Bagaman ang maramihang pagbubuntis ay isang kapana-panabik na karanasan, may kaakibat itong panganib at komplikasyon. Alamin sa artikulong ito ang mga sanhi ng panganganak ng marami at panganib na kaugnay nito.
Sanhi ng Panganganak ng Marami
Ang maramihang pagbubuntis ay nangangahulugang ang isang ina ay nagbubuntis sa dalawa o higit pang sanggol nang isang beses lamang.
Ang sumusunod ay tatlong uri ng maramihang pagbubuntis:
Fraternal o dizygotic twins ay ang pinaka-karaniwang uri ng maramihang pagbubuntis. Ang dizygotic ay nangangahulugang ang dalawang selula kung saan ang sanggol ay nabubuo gamit ang magkahiwalay na sperm at egg. Kaya naman ang kambal ay maaaring hindi magkamukha at maaari ding magkaiba ng kasarian dahil nagmula sila sa magkaibang cell.
Identical o monozygotic twins ay nangyayari kapag ang fertilized egg ay nahahati sa dalawa. Ito ay mula sa iisang egg lamang o monozygotic, ang kanilang mga katangian at kasarian ay magkapareho. Lumalaki sila nang tila magkaparehong imahe ng isa’t isa.