backup og meta

Laro Ng Bata Na Nakatutulong Sa Panahon Ng Pandemic

Laro Ng Bata Na Nakatutulong Sa Panahon Ng Pandemic

Ninakaw ng pandemya ang napakaraming oportunidad para matuto ang mga bata dahil napilitan silang pumirme sa bahay. Dahil sarado ang mga paaralan, parke, mall, at palaruan, ang interaksyon at paglalaro ay naging limitado sa kung anong mayroon sa bahay. Sa kasalukuyan, ang pinakamadaling paraan para malibang ang mga bata habang nagtatrabaho ang mga matatanda ay ang hayaan silang manood ng telebisyon o maglaro sa kanilang gadgets. Maraming patunay na ang matagal na screen time ay naglilimita sa kanilang oportunidad na matuto na maaaring makaapekto sa kanilang development.  Ngunit maaari mong magaya ang mga masasayang laro ng bata sa paaralan sa inyong bahay. 

Narito ang ilang mga laro ng bata na makatutulong upang mapagpatuloy ang development ng mga bata sa mga target na kasanayan. Ang mga ito ay mura at madaling gawin at mga larong gumagamit ng mga materyal, kagamitan, equipment na nasa bahay na rin mismo.

Laro Ng Bata Para Sa Gross Motor Skills

Ang mga gross motor skill ay pangunahing paggalaw na kasanayan na tumutulong sa mga bata na galugarin ang mundo, gumawa ng mga gawaing pisikal, at makilahok sa iba’t ibang gawain. Kabilang rito ang paglalakad, pagtakbo, paglukso, pag-igpaw, at pagkandirit.

Mga Ideya Ng Mga Gawain

Ang masasayang laro ng bata sa loob ng bahay para sa pagdevelop ng gross motor skills ay umiikot sa paggalaw. Ang pagiging aktibo ay nakatutulong sa pagiging malusog ng pisikal na pangangatawan at kabuoan ng pagkatao at pinabubuti rin nito ang pagiging alisto, at motor imitation, kakayahang sumunod sa mga panuto, magbalanse at koordinasyon.

Subukang ang mga ehersisyong katulad ng sumusunod:

  • Panggagaya sa paglalakad ng mga hayop (paglalakad ng oso, alimango atbp.)

laro ng bata

  • Paggawa ng mga simpleng pag-unat at magagaang ehersisyo
  • Ang pag-eehersisyo bilang pamilya ay maaaring maging mainam na bonding ng pamilya para sa mga bata na mayroong limitadong oportunidad para sa interaktibong pakikipaglaro.
  • Indoor obstacle course. Ang mga simpleng balakid ay maaaring makatulong a pagpapatibay ng mga muscles, motor planning, pagbabalanse, at koordinasyon. Maaari kang gumawa ng iba pang balakid gamit ang mga mwebles at laruan na mayroon sa inyong bahay. Paglilinya ng mga upuan at paggapang sa ilalim ng mga ito:
  1. Paggamit ng mga kahon mula sa mga delivery para sa pag-igpaw o pagtawid
  2. Paglalagay ng mga tape sa sahig para sa pagbabalanse at paglalaro ng hopscotch
  3. Pagbabalanse at pagtawid mula sa isang unan papunta sa isa pa
  4. Paggamit ng mga recycled ribbons mula sa mga regalo at deliveries para gumawa ng mga hamong balakid

Laro Ng Bata Para Sa Fine Motor Skills

Ang masasayang laro ng bata na maaaring gawin sa loob ng bahay ay lapat sa pagdevelop ng mga fine motor skills. Ang mga gawaing ito ay hinahayaan ang mga bata na lumahok sa mga pang-araw-araw na gawain tulad ng pag-aalaga sa bawat isa, pakikipaglaro, pag-aaral. Ang mga pang-araw-araw na kagamitan sa bahay ay maaaring magamit upang mahasa ang mga fine motor skill ng mga bata na kailangan sa pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan.

Mga Ideya Ng Mga Gawain

Subukan sa bahay ang mga sumusunod na gawain na magdedevelop sa mga fine motor skill:

  • Ang paggamit ng tongs o tweezers sa paglalaro ay makatutulong sa paghahasa ng kakayahang mag-grip, at mag-pinch, gayundin ang dexterity
  • Pagbubuo at paglalaro gamit ang mga putty (gaya ng Play-Doh), homemade dough, slime, at kinetic sand
  • Pagpipinta gamit ang mga daliri at iba pang mga kagamitan tulad ng sponges at brushes
  • Paggamit ng toilet paper roll upang gumawa ng obra
  • Paggamit ng clothespin upang magsampay o magtanggal ng mga damit
  • Paggawa ng mga sining at obra gamit ang mga materyal na makikita sa bakuran o garden
  • Pagkukulay at pag-aaral ng mga worksheets o printables 

laro ng bata

Laro Ng Bata Para Sa Development Ng Kakayahang Makipaglaro At Makipagkapwa

Ang salitang dapat tandaan ay “pakikilahok.” Hindi dapat iniiwan ang mga batang maglaro mag-isa. Upang mahasa ang kanilang tamang edad ng paglalaro at kakayahang sosyal, ang mga magulang, kapatid, o kamag-anak ay dapat maglaan ng oras na makipaglaro sa bata at isama sila sa mga pag-uusap upang malinang ang kanilang wika at kakayahang pangkomunikasyon. 

Mga Ideya Ng Mga Gawain

Narito ang ilang mga masasayang laro ng bata na maaaring gawin sa bahay na hahasa sa kanilang socialization skills:

• Indoor or outdoor scavenger hunt

Paghahanap ng mga bagay sang-ayon sa kategorya:

  • Nature scavenger hunt
  • Backyard scavenger hunt
  • Garage scavenger hunt

• Paggawa ng mga gawaing-bahay katuwang ng mga magulang o kapatid

Ang pagkakaroon ng iskedyul o tala ng mga gawain ay hindi lamang hinahayaan na magkaroon ng oras para sa pamilya, ngunit nagtuturo din sa mga bata ng mga kasanayan sa buhay at pananagutan sa murang edad. 

  • Pagliligpit ng higaan
  • Paghahanda ng hapag-kainan
  • Pagtutupi ng mga damit
  • Pagtulong sa pagluluto
  • Pagwawalis ng sahig
  • Paggamit ng vaccum upang maglinis pagkatapos ng mga masining at pampagkatutong gawain

• Reading Hour

Magkasamang pagbabasa, palawakin ang kanilang bokabolaryo sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga bagong salita at paghahanap ng mga kahulugan ng mga ito at pagbabahagi ng kanilang natandaan o natutuhan mula sa binasa.

• Family Movie Night

Mag-atas ng mga gawain at tungkulin sa mga bata tulad ng paghahanda ng lugar, paghahanda ng mga pagkain, o pagliligpit pagkatapos manood

• Theater Role Play

Hayaan ang mga bata umarte kagaya ng kanilang mga paboritong karakter sa pelikula o sa palabas sa TV.

Charades

Pag-arte ng kanilang paboritong tauhan, pelikula, palabas o kanta.

Virtual Play Date

Magbahagian ng mga kuwento, maglaro at gumawa ng mga sining at obra kasama ang mga pinsan at kaibigan sa Zoom, habang pinapadaloy at binabantayan ng mga matatanda.

laro ng bata

Key Takeaways


Sa kabila ng limitasyon dala ng restriksyon ng pandemya, mayroon pa ring napakaraming masasaya at interaktibong mga laro ng bata na maaring gawin sa loob ng bahay.
Madali tayong makahahanap ng mga gawain para labanan ang pagkabagot ng mga bata sa tulong ng digital content na mahahanap online. Sa ibang kaso, kailangan man nilang mag-online upang dumalo ng mga klase at makipag-video call sa mga kamag-anak at kaibigan, siguraduhing personal na ginagabayan sila ng isang matanda sa kung anong ginagawa nila online, i-monitor ang kanilang pakikilahok sa mga ibinibigay na sa gawaing digital, at hikayatin ang pakikibahagi, interaksyon at komunikasyon.

Matuto ng higit pa ukol sa Kalusugan ng mga Bata rito

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Deborah Marr, Sharon Cermak, Ellen S. Cohn, Anne Henderson; Fine Motor Activities in Head Start and Kindergarten Classrooms. Am J Occup Ther 2003;57(5):550–557. https://doi.org/10.5014/ajot.57.5.550, Accessed May 25, 2021

Gabrielle A. Strouse, Georgene L. Troseth, Katherine D. O’Doherty, Megan M. Saylor, Co-viewing supports toddlers’ word learning from contingent and noncontingent video, Journal of Experimental Child Psychology, Volume 166, 2018, Pages 310-326, ISSN 0022-0965, https://doi.org/10.1016/j.jecp.2017.09.005. Accessed May 25, 2021

Lucas, B.R., Elliott, E.J., Coggan, S. et al. Interventions to improve gross motor performance in children with neurodevelopmental disorders: a meta-analysis. BMC Pediatr 16, 193 (2016). https://doi.org/10.1186/s12887-016-0731-6, Accessed May 25, 2021

What do we really know about kids and screens?, https://www.apa.org/monitor/2020/04/cover-kids-screens, Accessed May 25, 2021

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mahahalagang Teorya Sa Child Development

Apat Na Area Ng Child Development: Anu-Ano Ba Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement