backup og meta

Sintomas Ng HPV: Mabilis Bang Lumabas Ang Mga Ito?

Sintomas Ng HPV: Mabilis Bang Lumabas Ang Mga Ito?

Nakikita ba kaagad ang HPV infection? Ano ang HPV? Ang Human Papillomavirus (HPV) ay isa sa pinakakaraniwan at lubhang mapanganib na sexually transmitted diseases. Ang HPV ay isa sa mga pinaka kilalang uri ng STD dahil mayroon itong hanggang 200 uri, na may higit sa 40 na maaaring makaapekto sa anogenital area, bibig, at lalamunan. Alamin ang mga sintomas ng HPV.

Lumabas man agad o hindi ang HPV infection ay depende sa aktwal na latency ng kaso ng HPV. 

Ito ay magkakaiba sa mga pasyente.

Ang ilang uri ng HPV, tulad ng Type 6 at 11, ay related sa genital warts. Generally, ang mga ito ay pangunahing mga uri ng HPV na low-risk. Kaya lang, maaari pa rin silang pagmulan ng discomfort at magdulot ng mga problema sa social at private life ng isang pasyente.

Ang mas mapanganib na mga uri ng HPV, na umaabot sa dose-dosena, ay maaaring humantong sa kanser. Mayroong humigit-kumulang 14 na high-risk HPV. Partikular nito, ang pinakakilala sa mga uri nito ay ang HPV 16 at 18 dahil nauugnay ang mga ito sa mga HPV-related cancer  tulad ng cervical cancer.

Lumilitaw ba kaagad ang HPV?

Dahil ang HPV ay madaling makuha sa pamamagitan ng skin-to-skin contact sa ibang taong nahawahan, ito, sa ilang pagkakataon, ay maaaring mahirap matukoy. Maaaring mahirap matukoy kung sino ang nagbigay sa iyo ng sintomas ng HPV at kung kailan ito nangyari. Dahil dito, upang masagot ang tanong na: “Nagpapakita ba kaagad ang HPV?” Ang latency ng HPV ay may malawak na saklaw. Ito ay mula linggo hanggang buwan, at kung minsan, mga taon pagkatapos ng exposure sa HPV. Pagkatapos ng mga panahong ito, saka lamang magsisimulang lumitaw ang mga sintomas.

Ang test para sa HPV ay maaaring gawin sa pamamagitan ng Pap smear, na nag-i-screen ng cervical cancer. Nakikita nito ang mga pagbabago o abnormal na mga cell sa cervix. Ang HPV DNA o HPV test sa kabilang banda ay tumutukoy sa uri ng HPV na naroroon. Ang sample ng mga cell na kinuha mula sa cervical area sa oras ng pelvic exam gamit ang isang swab o maliit na brush ay maaari ding kapareho ng sa Pap smear.

Sa ngayon, wala pang aprubadong pagsusuri sa HPV para sa mga lalaki. Upang labanan ito, ang mga lalaki ay kailangang umasa sa preventive measures na safe sex at patuloy na bantayan ang mga palatandaan at sintomas, kung mayroon man.

Palatandaan at Sintomas ng HPV

Ang immune system ng katawan ay may higit na kakayahan na labanan ang isang impeksyon sa HPV hangga’t walang kulugo na lumitaw. Kapag lumitaw ang warts, ang hitsura at epekto nito ay depende sa uri ng HPV na nakakaapekto sa pasyente.

Mayroong ilang mga uri ng warts na maaaring ma-identify, bawat isa ay may iba’t ibang manifestation sa katawan.

Common Warts

Ang mga karaniwang kulugo ay magaspang, nakalitaw, at magaspang na mga bukol na karaniwang lumalabas sa mga kamay, daliri, o paa ng pasyente. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga karaniwang warts ay hindi dapat ikabahala na sintomas ng HPV. Gayunpaman, may mga kaso kung saan ang mga pasyente na may common wart ay nagsasabi na ang mga ito ay nagdudulot ng pananakit. Ang mga ito ay madaling ma-injure at magdugo.

Genital Warts

Karaniwang nakikita bilang mga rough-surfaced lesion, lumilitaw din ang genital warts bilang maliit, cauliflower-ish lesion o parang daliri na protrusions na maaaring makita sa anogenital area. Sa mga kababaihan, ang mga kulugo na ito ay karaniwang lumilitaw sa o malapit sa vulva, at kung minsan, sa anus. Para sa mga lalaki, ang genital warts ay maaaring lumitaw sa kanilang ari, sa o sa paligid ng scrotum, at sa o sa paligid ng anus. Ang mga kulugo sa ari ay maaaring maging sanhi ng irritation, pangangati, discharge. Kung minsan ang mga ito ay maaaring maging malambot sa pagpindot. Ngunit ang mga ito ay hindi nagdudulot ng malubhang panganib.

Plantar Warts

Ang mga plantar warts, kung ihahambing sa iba pang nabanggit na warts, ay matigas, butil, at hindi regular na bukol na lumilitaw sa sakong at talampakan, at maging sa mga daliri ng paa. Ang mga ito ay kilala na nagdudulot ng sakit, lalo na kapag naglalakad o tumatakbo.

Flat Warts

Ang flat warts ay tumutukoy sa impeksyon sa HPV na bahagyang nakataas at flat-topped. Ang kulay ng balat o kayumangging warts na ito ay maaaring lumitaw kahit saan sa katawan. Ngunit mas karaniwan sa mukha at balbas na bahagi ng mga lalaki. Maaari ring lumitaw ang mga ito kahit saan sa pagitan ng mga binti para sa mga babae. Sa pangkalahatan, walang sintomas ang mga ito.

Key Takeaways

Bilang konklusyon, karamihan ng impeksyon at sintomas ng HPV ay karaniwang hindi nakakapinsala. Gayunpaman, may mga high-risk na uri ng HPV na maaaring magdulot ng kanser. Bilang proteksyon laban sa mga high-risk na uri ng HPV at genital warts, mahalagang mabakunahan para sa HPV. Makipag-ugnayan din sa iyong doktor kung pinaghihinalaan mong nagkaroon ng anumang STD.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Genital HPV Infection – Fact sheet
https://www.cdc.gov/std/hpv/stdfact-hpv.htm
Accessed January 16, 2021

HPV Infection
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hpv-infection/symptoms-causes/syc-20351596
Accessed January 16, 2021

HPV
https://medlineplus.gov/hpv.html
Accessed January 16, 2021

Human Papillomavirus
https://www.womenshealth.gov/files/documents/human-papillomavirus-factsheet.pdf
Accessed January 16, 2021

Human Papillomavirus: Clinical Manifestations and Prevention
https://www.aafp.org/afp/2010/1115/p1209.html
Accessed January 16, 2021

Human Papillomavirus: Viral Infections
http://conditions.health.qld.gov.au/HealthCondition/condition/14/217/80/human-papillomavirus-hpv
Accessed January 16, 2021

Kasalukuyang Version

10/16/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa HPV: Anu-Ano Ang Maaaring Gamitin Na Gamot?

Paano Nahahawa Ng HPV? Maaari Mo Ba Itong Makuha Sa Pamamagitan Ng Paghahalikan?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement