Ang down syndrome ay isang kondisyon na hindi mapipigilan. Ito ay genetic at maaaring matukoy sa oras ng kapanganakan o maging sa panahon ng pagbubuntis. Ito ay sa pamamagitan ng testing. Ang isang taong may down syndrome ay ipinanganak na may dagdag na chromosome. At ito ay maaaring magdulot ng delay sa development at paglaki ng isang bata, pareho sa pisikal at mental. Kaya ano ang tipikal at normal na development ng may down syndrome?
Tungo sa mabuting development ng may down syndrome
Ang isang batang may down syndrome ay hindi naman naiiba sa ibang mga bata. Nararanasan nila ang parehong mga damdamin, ang parehong mga mood, at lumaki nang katulad – sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagong bagay, paglalaro, at karanasan sa buhay. Gayunpaman, may mga problema sa cognitive development. Ngunit ang mga isyung ito ay karaniwang mula sa medyo seryoso hanggang sa katamtaman. Bihira ang may severe cognitive problems sa down syndrome.
Mahalagang tandaan na matutulungan mo ang iyong anak sa kanyang developing stages sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga normal na karanasan. Magbasa sa kanila tulad ng ginagawa mo sa isang normal na bata, makipaglaro sa kanila, at lahat ng iba pa. Makakatulong ang pagbuo ng mga positibong karanasan sa mga bata, mayroon man o walang down syndrome.
Kung hindi ka sigurado sa iyong mga kakayahan sa pagpapalaki ng batang may Down Syndrome, maraming opsyon ang maaari mong piliin. Maraming available na mga programa sa development at paggamot. Ang mga ito ay hindi makakapagpagaling ng isang batang may down syndrome. Pero malaki ang maitutulong nito sa kanila sa mga pangunahing kasanayan na hayaan silang maging independent na mga indibidwal. Ang mga programang ito ay karaniwang nakatuon sa pagpapabuti ng pagsasalita at pisikal at pang-edukasyon na therapy. Ang mga ito, kasama ang pagmamahal at suporta, ay makakatulong sa mga batang may Down Syndrome na maging mga taong may masaya at produktibong buhay.
Ano ang maaari mong makaharap sa development ng may down syndrome?
Tulad ng nabanggit, pagdating sa development ng may down syndrome, ang down syndrome sa bata ay maaaring humantong sa cognitive impairment. Bagamat ito ay sa medyo mild na level. Karamihan sa mga bata na may kondisyon ay kailangan ng suporta sa pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan sa komunikasyon. Ito ay dahil ang pag-aaral ay maaaring tumagal nang kaunti kumpara sa ibang mga bata. Maaaring gumawa ng mga interbensyon upang suportahan sila para sa isang mas mahusay at mas madaling karanasan sa pag-unlad.
Maaaring asahan ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang may Down Syndrome ang iba pang developmental issues tungkol sa pag-uugali at pag-unawa tulad ng sumusunod:
- Mas maikli ang attention span
- Poor judgment
- Impulsive actions
- Mas mabagal na learning pace
Ang mga taong may Down Syndrome ay mas mataas din ang panganib para sa iba pang mga kondisyon ng kalusugan. Tulad ito ng pagiging nasa autism spectrum, hormonal problems, mga isyu sa pandinig o paningin, at mga abnormalidad sa puso.
Ang mga sanggol na may Down Syndrome ay mayroon ding facial features at maaaring ipinanganak na may iba pang birth defects.
Paano Ka Makakatulong at Paano Ka Matutulungan
Ang pag-alam na ang iyong anak ay maaaring may Down syndrome ay maaaring napakabigat. Ito ay lalo na sa first-time parents. Maaari kang makaramdam na guilty, o takot dahil sa hindi mo alam kung ano ang magagawa mo o hindi mo magagawa. Ang isang bagay na makakatulong sa iyo ay sa pamamagitan lamang ng paghahanap ng tulong at suporta. Mula sa medical professionals o iba pang mga pamilya na may mga anak na may Down Syndrome. Makakatulong ito sa iyo na harapin ang mga unang pakiramdam ng pagkabigla at pag-aalala, at maaaring makatutulong nang malaki sa iyong kahandaan sa pagpapalaki sa bata.
Ang early intervention ay susi sa pagtulong sa isang bata. Kaya kumunsulta sa iyong doktor at humingi ng mga serbisyong mas makakapag-alaga ng mas malakas na paglaki at pag-unlad. Ang maagang interbensyon ay maaaring makatulong sa kanila sa pagpapaunlad ng kanilang mahusay na mga kasanayan sa motor at pag-unlad ng pag-iisip.
Makatitiyak na kahit may mga hamon, karamihan sa mga batang may Down Syndrome ay lumalaking malusog at masaya, at maaaring mamuhay ng masaya.
Matuto pa tungkol sa Child Health at Behavioral and Developmental Disorders dito.
[embed-health-tool-bmr]