.

Alamin: Mga Karaniwang Sakit sa Bato

Kada oras, 1 Pilipino ang dumaranas mula sa chronic renal failure. Ito ay nasa 120 na mga Pilipino sa milyong populasyon kada taon.

Higit 5,000 na pasyente ang nakatatanggap ng dialysis. Nasa 1.1 milyon naman na mga tao sa buong mundo ay sumailalim sa renal replacement therapy.

sakit sa bato

Nagkakaroon ng kidney failure kung ang mga bato ay naging vulnerable at hindi kayang mag-function nang maayos.

Sakit sa Bato: Pinaka Karaniwang Disorders

Narito ang pitong pinaka karaniwang sakit sa bato.

Sakit sa bato na nagiging dahilan ng dugo sa ihi

Ang dugo sa ihi o hematuria ay maaaring indikasyon ng problema sa iyong mga bato o ibang bahagi ng urinary tract. Ilan sa mga banta ay kabilang ang pagtanda, pamamaga ng bato, family history, kasalukuyang gamutan, at nakapapagod na ehersisyo. Maaaring ito rin ay dahil sa dehydration matapos ang ehersisyo, hindi kontroladong hypertension at diabetes o matagal nang sakit sa bato.

Ang kondisyon na ito ay hindi palaging kidney failure. Ngunit dahil ang komplikasyon sa bato ay maaaring humantong sa sakit sa bato, mahalaga na komonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon upang matugunan ang problema.

Sakit sa Bato dahil sa acute injury

Kilala noon bilang acute renal failure, nangyayari ang acute kidney injury kung ang mga bato ay hindi inaasahang huminto sa pag-function. Kung huminto sa pag-function ang bato, ang mga electrolytes, waste products, at fluids ay tatambak sa katawan ng pasyente.

Ito ay malalang kondisyon na nangyayari sa mga tao na may karamdaman. Kung hindi gagamutin, magiging mapanganib ito. Maaari itong mangyari dahil sa aksidente, karamdaman, o maging tiyak na mga gamot.

Hepatitis C at chronic kidney disease

Ang hepatitis C ay nakapipinsala na viral infection sa bato at ito ay kaugnay ng chronic kidney disease dahil sa mga sumusunod na rason:

  • Maaari itong maging sanhi ng glomerulonephritis, isang porma ng sakit sa bato na permanenteng pamamaga sa bato. Kung ang iyong filter ng kidney ay nagbara, maaari itong maging chronic kidney disease.
  • Ang Diabetes, ang pinaka sanhi ng kidney failure, ay mas maaaring mangyari kung ikaw ay may hepatitis C.
  • Ang mga pasyente na may sakit sa bato ay maaari ding magkaroon ng hepatitis C mula sa hemodialysis, isang gamutan mula sa kidney failure kung ang medical facility ay hindi istriktong sumunod sa infection control guidelines.

Impeksyon sa Bato

Kung ang bacteria mula sa bladder ay kumalat sa mga bato, ito ay humahantong sa impeksyon sa bato. Ang lagnat, pagsusuka, at sakit sa likod, tagiliran, o singit ay ilan sa karaniwang sintomas ng impeksyon sa bato.

Sa malalang sitwasyon, ang kondisyon sa urinary tract ay nagiging dahilan ng ihi na bumalik sa mga bato, na nagreresulta sa impurities at potensyal na pinsala.

Ang mabilisang lunas sa disorder na ito ay makatutulong na iwasan ang hindi maibabalik na pinsala sa bato. Hindi tulad ng mga lalaki, ang mga babae ay mas may tsansa ng pagkakaroon ng impeksyon sa bato dahil sa mas maikling haba ng kanilang urethra.

Ang mga taong mayroong diabetes o urinary tract obstruction ay mas maaaring magkaroon ng sakit sa bato.

Protina sa ihi

Ang problema sa bato na ito ay maaaring indikasyon ng nephrotic syndrome o ang unang stage ng sakit sa bato. Ang protina ay kinakailangang nutrisyon sa dugo kung tinanggal ng mga malulusog na bato ang dumi at fluid. Ngunit kung ang maliit na filter ng iyong mga bato ay napinsala, ang albumni ay protina na makakawala mula sa iyong dugo papunta sa iyong ihi.

Ang urine test ay isang paraan upang madiskubre kung ikaw ay may protina sa iyong ihi. Ang maagang lunas sa isyu na ito ay makatutulong na maiwasan na maging malala ang kaso.

Kidney stones

Isa sa pinaka karaniwang sakit sa kidney ay ang kidney stones. Ito ay resulta mula sa pagdami ng minerals o chemical waste sa iyong mga bato. Kung ang stones ay maliliit tulad ng buhangin, maaaring matanggal ang kidney stones mula sa katawan. Kaya’t hindi ka makararamdam ng kahit na ano.

Sa kabilang banda, ang stones na mas malaki sa perlas ay maaaring bumara sa urinary tract. Ito ay maaaring makagambala sa pagdaloy ng ihi. Sa ganitong kaso, posible ang malalang sakit.

Kung ikaw ay pasyenteng may hepatitis C, iminumungkahi ng mga doktor na ikaw ay magpa-screen para sa sakit sa bato isang beses kada taon.

Mahalagang Tandaan

Ang pagpapanatili ng malusog na lifestyle, tulad ng balanseng pagkain, hindi pagkonsumo ng sobrang alak, at regular na ehersisyo ay mahalaga upang maiwasan ang kidney failure.

Ngunit kung nakaranas ng mga sintomas ng sakit sa bato, ang pinaka mainam na paraan upang mahinto ito sa pagiging malala ay kumonsulta sa medikal na propesyonal.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

medical
Regina Victoria Boyles, MD
Narebyung medikal ni
Pediatrics
Isinulat ni Jerra Mae Dacara · Na-update noong 3 linggo na ang nakalipas