Maraming benepisyo ng collagen na bumubuo ng 30 porsyento ng protina sa iyong katawan. Ito ang pangunahing bloke ng pagbuo ng balat, kalamnan, buto, tendon, ligament at iba pang connective tissues ng iyong katawan. Matatagpuan din ito sa iyong mga organs, daluyan ng dugo at lining ng bituka. Bagama’t ito ang pinakamaraming protina na matatagpuan sa katawan ng tao, marami ang hindi nakakaalam ng mga benepisyo ng collagen. Nagbibigay ito ng pagka-elastiko sa balat at pinagsasama ang mga kasukasuan.
Ang collagen mula sa mga tao, baka, baboy o tupa ay may malawak na hanay ng mga gamit sa medikal na layunin tulad ng:
- Dermal filler para kulubot na balat
- Pagpapahid ng sugat para sa mabilis na gumaling
- Periodontics para sa gums ang ngipin
- Vascular prosthetics para sa mga arteries
Alamin ang mga benepisyo ng collagen
Proteksyon sa puso at cardiovascular health
Pinoprotektahan ng Type III collagen ang iyong puso at tumutulong sa pagbuo ng mga arterial wall na siyang susi para sa cardiovascular health. Ang proline sa collagen ay maaaring makatulong sa pag-aayos ng mga arteries at pag-alis ng mga deposito ng taba mula sa mga ito. May mahalagang papel ang proline sa synthesis at istraktura ng protina at metabolismo lalo na sa synthesis ng arginine, polyamines, at glutamate. Mabisa ito sa pagpapagaling ng sugat, mga antioxidative reactions, at immune responses. Maaari din nitong bawasan ang presyon ng dugo. Ang proline ay matatagpuan sa mga pagkaing mayaman sa collagen tulad ng:
- Sabaw ng buto at gelatin
- Isda
- Karne
- Dairy foods
Benepisyo ng collagen sa gastrointestinal system
Tumutulong sa pag-aayos ng gastrointestinal system o yung tinatawag na gut ang collagen. Kapag may depekto o butas ang iyong bituka ay maaaring dumaan dito ang toxins papunta sa ibang bahagi ng iyong katawan. Makakatulong ang collagen na isara ang iyong bituka at pagalingin ito. Kung nakakaranas ka ng inflammatory bowel disease ay maaaring makatulong ang collagen sa iyong panunaw.
Naglalaman ang collagen ng mga amino acids na glycine at glutamine na mahalaga para sa pagkukumpuni ng digestive tract. Ang Type II collagen ay tumutulong sa pagbuo ng cartilage, malusog na kasukasuan at pagpapanatili ng gut lining. Ito ay matatagpuan sa collagen ng manok lalo na sa sinabawang buto ng manok. Naglalaman din ang collagen ng manok ng dalawang sikat na remedyo para sa mga kasukasuan at arthritis:
- Chondroitin sulfate
- Glucosamine sulfate
Pananakit ng kasukasuan
Isa sa benepisyo ng collagen ang pagiging anti-inflammatory nito kaya nababawasan ang pananakit ng kasukasuan. Gumagana ang collagen na katulad ng langis sa makina ng kotse. Tinutulungan nito ang mga ligament, tendons, at mga kasukasuan upang dumausdos nang maayos. Kapag kaunti collagen ay maaaring mangahulugan ng pamamaga, paninigas at pananakit ng mga kasukasuan. Nakakatulong itong mapawi ang sakit na dulot ng osteoarthritis.
Kapag dinagdagan mo ang iyong collagen intake, ang sobrang protina ay naiipon sa cartilage sa pagitan ng iyong mga kasukasuan. Maaari rin nitong pasiglahin ang iyong katawan upang natural na lumikha ng mas maraming collagen. Pangunahing binubuo ang cartilage ng Type II collagen, isang matigas na uri na nagbibigay sa cartilage ng lakas upang suportahan ang mga kasukasuan. Ito ay makukuha sa mga karne at buto ng:
- Manok
- Baboy
- Baka
- Isda
Benepisyo ng collagen sa buhok at ngipin
Nagpapalakas ng iyong buhok, balat ngipin at mga kuko ang collagen. Maaaring resulta ng mababang antas ng collagen ang pangungulubot, maluwag balat, stretch marks at cellulite. Ang mga collagen supplements ay maaaring mapataas ng mga protina na kailangan sa pagtubo ng mas makapal at magandang buhok. Maaari itong makatulong na mabawasan ang mga puting buhok sa pamamagitan ng pagsuporta sa malusog na istraktura ng follicle ng buhok. Nagpapalakas din ng ngipin at gilagid ang collagen. Nakakatulong ito sa pagbigkis o pagsasama-sama ng mga ngipin at panatilihin itong matatag na nakalagay sa gilagid.
Pampaganda ng balat
Isa sa benepisyo ng collagen ang pagpapalakas ng balat, pati na rin sa pagpapanatili ng pagka-elastiko nito at hydration. Habang ikaw ay tumatanda ay mas kumokonti ang collagen na ginagawa ng iyong katawan. Resulta nito ay tuyong balat at mga wrinkles. Ang mga collagen supplements at nakakadagdag sa hydration ng balat lalo na sa mga matatanda. Dahil sa mga amino acids na matatagpuan sa collagen ay napapanatiling makinis, pantay, at malusog ang iyong balat. Nakakatulong din ito na mabawasan ang paglitaw ng mga dark spots at peklat mula sa acne o iba pang mga isyu sa balat. Para gumanda ang hindi pantay na kutis, collagen ang sagot.