Magandang balita para sa mga buntis at nagpaplanong magkaanak. Simula Abril 30, ipatutupad ng pamahalaan ang mas pinalawak na Philhealth maternity benefits upang mabawasan ang gastusin ng mga pamilya at mapabuti ang maternal healthcare sa bansa.

Magandang balita para sa mga buntis at nagpaplanong magkaanak. Simula Abril 30, ipatutupad ng pamahalaan ang mas pinalawak na Philhealth maternity benefits upang mabawasan ang gastusin ng mga pamilya at mapabuti ang maternal healthcare sa bansa.
Ayon sa anunsyo ng gobyerno, mas malaki na ang tulong na matatanggap ng mga nanay mula prenatal care hanggang sa mismong panganganak.
Ang Philhealth maternity benefits ay financial assistance na ibinibigay sa mga miyembro at qualified dependents upang makatulong sa gastos sa pagbubuntis, prenatal checkups, panganganak, at postnatal care.
Saklaw nito ang mga serbisyong mahalaga para sa kaligtasan ng ina at sanggol, lalo na sa panahon ng pagbubuntis at delivery.
Sa ilalim ng expanded program, tinaasan ang maternity packages upang mas makatugon sa aktwal na gastusin sa ospital at birthing facilities.
Kabilang sa mga ito ang:
Layunin ng karagdagang benepisyo na ito na mabawasan ang out-of-pocket expenses ng mga miyembro ng Philhealth.
Maaaring makinabang dito ang mga aktibong Philhealth members, qualified dependents na buntis, pati na rin ang mga manganganak sa PhilHealth-accredited na ospital at panganakan. Pinapayuhan rin ang mga buntis na tiyaking updated ang kanilang PhilHealth membership at kontribusyon bago manganak.
Ipapatupad ang bagong benepisyo simula Abril 30.
Oo. Mas marami nang prenatal consultations ang saklaw ng PhilHealth.
Oo. Tinaasan ang maternity packages upang mas mabawasan ang babayaran ng pasyente.
Disclaimer
Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.
https://pco.gov.ph/news_releases/govt-to-expand-increase-philhealths-maternity-benefits-starting-april-30/, Accessed April 20, 2026
Current Version
04/29/2026
Written by Jan Alwyn Batara
Medically reviewed by Hello Doctor Medical Panel