backup og meta

Mahalagang Facts Tungkol sa STD sa Pilipinas

Mahalagang Facts Tungkol sa STD sa Pilipinas

Ano Ang Sexually Transmitted Disease? 

Ang sexually transmitted disease (STDs) ay mga sakit na kumakalat mula sa isang tao tungo sa iba sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Kumakalat din ito sa pagpapahiram ng karayom, o kung makapasok man ang kontaminadong dugo sa sistema ng tao sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo o sugat sa balat. Ang STDs o STIs (sexually transmitted infections), ay kumakalat dahil sa bacteria, viruses, o parasites. Halimbawa nito ay ang trichomoniasis, HIV, chlamydia, at syphilis. Alamin ang mga STD sa Pilipinas at kung ano ang lunas sa STD.

Gaano Kakaraniwan Ang STDs? 

Ayon sa World Health Organization (WHO), 77,000 tao ang may HIV sa Pilipinas sa taong 2018.

HIV, syphilis, human papillomavirus (HPV), at herpes simplex virus (HSV) ay ilan sa pinaka karaniwang STDs sa Pilipinas.

Inilathala ng WHO ang estadistika ng STDs sa Pilipinas, ipinakikita nito na milyon-milyong mga tao sa Pilipinas mula sa edad na 15 hanggang 49 ang may STDs, kung kaya’t ang STDs sa Pilipinas ay patuloy na endemikong panganib sa kalusugan.

Bawat taon, mahigit 376 milyong mga kaso ng chlamydia, gonorrhea, trichomoniasis, at syphilis ang naitatala. Bilang karagdagan, 127 milyong bagong kaso ng chlamydia ang naitatala. Kasama dito ang 87 milyon na may gonorrhea, 6.3 milyon na may syphilis, at 156 milyon na may trichomoniasis. Ipinakikita ng estadistika ng STDs sa Pilipinas ang kahalagahan na malaman ng tao ang sexual health.

Ano Ang Mga Sintomas Ng STDs? 

Karamihan sa mga STDs ay hindi nagpapakita ng sintomas, ngunit sa mga mayroon, ito ay maaaring nasa uri ng mga sumusunod: 

  • Mainit na pakiramdam kung umiihi parang nababalisawsaw
  • Bumps, kulugo, o sugat malapit sa bibig at ari 
  • Pananakit, panginginig at lagnat
  • Abnormal na likido mula sa ari ng babae o lalaki

Kailan Dapat Kumonsulta Sa Doktor? 

Kung sa iyong palagay ikaw ay may STD o STI at ikaw ay aktibo sa pakikipagtalik, agad na komunsulta sa doktor. Karamihan sa mga STDs at STIs ay nagagamot. Pinakamainam na komunsulta sa doktor at huwag tangkain na gamutin ang sarili. Ang HIV ay nagagamot, upang pigilan ito na tuluyan maging AIDs. Mainam sa STDs ang malaman ito nang maaga upang magamot agad.

Ano Ang Sanhi Ng STDs? 

Mayroong tatlong pinakamadalas na sanhi ng STDs: 

  • Parasites tulad ng trichomoniasis o insekto tulad ng crab lice na maaaring mapunta sa buhok at mapasa-pasa sa tao sa pakikipagtalik
  • Viruses tulad ng herpes simplex virus, hepatitis B, virus na Zika, maging ang human immunodeficiency (HIV) at human papillomavirus (HPV)
  • Mga bacteria na mayroon sa STDs tulad ng syphilis, gonorrhea, at chlamydia 

Risk Factors 

Ano ang nagpapataas sa panganib ng STDs?

Pinakikita ng estadistika ng STDs sa Pilipinas ang pangangailangan ng karagdagang pag-aaral sa tao tungkol sa sexual health at panganib ng STD at sanhi nito.

1. Hindi protektadong pakikipagtalik

Ang pakikipag-ugnayan sa oral, vaginal, o anal na pakikipagtalik nang walang proteksyon. Ang pakikipagtalik nang hindi gumagamit ng condom ay nagpapataas ng tyansa na maging infected ng STD.

2. Pakikipagtalik sa iba’t ibang tao

Ang pagkakaroon ng maraming kapareha sa pakikipagtalik, ay ang nagpapataas sa panganib na magkaroon ng STDs o STIs.

3. Pag-abuso sa mga Ilegal na mga substances

Ang maling paggamit ng tao sa alcohol at mga recreational na gamot ay mapanganib, dahil maaari silang masangkot sa sexual na aktibidad.

Lunas Sa STD: Diagnosis At Paggamot 

Ang mga ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa anumang payong medikal. PALAGING kumonsulta sa doktor para sa iba pang impormasyon.

Paano Dina-Diagnose Ang STDs?

Karaniwang hindi nasusuri ng doktor ang STD base sa sintomas lamang nito. Bilang karagdagan, karamihan sa STDs ay hindi nagpapakita ng sintomas. Kung ikaw ay aktibong nakikipagtalik, maaaring magrekomenda ang doktor ng mga tests para sa STDs kahit na wala ka mang sintomas.

Maaaring magpayo ang doktor ng pagsusuri sa ihi, dugo, o swab sa ari o sa mga sugat kung mayroon. Huwag i-diagnose ang sarili o tangkain na gamutin ang sarili. Ang gamutan ay magkakaiba depende sa uri ng STD o STI na mayroon. Ginagamot ang bacterial STD gamit ang antibiotics. Ang viral STDs ay ginagamot sa maraming paraan, ang pagpapagaling sa sintomas, at pagpigil na maipasa ito sa ibang tao. Ginagamot naman ang parasites gamit ang naiinom o topical na gamot.

Lunas Sa STD: Paano Ginagamot Ang STDs? 

Karaniwang mga STD sa Pilipinas ay gumagaling at nagagamot ng antibiotics. Gayunpaman, ang malaking problema ay ang karaniwan sa mga infection na ito ay walang sintomas. Karamihan sa mga tao ay hindi napagtanto na sila ay infected at kumalat ang sakit sa iba dahil sa hindi protektadong pakikipagtalik.

Narito Ang Lunas Sa STD At Karaniwang Paggamot: 

HIV/AIDS 

Pinaka nakamamatay sa lahat ng STDs sa Pilipinas ay ang AIDs. Ang human immunodeficiency virus (HIV) ay ang sanhi ng impeksyon. Ang Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) ay huling yugto ng HIV infection na lumalabas kung ang iyong resistensya ay mayroon nang matinding pinsala mula sa virus.

Sa artikulo noong Oktubre 2019, sinasabi ng United Nations Program sa HIV at AIDS na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagdami ng kaso ng HIV sa buong mundo.

Ang paggamit ng condoms ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagkalat ng HIV. May pinakamalaking panganib na magkaroon ng HIV ang mga taong nagsasagawa ng anal na pakikipagtalik nang hindi gumagamit ng condoms. Ang pagbabahagi ng syringe o karayom ay isa pang paraan ng pagkalat nito. Maaaring gumamit ng gamot sa pagpigil ng HIV na kilala bilang pre-exposure prophylaxis (PrEP] o post-exposure prophylaxis (PEP) upang masiguro na hindi magkakaroon ng sakit.

Syphilis 

Ito ay bacterial infection na nagsisimula bilang masakit na sugat sa ari, rectum, o bibig. Ang syphilis ay maaaring hindi maging aktibo ng dekada, at muling lumabas nang walang babala. Madaling magamot ang syphilis kung ito’y malalaman nang maaga.

Kung ito’y hindi gagamutin, maaari nitong mapinsala ang mga organs aa katawan. Kabilang dito ang puso o utak, at maging panganib sa buhay. Maaari din itong kumalat mula sa ina at sanggol sa tiyan.

Gonorrhea 

Maaaring kumalat ang gonorrhea sa hindi protektadong vaginal, anal, o maging sa oral na pakikipagtalik. Maaapektuhan nito pareho ang lalaki at babae. Tulad ng syphilis, ang buntis na babae ay maaaring mapasa ang gonorrhea sa sanggol sa sinapupunan. Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pag-iwas o monogamy sa kasintahan. Makatutulong din ang paggamit ng latex condom sa bawat pakikipagtalik.

Ligtas Na Pakikipagtalik 

Ang hindi ligtas na pakikipagtalik ay ang pinaka unang rason sa pagkalat ng STD sa Pilipinas. Ayon sa isinagawang iniulat ng pag-aaral ng 2004 Human Rights Watch kung paano nakaaapekto ang paninindigan ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng condoms sa katolikong bansa. Gayunpaman, ang condoms ang pinaka epektibong paraan upang masiguro na hindi mahahawaan ng STDs.

Paano Nakaaapekto Ang Digital Age Sa STDs Sa Pilipinas 

Labis na nababahala ang WHO sa kung gaano kabilis lumaki ang bilang ng mga kaso ng STD sa Pilipinas. Naniniwala ito na ang dating apps ay nagpapadali sa mga tao na makalat ang STDs sa Pilipinas.

Lumalabas na habang ang pakikipagtalik ay nagiging madali, ang mga antiviral na gamot ay madali na ring nakukuha, ang mga tao ay nagiging kampante sa paggamit ng proteksyon.

Key Takeaways

Kung ikaw ay sexual na aktibo at naghihinalang may STD, kumonsulta sa iyong doktor. Mahalagang mag-diagnose at magamot ito agad ng doktor. Ano ang lunas sa STD? Sa kabutihang palad, karamihan sa mga STDs ay nagagamot. Bagaman ang mga tagapangalaga ay magtatanong ng iba pang detalye sa iyong kondisyon at sexual history, hindi ibabahagi ng mga ito ang iyong pagkakakilanlan at kalagayan sa iba. Hindi nito ibabahagi ang iyong impormasyon nang walang pahintulot mula sa’yo, sinisiguro na ang iyong privacy ay mahalaga.

Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Data & Statistics, https://www.cdc.gov/std/stats/default.htm, Accessed April 18, 2020

Sexually transmitted diseases (STDs), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sexually-transmitted-diseases-stds/symptoms-causes/syc-20351240, Accessed April 18, 2020

One million STDs diagnosed every day, World Health Organization says, https://cnnphilippines.com/lifestyle/2019/6/7/sexually-transmitted-infections-diagnosis.html?fbclid=IwAR08s8WniwBN5x6aIKdR1d67oFMFkI5qgsPTUHNNqh2nm_5UeAuQaxDU_Yo, Accessed April 18, 2020

HIV/AIDS Glossary, https://aidsinfo.nih.gov/understanding-hiv-aids/glossary/654/sexually-transmitted-disease, Accessed April 18, 2020

Unprotected: Sex, Condoms and the Human Right to Health, https://www.hrw.org/reports/2004/philippines0504/5.htm, Accessed April 18, 2020

PH is country with fastest growing HIV cases – UNAIDS, https://mb.com.ph/2019/10/21/ph-is-country-with-fastest-growing-hiv-cases-unaids/, Accessed April 8, 2021

WHO alarmed at STD spread in the era of dating apps, https://mb.com.ph/2019/06/07/who-alarmed-at-std-spread-in-the-era-of-dating-apps/, Accessed April 8, 2021

Updates on Sexually Transmitted Infections in the Philippines, https://www.researchgate.net/publication/328929338_Updates_on_Sexually_Transmitted_Infections_in_the_Philippines, Accessed April 18, 2020

Key facts on HIV, https://www.aidsdatahub.org/Country-Profiles/Philippines, Accessed April 18, 2020

WHO: Sexually transmitted diseases affect 1 million daily, https://www.philstar.com/headlines/2019/06/10/1925137/who-sexually-transmitted-diseases-affect-1-million-daily, Accessed April 18, 2020

Pinoy doctor hopes to shed light on other STDs amid rising HIV cases, https://news.abs-cbn.com/spotlight/07/16/19/pinoy-doctor-hopes-to-shed-light-on-other-stds-amid-rising-hiv-cases, Accessed April 18, 2020

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement