backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Masama ba ang Gluten para sa Iyong Bituka? Narito ang Dapat Mong Malaman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen · Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    Masama ba ang Gluten para sa Iyong Bituka? Narito ang Dapat Mong Malaman

    Ano ang gluten?

    Ang gluten ay protina na nasa maraming grains o butil. Kasama dito ang barley, rye, wheat, oats at triticale. Karaniwang nasa maraming pagkain ito katulad ng cereal, pizza, at tinapay. Walang ibinibigay na mahalagang sustansya para sa katawan ang gluten. Gayunpaman, nagsisilbi itong glue upang magkadikit-dikit ang pagkain at magbibigay hugis ito sa kanila. Napaka-elastic ng gluten proteins tulad ng glutenin at gliadin. Nagiging akma ang mga butil na may gluten para sa paggawa ng tinapay at iba pang baked goods. Ang tanong ay kung masama ba ang gluten sa kalusugan?

    Sa nakalipas na dekada o higit pa, dumarami ang health movement na maging gluten-free. Nagkakaroon ng pagkalito kung ang gluten ay nagdudulot ng mga problema sa lahat. O nagiging sanhi ba ito ng health issues sa maliit na grupo ng mga taong may partikular na mga kondisyon. Alamin ang sagot kung masama ba ang gluten para sa iyong bituka.

    Kailan masama ang gluten sa kalusugan?

    Humigit-kumulang 1% ng populasyon ng mundo ang may celiac disease, isang autoimmune disease na na-trigger ng gluten. Ang mga indibidwal na ito ay nagkakaroon ng mga sumusunod na sintomas pagkatapos kumain ng gluten: 

    • Pamamaga ng bituka
    • Irritation ng bituka
    • Pagkasira ng bituka
    • Ang ibang tao ay may gluten sensitivity o gluten intolerance. Sila ay nakakaranas ng mga problema kapag kumakain ng pagkain na may gluten, ngunit walang celiac disease.

    Maaaring danasin ng mga sensitibo sa gluten ang parehong epekto ng pagkain ng gluten tulad ng mga may celiac disease. Pwede rin silang makaranas ng non-gastrointestinal symptoms tulad ng:

    • Pananakit ng ulo
    • Pamamanhid sa mga braso at binti
    • Sakit sa kasu-kasuan

    Gayunpaman, ang mga sensitibo sa gluten ay hindi dumaranas ng parehong pinsala sa bituka gaya ng mga may sakit na celiac.

    Para sa mga indibidwal na ito, ang gluten-free diet ay mahalaga upang maiwasan ang pamamaga, pati na rin ang iba pang mga sintomas. Mas madali na ngayon ang sumunod sa gluten-free diet. Ito ay dahil marami na ngayong tinda sa mga supermarket at restaurant 

    na gluten-free selections na nakikipagkumpitensya sa mga conventional na pagkain sa lasa at kalidad.

    Masama ba ang gluten sa kalusugan ng iyong bituka?

    Ang mga taong may celiac disease at non-celiac gluten sensitivity ay dapat umiwas sa gluten. Gayunpaman, maliban kung dumaranas ka ng ganitong mga kondisyon, napakaliit ng ng ebidensya na sumusuporta sa mga claim na ang gluten ay may masamang o negatibong epekto sa iyong kalusugan.

    Kaya ang gluten ay mabuti o masama para sa iyo? Wala alin man sa dalawa. Ang gluten ay karaniwang isang protina na nasa maraming pagkain ngunit sa napakaliit na sukat. Dahil dito, hindi ito makapagbibigay ng protina na katulad ng itlog o karne. Sa kabilang banda, ang gluten ay mababa sa taba at asukal. Dahil ito ay kinakain sa napakaliit na sukat, wala itong gaanong epekto sa iyong pang-araw-araw na diyeta.  

    Dapat bang alisin ang gluten sa diyeta mo?

    Ang gluten-free diet ay maaaring mainam sa mga taong may celiac disease at iba pang mga kondisyon na nagiging sensitibo sa gluten. Natuklasan din sa mga pag-aaral na ang gluten-free diet ay may benepisyo sa mga taong may autoimmune diseases. Gayunpaman, walang sapat na katibayan upang patunayan na ang mga walang celiac disease o gluten sensitivity ay dapat umiwas sa gluten. 

    Mahalaga rin na tandaan na hindi ibig sabihin na kapag gluten-free ang pagkain ay healthy ito. Totoo na ang mga pagkain na walang gluten ay kapaki-pakinabang sa mga nangangailangan nito, ngunit hindi ito mas malusog kaysa sa mga pagkain na may gluten. Upang mapanatili ang malusog na diyeta, pinakamahusay na kumain ng mas maraming gulay at prutas, at iwasan ang matamis, mataba at naprosesong pagkain.

    Key Takeaway

    Masama ba ang gluten sa kalusugan? Ang gluten-free diet ay kailangan ng mga may celiac disease at gluten sensitivity. Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay hindi makakaranas ng masamang epekto sa kalusugan dahil sa pagkain ng gluten. Ang pinakamahusay na paraan upang mapanatili ang healthy diet ay ang pagkain ng maraming prutas at gulay. Kasama rin ang pag-iwas sa mga pagkaing mataas sa asukal at taba.

    Alamin ang tungkol sa Iba Pang Mga Isyu sa Digestive Health dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyu ng Eksperto

    Chris Icamen

    Dietetics and Nutrition


    Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement