Ang maduming hangin ay binubuo ng iba’t-ibang mapanganib na sangkap. Maaari itong natural o nagmula sa mga tao. Ang mga pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin na gawa ng tao ay ang sumusunod:
Ang maduming hangin ay binubuo ng iba’t-ibang mapanganib na sangkap. Maaari itong natural o nagmula sa mga tao. Ang mga pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin na gawa ng tao ay ang sumusunod:

Ito ay maaaring may natural na sanhi tulad ng:
Ayon sa World Health Organization, 99% o halos lahat ng pandaigdigang populasyon ay humihinga ng hangin na lumampas sa WHO guideline limits. Ang hangin na ito ay naglalaman ng mataas na antas ng mga pollutants. Dumaranas ng pinakamataas na pagkalantad sa hangin na ito ang mga bansa na may mababa o katamtamang kinikita lamang.
Ang polusyon sa hangin ay isang environmental health hazard. Alam nyo na ang ibig sabihin kapag namuo sa isang lungsod ang brown haze. Gayundin kapag nagsimula ng bumulusok ang tambutso ng mga sasakyan sa daan. Ang polusyon sa hangin ay responsable sa higit na 6.5 milyon taong namamatay bawat taon sa buong mundo.
Humigit-kumulang isang-katlo ng fossil fuel emissions taun-taon ang tinatanggal ng mga pandaigdigang kagubatan. Ayon sa isang pag-aaral, ang community forests ay nagliligtas ng halos isang buhay sa bawat taon.
Benepisyo ng punongkahoy:
Ang wastong bentilasyon ay nagpapanatili ng sariwa at malusog na hangin sa loob ng bahay. Tulad ng baga, kailangan ding makahinga ng mga tahanan. At upang matiyak na sariwang hangin ang pumapasok at ang maruming hangin ay lumalabas, dapat lang na mayroong wastong bentilasyon. Ang hangin sa loob ng bahay ay maaaring bumuo ng mataas na antas ng mga dumi sa hangin tulad ng:
Kailangang makapasok ang sapat na hangin galing sa labas upang maabot nito ang lahat ng bahagi ng tahanan. Ito ay makapagbibigay ng magandang kalidad ng hangin sa loob ng bahay, Para sa halos lahat ng mga bahay, ang mga bintana at mga elemento ng istruktura ay nakakatulong sa pagdadala ng sariwang hangin.
Gumugugol kayo ng maraming oras sa loob ng bahay kung kaya dapat gawing prayoridad ang malusog na panloob na kalidad ng hangin. Nabanggit ng NASA Clean Air Study na ang ilang mga panloob na halaman ay maaaring makabawas ng mga pollutants at maduming hangin sa loob ng bahay.
Totoo na nagbibigay ng oxygen ang mga tanim sa araw, ngunit naglalabas ng carbon dioxide sa gabi. Gayunpaman, mayroong ilang mga halaman na nagbibigay ng oxygen sa loob ng 24 oras at hindi lamang sa gabi tulad ng sumusunod:
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
https://www.arborday.org/trees/treefacts/https://www.lung.org/blog/do-houseplants-really-improve-air-qualityhttps://www3.epa.gov/region1/airquality/reducepollution.html#:~:text=On%20Days%20when%20High%20Particle,%2C%20trash%2C%20and%20other%20materials.https://doh.gov.ph/faqs/What-can-you-do-to-help-clean-the-airhttps://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/research/2013/02/5-things-you-should-do-when-there-s-poor-air-quality/https://www.niehs.nih.gov/health/topics/agents/air-pollution/index.cfmhttps://www.who.int/health-topics/air-pollution#tab=tab_1
Kasalukuyang Version
02/24/2026
Isinulat ni Lovely Carillo
Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel
In-update ni: Jan Alwyn Batara