backup og meta

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Reactive Attachment Disorder

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Reactive Attachment Disorder

Nabubuo ang attachment kapag ang mga bata ay paulit-ulitt na inaalagaan ng caregivers. Sa pamamagitan ng attachment, natututo ang mga bata kung paano magtiwala at magmahal ng ibang tao. Gayunpaman, sa mga kaso ng napabayaang pag-uugali, ang mga magulang ay hindi nagbibigay ng sapat na pag-aalaga o hindi gumagawa ng paraan upang magkaroon ng matibay na relasyon sa kanilang anak. Nagreresulta ito sa pagdebelop ng reactive attachment disorder (RAD). Nagiging dahilan ito upang maging mahirap sa mga bata na bumuo ng makabuluhang relasyon sa ibang tao. Ito rin ay nagsisilbing hadlang sa development ng kakayahang makasalamuha ng mga bata. Mas maraming bata ang nada-diagnosed na may reactive attachment disorder kaysa mga matanda.

Ano ang reactive attachment disorder (RAD)? Ito ay isang kumplikado, seryoso, at hindi pangkaraniwang kondisyon kung saan ang mga bata ay hindi bumubuo ng pangmatagalan at malusog na relasyon sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga. Sa pangkalahatan, mula sa edad na limang taon, ang RAD ay maaaring maging isang panghabangbuhay na kondisyon kung hindi gagamutin nang maaga.

Ano Ang Reactive Attachment Disorder? Sino Ang Pinakakaraniwang Naaapektuhan Nito?

Karaniwang nadedebelop ang reactive attachment disorder sa mga batang nasa pagitan ng edad na siyam na buwan at limang taon gulang, na nakaranas ng pang-aabuso o napabayaan — pisikal, mental, o maging emosyonal. Hindi man ito karaniwan sa mga batang higit limang taong gulang, ngunit maaari din silang magkaroon nito.

Kadalasan itong nangyayari dahil ang reactive attachment disorder ay maaaring ma-misdiagnose bilang iba pang mga problema sa pag-uugali o emosyon.

Narito ang mga sitwasyon kung saan ang mga bata ay mas tyansang magkaroon ng reactive attachment disorder:

  • Nakaranas ng maraming traumatic losses sa napakamurang edad
  • Nanatili sa isang ampunan
  • Madalas na pagbabago sa foster care
  • Pagbabago ng mga tagapag-alaga kung kanino siya nagkaroon ng matibay na ugnayan

Mga Senyales At Sintomas Ng Reactive Attachment Disorder

May dalawang uri ang RAD: inhibited at disinhibited.

Inhibited

  • Detached na pag-uugali
  • Kawalan ng tugon o pag-iwas sa pag-aalaga
  • Withrawal na pag-uugali
  • Pag-iwas
  • Pagtanggi sa mga relasyon sa ibang tao

Disinhibited

  • Walang pinipiling pakikisalamuha
  • Pagiging mapili sa mapapalapit na tao
  • Naghahanap ng atensyon
  • Mga hindi angkop na pag-uugali ng bata
  • Paglabag sa mga katanggap-tanggap na social boundaries

Ano Ang Reactive Attachment Disorder? Mga Sintomas Nito

Sa Aspeto ng Relasyon

Ang mga batang may RAD ay may posibilidad na maging bossy, nagmamanipula at walang tiwala sa mga relasyon. Madalas silang nagdududa sa damdamin ng ibang tao at sinisisi nila ang iba sa bawat sitwasyon. Ang mga ganitong bata ay nahihirapang magbigay at tumanggap ng pagmamahal.

Sa Aspeto Ng Pag-uugali

Kapansin-pansin ang RAD sa pabigla-bigla, iresponsable at mapanirang pag-uugali. Ang mga batang may ganitong karamdaman ay may posibilidad na magsinungaling, magnakaw, o gumawa ng mga mapaminsalang aktibidad tulad ng pagsisimula ng apoy o pagpatay ng mga hayop. Ang mga batang may RAD ay maaari ding umiwas sa pagkakaroon ng bonding sa pamamagitan ng pisikal na kontak at magpakalulong sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at pag-inom ng alak.

Sa Aspetong Moral

Kulang sa pagkahabag at hindi nagsisisi sa kanilang ginagawang aksyon ang mga batang may RAD.

Sa Aspeto Ng Emosyon

Ang mga bata ay maaaring makaranas ng kawalan ng pag-asa at takot na damdamin, karamihan sa mga ito ay hindi maipaliwanag nang lohikal.

Sa Mental Na Aspeto

Maaaring hindi atentibo o kulang sa tiwala sa kanilang sarili ang mga batang may RAD.

Ano Ang Reactive Attachment Disorder? Mga Sanhi At Epekto

Sanhi

Nangyayari ang RAD kapag walang ugnayan sa pagitan ng mga bata at ng kanilang mga tagapag-alaga o kapag naputol ang ugnayang ito. Ang laging pagpapabaya sa mga pisikal na pangangailangan ng mga bata ay maaari ding maging dahilan. Ang madalas na pagbabago sa mga tagapag-alaga ay nakaaapekto rin sa ugnayan ng mga bata at ng mga nag-aalaga sa kanila.

Mga Epekto

Maaaring maapektuhan ng RAD ang mga bata, pisikal, mental, at emosyonal. Ang delay sa pisikal na paglaki o sa kakayahang matuto ay ilan sa mga karaniwang sintomas. Nagkakaroon sila ng mga nakagagambalang pag-uugali na nakasisira sa kanilang mga relasyon sa buhay. Maaari din silang magkaroon ng pagkabalisa at depresyon, na posibleng humantong sa pag-abuso sa mga bagay.

Ano Ang Reactive Attachment Disorder? Gamot Para Sa Sakit Na Ito

Ang paggamot sa RAD ay umiikot sa caregivers, at pagtugon sa mga problemang nakaaapekto sa ugnayan sa pagitan ng mga tagapag-alaga at ng mga bata. Nagbibigay ito ng pananaw sa mga magulang tungkol sa dahilan ng reactive attachment disorder sa kanilang anak. Nagbibigay din ng gabay ang gamutan kung paano sila makalilikha ng isang matibay na ugnayan o maayos ang relasyon sa kanilang anak.

Walang gamot ang RAD, ngunit ang therapy ay isang epektibong paraan para sa mga magulang at mga bata na ipahayag ang kanilang mga iniisip at damdamin, pag-usapan ang kanilang mga pagkakaiba, at magsimula ng isang malusog na relasyon.

Ang mga bata ay nangangailangan ng pag-aalaga at paggabay ng kanilang mga magulang para sa kanilang emosyonal at mental na kapakanan. Kailangan nila ang iyong oras para sa physical proximity. Ito ay pareho sa mga tagapag-alaga kung ang iyong anak ay mayroon nito. Ang pinakamahusay na tagapag-alaga para sa iyong anak ay isang taong nakakasama niya nang mabuti.

Kung sakaling magkaroon ng reactive attachment disorder ang iyong anak, sa halip na gawin ang mga pag-iingat na ito, huwag kalimutang kumonsulta sa isang propesyonal na magbibigay sa kanila ng suportan emosyonal at mental na kailangan nila upang malampasan ang trauma.

Matuto pa tungkol sa Child Behavioral and Developmental Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Reactive Attachment Disorder, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17904-reactive-attachment-disorder, Accessed on 04/11/2020

Reactive Attachment Disorder, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/reactive-attachment-disorder/symptoms-causes/syc-20352939, Accessed on 04/11/2020

Reactive Attachment Disorder (RAD) and Other Attachment Issues, https://www.helpguide.org/articles/parenting-family/attachment-issues-and-reactive-attachment-disorders.htm, Accessed on 04/11/2020

Reactive Attachment Disorder Basics, https://childmind.org/guide/reactive-attachment-disorder/, Accessed on 04/11/2020

Reactive Attachment Disorder,  https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK537155/, Accessed on 04/11/2020

Kasalukuyang Version

01/16/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Pagpupuri ng Bata: Mayroon Bang Tama o Maling Paraan Ba Nito?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement