backup og meta

Paano Makakaiwas sa Hypertension

Gaya ng kasabihan, “Ang pag-iwas ay higit pa sa paglunas”. Ito ay totoo para sa mga lifestyle disease tulad ng hypertension. Ang hypertension ay hindi sanhi ng tiyak na salik ngunit maraming salik. Bagaman tipikal na nakukuha ang hypertension sa lifestyle ng isang tao, mayroong genetic at environmental na salik na kaakibat nito. Dahil walang “lunas” para sa hypertension, ang pinakamainam na gawin ay iwasan ito. Karagdagan, ang pagsunod sa mga sumusunod na tips ay nakatutulong din na bumaba ang banta ng pagkakaroon ng ibang mga sakit. Alamin sa artikulo paano maiwasan ang hypertension.

Paano Makakaiwas sa Hypertension

Posible ba ang pag-iwas sa hypertension?

Oo, maaari mong maiwasan ang hypertension mula sa pagkakaroon nito. Taliwas sa kilalang paniniwala, dahil ang iyong mga magulang o kamag-anak ay may hypertension ay hindi nangangahulugan na magkakaroon ka na rin nito.

Gayunpaman, nagpapataas ng banta ng hypertension ang pagkakaroon ng family history nito. Paano maiwasan ang hypertension? Ang pinaka simple at pinaka epektibong paraan ay ang pagiging mapilli sa iyong diet at pagkakaroon ng regular na ehersisyo.

Bihira na magkaroon ang mga tao ng tiyak na uri ng hypertension sa pagsasagawa ng mga kinakailangang pag-iwas. Kadalasan, ito ay dahil sa iba pang mga sakit tulad ng sakit sa bato, problema sa hormones, o lupus. Sa mga kaso na ito, maaaring maresolba ang hypertension kung natugunan na ang kasalukuyang sanhi nito.

Tips at payo

Heart-smart diet

paano maiwasan ang hypertension

Bago magkaroon ng hypertension, hindi mo kailangang sundin ang tiyak na diet. Sa pangkalahatan, mainam na isama ang lahat ng major food groups sa pagkain. Uminom ng maraming tubig, at ilimita ang pagkonsumo ng processed at maalat na pagkain. Ang pinaka pinagmumulan ng asin sa diet ay ang asin na nagmumula sa packaged at processed na pagkain at mga pagkain na mula sa restaurant.

Ang mga prito at fatty na pagkain tulad ng burgers, fries, at lechon ay ayos lamang kainin paminsan-minsan ngunit ang sobra at labis ay maaaring magpataas ng banta ng pagkakaroon ng sakit sa puso, kabilang na ang hypertension.

Sa halip, kumain ng maraming whole grains, mayaman sa fiber na gulay, at lean meat at isda. Para sa vegetarians at meat-eaters, ang mga plant-based na protina ay mainam na kapalit na may kaunti o walang fat at cholesterol.

Magsagawa ng cardio kada linggo

paano maiwasan ang hypertension

Sa usapan ng ehersisyo, piliin ang cardio at aerobic na workouts. Bagaman nakabubuti ang weight training sa muscle tone at lakas, lalo na kung nais mo ng malalakas na mga braso o six-pack na abs, ang cardio ay mas maraming benepisyo para sa puso at katawan. Karagdagan, angcardio at aerobic na ehersisyo ay nakapagsusunog ng mas maraming calorie kada minuto. Ito ay mainam kung ang hinahanap mo ay makabawas ng timbang at body fat.

Ang pagtakbo, pagtalon sa rope, paglangoy, at pagsasayaw ay ilan lamang na halimbawa para sa cardio na ehersisyo. Bukod pa rito, maraming mga uri ng cardio at aerobic na ehersisyo ay maaaring isagawa nang walang magagandang kagamitan o gym membership. Sa katunayan, maraming mga establisyemento at lokal na pamahalaan ang nagsagawa ng mga gawain sa komunidad na nagsusulong sa pamayanan na maging aktibo, tulad ng fun runs, group Zumba classes, at youth sports workshops at clinics.

Ang layunin ay patibukin ang iyong puso sa mas mataas na rate at mapanatili ang workout para sa tiyak na dami ng oras. Inirerekomenda ng CDC na ang mga matanda ay magsagawa ng moderate na lebel ng pisikal na gawain para sa 150 na minuto kada linggo.

Bilang alternatibo, maaari mong subukan ang pagsasagawa ng intense na lebel ng ehersisyo para sa 75 na minuto kada linggo. Karagdagan, dagdagan ng ilang full-body strength training na ehersisyo ng kahit 2 araw kada linggo. Kung ikaw ay kasalukuyang overweight, ang pagkakaroon ng BMI sa pagitan ng 18.5 hanggang 22.9 ay ideal.

Benepisyo ng pag-iwas sa hypertension

Bagaman nabubuhay na walang mga gamot at hindi tinitignan ang blood pressure kada oras ay isang tagumpay na sa sarili, mas maraming benepisyo sa kalusugan ang pag-iwas sa hypertension.

Una, ang pananatiling nasa normal range ang iyong blood pressure ay nakababawas ng banta ng pagkakaroon ng sakit sa puso at stroke. Sunod, ang mga gamot at madalas na check ups ay magastos. Lalo na kung ang hypertension ay nangangailangan ng pang habang buhay na management.

Ang pag-iwas sa hypertension ay tiyak na nakatitipid sa pera at maaaring magkaroon ng epekto sa iyong health insurance policy. Sa huli, ang pagkain nang akma at pananatiling aktibo ay hindi lamang nakababawas ng banta ng hypertension ngunit nakababawas din ng banta ng diabetes at obesity. Karagdagan, nakabubuti ang ehersisyo sa iyong mental na kalusugan at acuity, kaya’t ito ay holistikong pamamaraan sa mga sakit.

Mahalagang Tandaan

Paano maiwasan ang hypertension? Sa kabuuan, mahalaga na ikonsidera ang pag-iwas sa hypertension kahit na ikaw ay bata pa lamang. Huwag maghintay hanggang sa makaramdam ng mga senyales at sintomas nito, dahil hindi nawawala nang kusa ang hypertension.

Ang pag-iwas sa hypertension ay mainam na paraan din upang mapabuti ang pangkalahatang kalusugan at kalidad ng buhay. Kausapin ang iyong doktor kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa iyong blood pressure o kalusugan ng puso.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

BMI Calculator

health-tool-icon

taóng g

Interesado ka ba sa weight loss treatment/support?

Narinig mo na ba ang tungkol sa GIP at GLP-1 therapies?

*Ito ay mga uri ng gamot na makabagong pantulong sa weight loss at panggamot sa type 2 diabetes.

Ituloy-tuloy lang ang pagbawas ng timbang: Tumanggap ng expert update tungkol sa weight loss treatment at support direkta sa iyong inbox.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How much physical activity do adults need? https://www.cdc.gov/physicalactivity/basics/adults/index.htm Accessed March 29, 2021

Prevent High Blood Pressure https://www.cdc.gov/bloodpressure/prevent.htm Accessed March 29, 2021

Exercise https://www.nhs.uk/live-well/exercise/ Accessed March 29, 2021

Prevention and Control of Hypertension: JACC Health Promotion Series https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6481176/ Accessed March 29, 2021

Dietary Approaches to Prevent Hypertension https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4366416/ Accessed March 29, 2021

Comparison of World Health Organization and Asia-Pacific body mass index classifications in COPD patients https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5571887/ Accessed March 29, 2021

Kasalukuyang Version

05/26/2026

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Malignant Hypertension? Gaano Ito Kadelikado?

Kaalaman sa Calcium Supplements para sa May Hypertension - Ligtas o Hindi?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas