brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Mabisang Gamot sa Singaw, Anu-ano nga ba?

Ang mouth sores, o singaw, ay pasakit para sa mga biglaan lang nagkaroon nito. Bagamat ang kondisyon na ito ay nawawala nang kusa matapos ang isa o dalawang mga linggo, ang pagharap dito ay mahirap. Maaari nitong maapektuhan ang pang-araw-araw na gawain, tulad ng pagkain at pag-inom. Sa kabutihang palad, maraming mga tiyak na gamot o “gamot sa singaw” na naglalayon na mawala ang sakit na dala ng kondisyong ito. Maaaring ito ay mula sa gamot sa bahay, over-the-counter na gamot, at sa ibang mga kaso pangangalagang medikal.

Mabisang Gamot sa Singaw, Anu-ano nga ba?

Narito ang dapat mong malaman tungkol sa mabisang gamot sa singaw.

Ano ang Singaw?

Ang singaw o mouth sores ay karaniwang tumutukoy sa masakit na spots at sugat sa soft tissues ng ating mga bibig, bagang, at labi. Maaari mong madaling malaman kung ikaw ay may singaw dahil ito ay masakit. Kung tumingin sa salamin, madali mong makikita ang puti o dilaw na spots sa loob ng mapulang lining. 

Ang singaw ay maaaring mawala sa paglipas ng panahon, sa tiyak na “gamot sa singaw” na nagbibigay ng mabilis na paggaling at kaginhawaan mula sa kondisyong ito. Gayunpaman, hindi lahat ng singaw ay pareho at maaaring magkaiba sa lokasyon at sanhi. Ang pag-alam sa iba’t ibang uri ng singaw ay makatutulong sa pagtukoy ng akmang lunas para sa’yo.

  • Karaniwang singaw. Ito ay karaniwang dahil sa aksidente, friction, burns, iritasyon, at impeksyon.
  • Canker sores o aphthous ulcers. Ang mga hindi nakakahawang singaw ay lumalabas sa pisngi, labi, at loob na bahagi ng mga labi. Bagaman ang eksaktong sanhi ay hindi palaging malinaw, inaasahan ng mga eksperto na ito ay sanhi ng auto-immune na kondisyon, isang compromised immune system dahil sa sakit, o response sa allergic substance. Walang direktang gamot upang mawala ang singaw sa mga ganitong sakit, dahil nawawala ang singaw o nababawasan lamang kapag nasolusyonan ang mismong sakit.
  • Cold sores o fever blisters. Ang kondisyon na ito ay medyo iba mula sa dalawang nasa itaas dahil ito ay sanhi ng herpes simplex viruses – type 1 (HSV-1) at type 2 (HSV). Ito ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng contact sa balat mula sa ari papuntang bibig.

Kailan Kokonsulta sa Doktor

Ang singaw ay hindi seryosong alalahanin dahil ito ay karaniwang nawawala nang kusa matapos ang isa o dalawang linggo (10-14 na mga araw). Mayroon ding mga gamot sa singaw na mabibili sa pharmacies, maging ang mga tiyak na medikal na pamamaraan.

Ang ilan sa mga mouth ulcers ay maaaring lumala, na nagpapakita ng mas seryosong alalahanin sa kalusugan, tulad ng cancer sa bibig sa mga madalang na kaso. Narito ang ilan sa mga senyales ng paglala ng singaw.

  • Ang singaw sa bibig ay tumagal ng higit sa dalawang mga linggo.
  • Ang singaw ay paulit-ulit na nangyayari sa bibig.
  • Mas lumaki ang laki ng singaw kaysa sa karaniwan.
  • Maliban sa sakit mula sa pamumula, nakikitaan ng dugo sa singaw.
  • Ikaw ay nakararanas ng lagnat at rashes.

Gamot sa Singaw: Medikal na Lunas

Maaaring sirain ng singaw ang iyong araw, kahit na ito ay nawala nang kusa matapos ang ilang linggo. Ang pinaka mainam na maaari mong gawin ay lunasan ang sugat at pahupain ang sakit sa pamamagitan ng gamot. Ano ang iba’t ibang uri ng gamot sa singaw?

(Tandaan na doktor ang makakapagsabi kung alin dito sa mga medikal na lunas ang nararapat para sa inyong kondisyon. Ang mga gamot na ito ay dapat inumin ng may preskripsyon galing sa doktor at dapat nagagamit rin base sa instruksyon ng doktor.)

  • Iniresetang dexamethasone oral rinse. Ang dexamethasone ay isang uri ng corticosteroid na kilala sa pagbawas ng sakit at pamamaga sa bibig. Maaaring irekomenda ng mga doktor ang mouth rinse na naglalaman ng substance upang mawala ang sakit na nararamdaman mula sa singaw.
  • Topical creams, pastes, at gels. Depende sa sangkap na mayroon ang topical creams, maaari kang bumili ng mga gamot sa singaw na over the counter (tulad ng gamot na naglalaman ng Benzocaine at Hydrogen peroxide) o gaya ng inireseta ng iyong doktor (tulad ng Fluocinonide ointments).
  • Oral na gamot. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng oral na gamot tulad ng Sucralfate at Colchicine. Bagaman hindi direktang nilalayon ang paggamot ng singaw, maaari nitong mabawasan ang sakit at pamamaga.
  • Cauterization. Ang electro-surgical na proseso na ito ay kabilang ang pagtanggal ng bahagi ng iyong balat kung saan ang sugat ay susunugin gamit ang init. Karaniwan na kaugnay rito ang chemical solution tulad ng Silver Nitrate at Debacterol.
  • Oral supplements. Sa mga kaso na ang singaw ay dahil sa mahinang immunity, maaaring irekomenda ng doktor ang bitamina B-6 at B-12, folate, at zinc supplements upang tulungan na magbigay ng nutrisyon sa iyong katawan. Bagaman hindi direktang gamot sa singaw, maaari nitong mapabuti ang iyong immunity na maaaring makaiwas sa singaw. 

Gamot sa Singaw na mula sa Bahay

Maliban sa mga gamot sa singaw na nasa itaas, maaari mo ring magamit ang mga gamot sa bahay at gawain na ito upang mawala ang sakit mula sa singaw.

  • Homemade na mouth rinse. Pagsamahin ang cup ng tubig, ¼ tsp ng baking soda, at ⅛ tsp ng asin upang gumawa ng mouth rinse. Magmumog at linisin ang singaw gamit ang solution.
  • Homemade na mouth paste. Paghaluin ang baking soda at tubig upang gumawa ng paste. Maglagay ng bahagi ng paste sa singaw.
  • Iwasan ang pagkain ng tiyak na mga pagkain. Ang pagkain ng maanghang, mainit, o matigas na mga pagkain ay maaaring mag-trigger sa sakit ng infected na bahagi. Sa halip ay subukan ang pagkonsumo ng mas malambot na mga pagkain na hindi masakit sa bibig.
  • Maging maingat sa personal na hygiene. Subukan na gumamit ng malambot na sipilyo at malambot na mouth swabs. Iwasan ang toothpaste at mouthwash na may matapang na sangkap. Marahan na linisin ang ngipin upang iwasan ang friction sa singaw.

Mahalagang Tandaan

Ang singaw ay masakit at nakaiirita na kondisyon na maaaring mawala sa loob ng isa o dalawang mga linggo. Bagaman ito ay hindi dapat ipag-alala, maaari nitong panandaliang makaapekto sa pang-araw-araw mong buhay.

Ang mga gamot sa singaw at gamot sa bahay ay makapagbibigay ng ginhawa. Ang pagsasagawa ng mainam na hygiene at pagiging maingat sa mga ikinokonsumong pagkain ay makatutulong upang maiwasan ang pabalik-balik na singaw. Maaaring maapektuhan ng singaw ang kalidad ng iyong buhay, mas mainam palagi ang pag-iwas kaysa sa gamutan.

Matuto pa tungkol sa Oral Care dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

medical
Regina Victoria Boyles, MD
Narebyung medikal ni
Pediatrics
Isinulat ni Jerra Mae Dacara · Na-update noong 2 linggo na ang nakalipas