Ano ang gamot sa sipon?
Ano ang gamot sa sipon?

Hindi pa rin nakakakita ng sagot ang mga eksperto kahit pa may mga pagbabago na sa larangan ng medisina.
Tinuturing ang sipon bilang isang maliit na impeksyon sa ilong at lalamunan – sa upper respiratory tract – na sanhi ng higit sa 200 na iba’t ibang mga virus. Ang rhinovirus ang pinakakaraniwang sanhi nito, na umaabot sa 10 hanggang 40 porsyento ng sipon. Kasama sa iba pang mga karaniwang sipon na virus ang coronavirus at respiratory syncytial virus.
Maaaring kumalat ang virus sa pamamagitan ng tao sa tao, o mga gamit papunta sa tao. Maaari kang magkaroon ng sipon mula sa mga droplet kapag umuubo o bumabahing ang taong may impeksyon. Maaari ding mabuhay ang virus sa kagamitan nang ilang araw.
Kung hinawakan ng taong may virus ang door knob, tasa, kutsara o tinidor, o laruan, at nagkataon na hinawakan mo rin ang parehong bagay, maaari mong makuha ang virus kapag humawak ka sa iyong ilong, bibig, o mata.
Karamihan sa matatanda ang magkakaroon ng sipon 2 hanggang 4 na beses sa isang taon. Habang magkakaroon naman ng humigit-kumulang anim hanggang 10 na beses ang mga bata, at posibleng mas marami pa kung wala pa sila sa anim na taon at nasa mga day care o child care.
Karaniwang tumatagal ng ilang araw ang mga sintomas ng sipon para lumabas pagtapos ng impeksyon. Narito ang mga senyales at sintomas ng sipon:
Mga sintomas sa ilong:
Mga sintomas sa ulo:
Mga sintomas sa buong katawan:
Sa karaniwan, tumatagal ng pito hanggang 10 araw ang sipon, ngunit maaaring mas maikli o mas matagal din ito depende sa kabuuang kalusugan ng isang tao. Kung tumagal o lumala ang mga sintomas, ito na ang oras para magpatingin sa doktor.
Lubhang nakahahawa ang sipon, at isa rin ito sa pinakakaraniwang nakahahawang sakit sa mga tao. Maraming virus ang nagdudulot ng sipon, kabilang na ang mga coronavirus, at hindi nakagagawa ng panlaban ang katawan laban sa lahat ng ito. Ito ang dahilan kung bakit karaniwan ang sipon, at madalas na bumabalik.
Ngunit patuloy pa rin ang mga scientist sa paghahanap ng kung ano ang gamot sa sipon.
Sa kabila ng malalaking nadidiskubre para sa ikauunlad ng medisina, nananatili pa ring mailap ang gamot para sa sipon. May dalawang pangunahing rason dito:
Para sa maraming tao, isang maliit na abala lamang ang pagkakaroon ng sipon. Ngunit may mabubuting dahilan para magpatuloy sa paghahanap ng pangkalahatang lunas sa sipon.
Kahit pa karamihan sa mga taong may sipon ang kinakaya ito, ang iba naman, gaya ng mga may asthma at chronic obstructive pulmonary disease, maaari silang makaranas ng mga seryosong problema sa kalusugan dahil sa mga komplikasyon mula sa sipon.

Isang potensyal na gamot ang nagmula sa proyekto nina Roberto Solari at Edward Tate sa Imperial College London, UK, at ng kanilang mga kasamahan. Noong umpisa, naghahanap ng compound ang grupo ng mga mananaliksik na lalaban sa protein na nakikita sa mga malaria parasite.
Nakatuklas sila ng dalawang molecule, at nadiskubre na ang dalawang ito ang pinakamabisa kapag magkasama. Pinagsama nila ang mga molecule gamit ang mga makabagong siyentipikong pamamaraan, at gumawa ng isang bagong compound na humaharap sa mga enzyme na nakikita sa mga cell ng tao, na tinatawag na N-myristoyltransferase (NMT).
Kinukuha ng mga virus ang NMT mula sa mga cell ng tao, at ginagamit ito upang gumawa ng shell na magiging proteksyon sa kanilang genetic information, na kilala bilang capsid.
Nabubuhay ang mga virus ng sipon dahil sa NMT. Kapag wala ito, hindi sila maaaring dumami at kumalat. Dahil gumagamit ng ganitong pamamaraan ang lahat ng mga uri ng sipon, ang pagpigil sa NMT ang hahadlang sa mga virus ng lahat ng uri ng sipon. Sinabi rin ng mga scientist na maaari itong gumana laban sa mga kaparehong virus, tulad ng mga nagdudulot ng sakit sa paa at bibig, at polio.
Bukod pa dito, hindi magiging isyu ang panlalaban ng virus dahil ang mga cell ng tao ang nilalabanan ng molecule imbis na ang virus.
May potensyal para sa gamot na pinangalanang IMP-1088. Determinado ang mga scientist na makatutulong ang gamot na ito kung ibibigay nang maaga sa impeksyon. Kasalukuyan silang gumagawa ng bersyon nito na maaaring langhapin para mabilis itong makarating sa baga.
Nasubukan na rin dati ang iba pang mga gamot ngunit nakita na 100 beses na mas mabisa ang IMP-1088 kaysa sa mga nauna dito. Nakita rin na masyadong nakalalason ang mga naunang gamot. Habang hindi naman nakapipinsala ang IMP-1088 sa mga cell ng tao. Ganoon pa man, kinakailangan pa rin ng higit pang pag-aaral para masiguro ang kaligtasan ng gamot.
Habang ginagawa ang isang gamot, wala tayong ibang magagawa kundi gamutin ang mga sintomas ng sipon. Nahahati sa dalawang pangunahing kategorya ang mga gamot sa sipon:
Kahit pa mukha itong mahirap, mayroon din namang mga paraan para maiwasan ang impeksyon. Maaaring makatulong ang mga rekomendasyon na ito:
Hanggang kamakailan, pinaniniwalaan na hindi makagagawa ng isang bakuna para makapagbigay ng proteksyon mula sa iba’t ibang virus na nagdudulot ng sipon.
Ngunit isang bagong pananaliksik ang dumating, maaari itong makatulong sa pagkakaroon ng isang bakuna para sa karamihan ng uri ng mga sipon. Abot-tanaw na ang gamot sa sipon sa hinaharap, ngunit mahaba-haba pa rin ang kailangan pagdaanan.
Matuto pa tungkol sa sipon dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
American Lung Association. 2020. Facts About the Common Cold. https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/influenza/facts-about-the-common-cold Accessed December 15, 2020
Centers for Disease Control and Prevention. 2019. Common Cold. https://www.cdc.gov/dotw/common-cold/index.html
Accessed December 15, 2020
Bupa. 2019. The common cold: sorting fact from fiction. https://www.bupa.com/newsroom/news/common-cold-facts
Accessed December 15, 2020
National Center for Biotechnology Information. 2020. Common colds; Overview. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279543/
Accessed December 15, 2020
Mayo Clinic. 2020. Common Cold. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/symptoms-causes/syc-20351605
Accessed December 15, 2020
Mayo Clinic. 2020. Symptom check: Is it a cold or allergy? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/expert-answers/common-cold/faq-20057857
Accessed December 15, 2020
Mousnier, A., Bell, A.S., Swieboda, D.P. et al. Fragment-derived inhibitors of human N-myristoyltransferase block capsid assembly and replication of the common cold virus. Nature Chem 10, 599–606 (2018). https://doi.org/10.1038/s41557-018-0039-2
Accessed December 15, 2020
Kasalukuyang Version
08/19/2026
Isinulat ni Daniel de Guzman
Narebyung medikal ni January Velasco, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara