backup og meta

Metro Manila Air Quality Apektado Ngayon Dahil sa Haze

Ano nga ba ang Metro Manila air quality ngayon? Mula sa mga ulat ay hindi maganda ang lagay nito dahil sa naging epekto ng haze na nagmula pa sa forest fires sa Indonesia. Alamin dito kung paano ito nangyari at kung paano protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya laban sa maduming hangin.

Metro Manila Air Quality Apektado Ngayon Dahil sa Haze

Metro Manila air quality apektado ng haze

Ang ilang mga lugar sa Metro Manila ay umabot sa “very unhealthy” at “acutely unhealthy” dahil sa haze na dulot ng forest fires mula sa Kalimantan, Indonesia.

Ayon sa atmospheric physicist at propesor ng metorology na si Dr. Gerry Bagtasa, Apparently, dito sa may around Kalimantan, medyo malaki iyong fire in the past few days, in fact. Nagkataon ngayon na mayroon tinatawag na cross-equatorial na hangin.” Dagdag pa ni Dr. Bagtasa na “Kasi kapag umulan, natatanggal niya iyong usok sa atmosphere. And most of the time, kung meron ganitong kalakas na hanging habagat, ang ibig sabihin, nagiging maulan around South China Sea.” Ang kombinasyon ng mga factor na ito ang paliwanag sa haze na kasalukuyang nararanasan.

Dagdag pa niya na hindi rin ito maaring dulot lamang ng polusyon na nagmumula mismo sa Metro Manila. Ito ay dahil karaniwang nililipad palayo ng hangin ang mga pollutants na galing sa siyudad, ngunit sa kaso ngayon ay hindi basta-basta nagdi-disperse ang haze na naging sanhi ng pagbaba ng air quality sa Metro Manila at karatig na probinsya.

Hindi maganda ang air quality index

Naglabas rin ng ulat ang DENR mula sa ilang monitoring stations ukol sa Metro Manila air quality. Heto ang mga level sa ilang lugar sa Metro Manila:

  • Parañaque (296 AQI)
  • Quezon City (Ateneo) (241 AQI)
  • Las Piñas (237 AQI)
  • Manila (231 AQI)
  • Malabon City (229 AQI)
  • Taguig (224 AQI)
  • Valenzuela (224 AQI)
  • Marikina (Parang) (217 AQI)
  • Muntinlupa (Filinvest) (216 AQI)
  • San Juan City (213 AQI)
  • Mandaluyong (207 AQI)

Ang AQI na mula 200 hanggang 300 ay lubhang masama sa kalusugan at inirerekomendang huwag lumabas kapag nasa ganitong antas ang air quality.

Ano ang maaaring gawin tungkol dito?

Ayon sa mga eksperto, posibleng abutin ng mahigit isang linggo ang haze sa Maynila. Dahil dito, mahalagang alamin ang mga hakbang na puwedeng gawin upang mapanatiling ligtas ang iyong sarili at ang iyong pamilya.

Heto ang mga dapat tandaan:

  • Huwag muna gaanong lumabas ng bahay
  • Kung hindi maiiwasang lumabas, magsuot ng N95 mask upang ma-filter ang hangin
  • Iwasang buksan ang mga bintana at pinto upang hindi pumasok ang maduming hangin
  • Kung mayroong air purifier, gumamit nito
  • Uminom ng maraming tubig upang matulungan ang katawan na mag-process ng irritants
  • Bantayan ang mga taong mahina ang baga o kaya ay hirap sa paghinga
  • Kung kinakailangan, pumunta sa ospital kung nahihirapang huminga
  • Bantayan ang announcement ng gobyerno ukol sa air quality

Key Takeaways

Mahalaga sa ating kalusugan ang pagkakaroon ng malinis na hangin. Kaya’t sa mga sitwasyon kung saan bumababa ang Metro Manila air quality, pati na rin sa ibang lugar, kinakailangang alam natin ang mga hakbang na gagawin upang protektahan ang ating kalusugan.

BMI Calculator

health-tool-icon

years old

Are you interested in weight loss treatment/support?

Have you heard about GIP and GLP-1 therapies?

*It’s a class of medications that are powerful new treatments for weight loss and type 2 diabetes.

Stay in the loop and shed the weight: Get expert updates on weight loss treatments and support directly in your inbox.

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

  1. https://globalnation.inquirer.net/336684/indonesia-fire-linked-haze-affects-metro-manila-air-quality
  2. https://mb.com.ph/2026/09/01/11-ncr-stations-record-acutely-unhealthy-air-amid-haze-possibly-linked-to-indonesia-fires
  3. https://manilastandard.net/news/public-health/314786088/masks-on-in-metro-manila-amid-toxic-haze.html
  4. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/1000608/haze-possibly-from-indonesia-fires-reached-ncr-calabarzon-mimaropa/story/
  5. https://www.philstar.com/nation/2026/09/01/2553266/qc-suspends-classes-due-haze-induced-poor-air-quality

Current Version

09/01/2026

Written by Jan Alwyn Batara

Medically reviewed by Hello Doctor Medical Panel


People Are Also Reading This

PhilHealth YAKAP: Ano Ito At Paano Mag-Apply Sa Programang Ito?

7.8 Magnitude na Lindol, Tumama sa Mindanao!


Medically reviewed by

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Written by Jan Alwyn Batara · Updated just now

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement