backup og meta

Senyales Ng Prepartum Depression Sa Buntis, Anu-Ano Ito? Alamin!

Senyales Ng Prepartum Depression Sa Buntis, Anu-Ano Ito? Alamin!

Parami nang parami ang nagiging aware tungkol sa postpartum depression. Ngunit, nanatili pa rin ito bilang isang under-recognized phenomenon. Dagdag pa rito, kakaunti rin ang mga impormasyon at pananaliksik pagdating sa senyales ng prepartum depression.

Maaaring narinig mo na dati ang pagkakaroon ng depresyon pagkatapos manganak. Subalit, alam mo ba na tinatayang 12% ng mga kababaihan ay mayroong posibilidad na makaranas ng prenatal depression — depresyon na nagaganap sa panahon ng pagbubuntis at hindi pagkatapos ng panganganak.

Ang mga kababaihan ay nakakaranas ng maraming hormonal changes sa gitna ng pagbubuntis. Kung saan, maaaring malubhang makaapekto ito sa kanilang mental na kagalingan. Napakahalaga na ipaalam sa mga ina at mga magiging ina na hindi sila nag-iisa sa bagay na ito. Maraming tulong ang pwede at lagi nilang magagamit. 

Ipapaliwanag sa mga sumusunod na bahagi ng artikulong ito kung ano ang sanhi ng prepartum depression — at ano ang mga dapat gawin sa pagharap nito.

Senyales Ng Prepartum Depression

Halos katulad ng depresyon sa pangkalahatan ang prepartum depression. Gayunpaman, tingnang mabuti kung paano kumikilos ang  isang ina. Maaari mong makita ang mga pahiwatig na tumutukoy sa pagkakaroon ng prepartum depression. Narito ang ilang mga sumusunod na senyales: 

  • Sobrang pagkabalisa kapag iniisip ang tungkol sa baby
  • Napakahinang mga tugon patungo sa katiyakan o reassurance
  • Paggamit ng alak at droga
  • Pag-iisip ng pagpapakamatay
  • Emosyonal na pamamanhid
  • Kakulangan ng pangangalaga sa sarili

Maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang mga pag-atake ng depresyon ay karaniwang nangyayari sa una o pangatlong trimester ng pagbubuntis. Pwedeng kailanganin mong mas bantayan ang mga sintomas na ito sapagkat sa kabila ng pagiging mas karaniwan sa unang trimester, maaari kang matamaan sa anumang punto sa kalagitnaan ng iyong pagbubuntis.

Ano Ang Maaaring Idulot Ng Prepartum Depression?

Ang pinakakaraniwan at karaniwang sanhi ng ganitong uri ng depresyon ay ang hormonal imbalance mula sa pagiging buntis mismo.  Dahil dumadaan ang buntis sa hormonal imbalance, napatunayang hindi lamang isa ang sanhi ng prepartum depression. Narito ang ilang mga sumusunod:

  • May kasaysayan ng depresyon o mga sakit sa isip
  • Ang pagbubuntis ay hindi planado
  • Isang traumatiko o mahirap na pagkabata
  • Kahirapan sa karanasan sa panganganak o miscarriage
  • Mahina o kawalan ng suporta
  • Stressful environment at mga kondisyon ng pamumuhay

Ang mga nabanggit ay hindi pare-pareho para sa bawat buntis. Sapagkat, maaaring dumaranas lamang ng matinding pagbabago sa hormonal ang ibang babae. Ngunit, kapag lumalala na at hindi na sila naaayos, maaaring oras na para tumayo at humingi ng tulong.

Paano Humingi Ng Tulong

Tandaan na ang pagkalito ay normal pagdating sa mga sitwasyong tulad nito. Sa sandaling makaramdam ka ng anumang discomfort  tungkol o nauugnay sa pagbubuntis. Siguraduhing pumunta sa’yong doktor sa lalong madaling panahon.

Maraming kababaihan ang natatakot na magsabi sa tuwing nakakaranas ng mga bagay, tulad ng prepartum depression. Sapagkat kadalasan, labis silang nag-aalala tungkol sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid. Ang paghingi ng tulong sa lalong madaling panahon ay pwedeng makatulong sa pag-iwas sa mas malalang kondisyon. Dagdag pa rito, nakakatulong din ito para maiwasan ang malalim na potential impacts sa iyo at sa developing baby.

Napakahalaga ng self-care pagdating sa prepartum depression, at narito ang ilang paraan upang matulungan ang iyong sarili:

  • Iwasang ma-stress
  • Magnilay, magpahinga, at gawin ang ilang pregnancy yoga kung mayroon kang oras
  • Pag-usapan ang iyong nararamdaman sa mga kaibigan at pamilyang pinagkakatiwalaan mo
  • Humingi ng suporta sa mga taong hindi ka kilala – mga peer support groups na nakakaunawa sa’yong sitwasyon.

Karaniwang may 2 paraan ang paggamot para sa prepartum depression. Kung minsan pareho ang mga ito para sa mas malakas na epekto. Maaaring gawin ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapayo at talk therapy. Kung saan ang mga therapist ay makikipag-usap sa iyo at tutulungan kang mag-navigate sa iyong nararamdaman. Ang pangalawang paraan naman ay ang paggamit ng gamot. Sa puntong ito, kailangan mong tiyakin na ang iyong iinuming gamot ay ligtas para sa iyo at sa baby.

Tandaan: Hindi ka nag-iisa.

Hindi isang bihirang karanasan ang prepartum depression. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito maaaring gamutin. Sa sandaling maramdaman o nararanasan mo — o ang iyong kakilala ay nakitaan mo ng senyales ng prepartum depression. Maaaring oras na para humingi ng tulong. Huwag mahiya o matakot dahil hinding hindi ka nag-iisa sa laban na ito — at marami rin ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Tandaan na kailangan mo lang iwasan ang mga posibleng bagay na makapagti-trigger sa’yo at magtiwala sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.  Humingi ka rin ng tulong sa lalong madaling panahon sa pras na maramdaman mo ito.

Matuto pa tungkol sa Prenatal Care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Depression During & After Pregnancy: You Are Not Alone, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/prenatal/delivery-beyond/Pages/Understanding-Motherhood-and-Mood-Baby-Blues-and-Beyond.aspx Accessed March 15, 2021

Perinatal Psychiatry, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780702031373000279 Accessed March 15, 2021

Depression during pregnancy: You’re not alone, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/depression-during-pregnancy/art-20237875 Accessed March 15, 2021

Perinatal Depression, https://www.nimh.nih.gov/health/publications/perinatal-depression/index.shtml Accessed March 15, 2021

Identifying the women at risk of antenatal anxiety and depression: A systematic review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4879174/ Accessed March 15, 2021

Kasalukuyang Version

08/30/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Prenatal Depression, Anu-Ano Nga Ba Ang Mga Ito?

Sanhi Ng Postpartum Depression, Ano Nga Ba? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement