


May pinagkaiba ba ang orthodontist sa dentista? Ang oral hygiene ay kasing halaga ng iba pang bahagi ng katawan kung nagpapanatili ng holistic health, kung kaya naman lubos na minumungkahi ang regular na pagkonsulta sa dentista tuwing anim na buwan. Ang regular na konsultasyon sa dentista ay nangangahulugan ng mas mababang posibilidad na magkaroon ng problema sa kalusugan ng bibig. Kung kinakailangan, magbibigay ang doktor ng mas simpleng paggamot, na nagkakahalaga ng mas mababa kaysa sa mas komplikadong mga paggamot. Alamin ang pinagkaiba ng orthodontist sa dentist.
Sa paghahanap ng kalinisan ng ngipin o kung saan pupunta para sa appointment sa ngipin, maaaring narinig na ang terminong ‘orthodontist’. At kung gayon, maaaring naisip, “Orthodontist vs dentista – ano ang pagkakaiba?” Kung nagtataka, huwag ka nang magtaka pa. Sasagutin namin ang lahat ng tanong mo tungkol sa paksa.
Ano nga ba ang eksaktong ginagawa ng mga orthodontist at dentista.
Sa praktika ng dental medicine, mayroong limang iba’t ibang uri ng mga propesyonal sa ngipin na dapat tandaan. Ang mga propesyonal na ito ay dentista, dental hygienist, dental therapist, dental assistant, at dental technician. Kaya saan nakapaloob ang orthodontist vs dentist?
Ang pagtutuunan natin ng pansin ay ang dentista.
Sa kahulugan, ang dentist ay trained professional na nangangalaga sa kalusugan ng mga ngipin, gilagid, at pangkalahatang bahagi ng bibig. Samakatuwid, responsable sila sa pag-diagnose at paggamot sa anumang mga problema sa mga bahaging iyon.. Trabaho ng dentist na itaguyod ang pangkalahatang kalinisan sa bibig sa lahat ng kanilang mga pasyente.
Sa kanilang background, tulad ng sinumang doktor, mayroong partikular na pagsasanay na pinagdadaanan ang bawat dentist sa edukasyon. Sa dental school, kailangan nilang makatapos ng dalawang taon ng biomedical science studies at dalawang taon ng clinical practice. Kapag nakumpleto na ang apat na taon na ito, makukuha nila ang kanilang doctor of dental surgery (DDS) o doctor of dental medicine (DDM) degree, at pagkatapos ay magpapatuloy na kumuha ng mga written at praktikal na pagsusulit para sa lisensya na magsanay ng dentistry.
Mas madalas sa Pilipinas, ang mga dental students ay nag-aaral ng 2 taon ng Predentistry (higit pa sa mga asignaturang GE/General Education) pagkatapos ay 4 na taon ng dentistry proper sa kabuuang 6 na taon upang makakuha ng degree ng DDM (Doctor of Dental Medicine).
Maaaring magpakadalubhasa sa maraming larangan ang mga dentist. Ilan sa mga ito ang
Bago magpatuloy, ang isang bagay na dapat tandaan ay: ang bawat orthodontist ay dentista ngunit hindi lahat ng dentista ay orthodontist. Alamin pa natin ang pinagkaiba ng orthodontist sa dentist.
Ang orthodontist ay dentista na espesyal na nagpakadalubhasa sa pag-diagnose, paggamot, o upang maiwasan ang mga iregularidad sa ngipin at panga. Karaniwan, ang nilalayong resulta ng trabaho ng bawat orthodontist ay upang mapabuti ang kagat ng kanilang pasyente. Ang mga iregularidad na maaaring makaapekto sa kagat ng pasyente ay kinabibilangan ng mga kaso tulad ng crooked teeth, gapped o overcrowded na ngipin, over o underbite na problema o jaw ailments.
Magkaiba ang orthodontist kumpara sa serbisyo ng dentista, ngunit may overlap minsan.
Sa kaso ng isang dentist, sila ang higit na mas responsable sa maintenance services, pagbibigay ng pangangalaga sa ngipin ng komunidad sa tahanan, paaralan, o ospital, at pagbibigay ng kalusugan ng publiko sa ngipin, na nangangahulugan ng pagtataguyod ng mabuting kalinisan sa bibig sa komunidad.
Kasama sa kanilang mga pamamaraan ang pag-alis ng anumang plaque o tartar buildup, na maaaring magdulot ng pagkabulok ng ngipin at mga sakit sa gilagid, at pagtugon sa anumang agarang pananakit o kakulangan sa ginhawa na maaaring magkaroon ng mga pasyente sa kanilang ngipin o gums.
Sa orthodontist, tiyak na kwalipikado silang tugunan ng mga problemang pinangangasiwaan ng dentista. Ngunit kwalipikado rin silang mag-alok ng mga serbisyo tulad ng mga braces o anumang iba pang aplikasyon ng dental appliance, at operasyon.
Pinapahintulutan din nila ang iba pang mga serbisyo tulad ng dental x-ray, panoramic x-ray ng mukha at ulo, oral exam, at mga impression. Ito ay upang lumikha ng molds ng ngipin ng kanilang pasyente. Sa ilang mga kaso, maaaring mag-alok ang isang orthodontist ng medikal na payo kung paano maiwasan ang sleep apnea. Maging sa pagbibigay ng mga oral devices na maaaring makatulong sa panga upang maiwasang magbara sa daluyan ng hangin.
Bilang pangkalahatan, ang mga dentista ay mga general practitioner habang ang mga orthodontist ay mga dentista na dalubhasa sa larangan ng Orthodontics.
Ano ang pinagkaiba ng orthodontics sa dentist? Ang pagiging edukado sa magkaibang tungkulin ng mga doktor ng ngipin ay magiging kapaki-pakinabang sa kalusugan. Ang pag-alam kung kailangan ng isang dentista o orthodontist ay nagbibigay-daan na gumawa ng mas matalinong pagpipilian at gayundin ng mas magandang ngiti at kagat.
Matuto pa tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Bibig dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Dental Professionals, https://www.dentalhealth.org/dental-professionals, Accessed March 15, 2021
What Is an Orthodontist? https://www.webmd.com/a-to-z-guides/what-is-an-orthodontist, Accessed March 15, 2021
What Is a Dentist? https://www.webmd.com/a-to-z-guides/what-is-a-dentist, Accessed March 15, 2021
Sleep Apnea and Snoring, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/s/sleep-apnea-and-snoring?utm_source=mouthhealthyorg&utm_medium=mhtopstories&utm_content=sleep-apnea, Accessed March 15, 2021
Your Top 9 Questions About Going To the Dentist — Answered! https://www.mouthhealthy.org/en/dental-care-concerns/questions-about-going-to-the-dentist, Accessed March 15, 2021
Kasalukuyang Version
08/19/2026
Isinulat ni Jerra Mae Dacara
Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc
In-update ni: Jan Alwyn Batara
Narebyung medikal ni
Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc
Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center