brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Sintomas ng Hyperventilation: Ano-ano ang mga Sintomas Nito?

Hindi maiiwasang bahagi ng buhay ang stress. At sa mga panahon na stressful, ang ilan ay makararanas ng sintomas ng hyperventilation. Mahalaga na malaman ang mga sintomas na ito upang makapagbigay agad na tulong sa kahit na sinong naghy-hyperventilate. Ang hyperventilation o labis na paghinga, ay maaaring humantong sa mababang lebel ng carbon dioxide sa dugo at maaaring makaramdam ng panghihina at kawalan ng malay.

Sintomas ng Hyperventilation: Ano-ano ang mga Sintomas Nito?

Ano ang Hyperventilation?

Ang hyperventilation ay isang uri ng kondisyon sa paghinga, kung saan mas nagtutulak ng hangin sa iyong dibdib nang mas malalim at mas higit sa kayang i-handle ng katawan.

Ang paghinga sa ganitong paraan ay nakababawas ng dami ng carbon dioxide (CO2) sa daluyan ng dugo. Maaari mong maramdaman ang sintomas ng hyperventilation tulad ng pagkahilo na may mabilis na tibok ng puso o maging ang kakapusan ng hininga bilang resulta ng pagbaba nito. Kabilang sa side effects ang pamamanhid sa mga kamay at paa, pagkabalisa, pagkahilo, at paninikip ng dibdib.

Karamihan sa mga tao ay maaaring makaranas ng “labis na paghinga” dahil sa stress o labis na kasabikan, na karaniwang reaksyon sa mga ganitong sitwasyon.

Maaaring ma-diagnose ng doktor na ang tao ay nakararanas ng hyperventilation sa pamamagitan ng kumpletong medical history. Ang ibang sakit ay maaaring tanggalin mula sa sanhi ng iyong sintomas.

Kailangan na magsagawa ng agarang lunas sa pamamagitan ng agarang aksyon upang ma-normalize ang rate ng paghinga at maibalik ang lebel ng oxygen at carbon dioxide sa katawan. Maaari itong gawin nang kusa sa pamamagitan ng paghinga sa pamamagitan ng tikom na mga labi, o paghinga ng mabagal sa paper bag.

Sanhi ng Hyperventilation

Ang hyperventilation ay paraan ng katawan upang tukuyin na mayroong kakaiba. Pisikal, emosyonal at mga environmental variables ay potensyal na triggers. Maaari itong maging sanhi ng katawan na magkaroon ng iba’t ibang pakiramdam ng pagbabago sa pisikal na sensasyon.

Isa sa pinaka sanhi ng hyperventilation ang stress. Ito ay nagreresulta sa pagkabalisa at panic attacks.

Ang ibang kilalang sanhi ay:

  • Maalikabok o maingay na lugar
  • Anemia (dahil sa kakapusan ng red blood cells na nagdadala ng oxygen sa dugo)
  • Sakit o matagal na pisikal na stress matapos ang surgery
  • Asthma (chronic mouth-breathers)
  • Hormonal triggers tulad ng CO2 na bumababa ng 25% tuwing post-ovulation, pagbubuntis, at menopausal stages.

sintomas ng hyperventilation

Sintomas ng Hyperventilation

Ang sintomas ng hyperventilation ay maaaring iba para sa kada tao ngunit hindi karaniwan sa mga kategorya na nasa ibaba:

Respiratory na sintomas ng hyperventilation

  • Kakapusan sa paghinga
  • Paninikip ng dibdib
  • Madalas na paghinga
  • Mabilis na paghinga

Tetanic na sintomas ng hyperventilation

  • Tingling sensation sa mga daliri, braso, at bahagi ng bibig
  • Paninigas ng muscles
  • Panginginig ng kamay

Cerebral na sintomas ng hyperventilation

  • Sakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Paglabo ng paningin
  • panghihina

Cardiac na sintomas ng hyperventilation

Temperature na sintomas ng hyperventilation

  • Malamig na mga kamay o paa
  • Panginginig
  • Mainit na pakiramdam ng ulo

Gastrointestinal na sintomas ng hyperventilation

  • Sakit sa tiyan
  • sickness

Kabuuang sintomas ng hyperventilation

  • Tension
  • Pagkabalisa
  • Fatigue
  • insomnia

Ang hypocapnia ay isang kondisyon kung saan ang dami ng carbon dioxide sa katawan ay mapanganib na mababa. Mayroon itong potensyal na makasira ng acid-base na balanse sa dugo na maaaring humantong sa issue kabilang ang panghihina at panginginig. Bukod pa rito, ang parehong hyperventilation at hypocapnia ay maaaring magdala ng ibang posibleng komplikasyon.

Pag-iwas

Maraming paraan kung paano makaiiwas sa hyperventilation. May ilang madadali at praktikal na paraan na maaaring magawa sa bahay, tulad ng ehersisyo sa paghinga. Maaari ding makatulong kung susubukan na isama ang malusog na lifestyle sa pamamagitan ng pag-ehersisyo nang regular upang harapin ang stress.

Maaaring kabilang ang miyembro ng iyong pamilya upang maiwasan ang hyperventilation sa pamamagitan ng pagbibigay ng reassurance. Ang mga simpleng salita ng panghihikayat ay maaaring magpa-relax ng paghinga.

Maaaring magreseta rin ang iyong medikal na doktor ng mga gamot at lunas na maaaring makatulong upang i-manage ang kondisyon. Siguraduhin na laging i-update ang iyong doktor sa iyong status.

Mahalagang Tandaan

Ang katawan ay mayroong sariling paraan ng pag-react sa iba’t ibang stressors sa paligid natin. Maaaring iba-iba sa kada tao. Ang pag-alam sa mga sintomas ng hyperventilation ay kailangan para sa agarang lunas maging ang pagpa-plano sa pag-manage nito sa hinaharap. Ang pagsasagawa ng ehersisyo sa paghinga at sa kabuuang kalusugan ay makatutulong upang labanan ang stress sa iyong katawan at isip.

Matuto pa tungkol sa Ibang Respiratory na Isyu rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

medical
Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Jerra Mae Dacara · Na-update noong 07/08/2027