backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Vicki Belo, Ibinahagi Ang Kanyang Karanasan Bilang Cancer Survivor

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD · General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

    Vicki Belo, Ibinahagi Ang Kanyang Karanasan Bilang Cancer Survivor

    Mistulang walang hihilingin pa ang isang celebrity dermatologist tulad ni Vicki Belo sa kanyang buhay. Ngunit, sa isang sit-down interview kasama si Korina Sanchez, isiniwalat niya sa unang pagkakataon ang kanyang mga hugot sa buhay kabilang na ang Vicki Belo breast cancer journey. 

    Vicki Belo Breast Cancer Journey: Ang Kwento Mula Kay Dra. Belo

    Nagsimula ang kanilang usapan sa pagbabahagi ni Dra. Vicki ng kanyang mga karanasan noong bata pa lamang siya. Bago siya magiging isa sa tinitingalang tao sa kanyang propesyon, nakaranas din siya ng pangungutya dahil sa kanyang itsura. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makahanap siya ng pag-ibig. Matapos mapagusapan ang kanyang buhay pag-ibig, dumako naman si Korina sa pinakamabigat na bahagi ng kanilang interview. 

    Sinimulan niya ito sa pagbanggit na “extraordinary people do not lead ordinary lives,” at dito na inamin at ibinahagi sa unang pagkakataon ang tungkol sa Vicki Belo breast cancer journey. 

    “I had cancer in 2016 and was diagnosed with third stage breast cancer. I went to Europe for treatment so I kind of disappeared for a year and a half to two years,” pahayag ni Dra. Vicki. 

    Nakwento rin niya na siya ay nakalbo noong kasal ng kanyang anak na si Cristalle Bello. Na-diagnose siya ng naturang kondisyon noong Enero ng taon na iyon. Matapos malaman ang nakakalungkot na balita, pumunta siya agad ng Europe upang magpagamot ngunit hindi naging maganda ang kanilang sagot.

    Anya, nasabihan siya ng mga salitang, “don’t bother to have chemo, just fix your affairs, you’re dead in two years.”

    Nagpunta rin siya sa New York Presbyterian, kung saan ang mga eksperto ay hindi rin sigurado kung mabubuhay pa siya.

    Sa parehong taon, pumanaw din ang kanyang ina na siyang lalong ikinabigat ng mga pangyayari para sa kanya. Ikinuwento niya na nasa gitna siya ng kanyang chemotherapy session nang ipaalam sa kanya na nag-collapse na ang kanyang ina.

    “[It was] traumatic but I think my mom passed away because Atom kept telling her, ‘Vicki has to go to the States but she won’t leave because she wants to be near you.'”

    Vicki Belo Breast Cancer

    Ang Pagpapatuloy Sa Buhay Sa Kabila Ng Breast Cancer Journey 

    Bagaman hindi alam ng karamihan na siya ay mayroong cancer, ipinatuloy ni Dra. Vicki ang kanyang mga public appearances. Ibinahagi niya na ang isa sa kanyang mga panayam sa CNN ay ginanap dalawang araw pagkatapos sumailalim sa isang chemotherapy session. Hindi man naglagas ang kanyang buhok sa kanyang unang session, nataunan na ito ay nangyari naman habang siya ay nakikipag-panayam. Ito ay kasabay ng itsura ng pagkakaiba ng kulay ng balat, pakikiramdam na siya ay bloated at may sakit — ilan sa mga karaniwang epekto ng naturang treatment.  

    Dahil dito, hindi siya makapag-concentrate sa pagsagot sa interview. Wala siyang maisagot nang tanungin siya ng mga hosts tungkol sa kanyang plano. 

    “If you have cancer kasi wala kang plans, you just want to get well,” wika niya.

    “I don’t plan because I don’t know if I’ll gonna be alive or not and they (health experts) told me na I’m gonna be dead,” dagdag pa niya. 

    Ikinabigla niya ang partikular na tanong na iyon, dahilan para maianunsyo niya na mayroon siyang anak sa kanyang asawa na si Hayden Kho. Wala siyang balak sabihin ito ngunit dahil gusto niya mabalin ang atensyon nila, bigla niyang nasabi ito. Si Scarlet ay isang taong gulang pa lamang noong panahon na iyon. 

    Sa gitna ng kanyang pagbabahagi, naging emosyonal na rin ang doktor nang siya ay tanungin kung ano ang naging sikreto niya upang malampasan ang lahat ng mga hamon sa kanyang buhay. Binigyang-diin niya na si Scarlet talaga ang “no.1″ secret bakit nakayanan niya ang lahat ng hirap sa breast cancer.  

    “Kasi I really look at her and I want to be with her. I don’t want to leave her so young, so I kept praying ‘Lord, please give me time,'” sabi niya. 

    Alamin ang iba pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Jaiem Maranan, RN MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Fiel Tugade · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement