backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano Ang Sanhi ng Hadhad at Paano Ito Ginagamot?

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD · Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    Ano Ang Sanhi ng Hadhad at Paano Ito Ginagamot?

    Ang Tinea Cruris, o hadhad (“jock itch), ay isang karaniwang impeksiyon sa mga lalaki, partikular sa mga atleta. Ngunit ano nga ba ito? Ito ay isang uri ng fungal infection na nadedebelop sa pinakamataas na layer or bahagi ng balat at nagiging sanhi ng makating pantal.

    Matuto nang higit pa tungkol sa mga sanhi ng hadhad dito.

    Ano ang Sanhi ng Hadhad?

    Ang Hadhad, tulad ng ibang fungus, ay mahilig sa mainit at mamasa-masang lugar, kaya naman ito ay tumutubo na malapit sa singit. Ang mga nagkakaroon nito ay kadalasang mga aktibong tao tulad ng mga atleta, at mas karaniwan sa mga lalaki. Gayunpaman, maaaring magkaroon ang sinuman ng impeksyong ito.

    At dahil ito ay fungul infection, ito ay nakahahawa at madaling maipasa sa pamamagitan ng direktang kontak o hindi direktang kontak, sa paghihiraman ng mga kasuotan tulad ng mga damit, tuwalya at damit na panloob.

    Bilang karagdagan, kung nasa mainit, mamasa-masang lugar tulad ng gym, isa pang karaniwang fungal infection at sintomas ng hadhad ay ang alipunga. Sa katunayan, ang alipunga ay maaaring kumalat sa lugar ng singit, na nagiging sanhi ng hadhad kung hindi ginagamot.

    Ang mga sintomas na sanhi ng hadhad ay:

    • mapula-pula, parang hugis na singsing na pantal (ring-like rashes)
    • Mga flaky patch ng balat
    • pagbabalat ng balat
    • cracks, at hindi gaanong (moderately) pangangati ng balat
    • Parang paltos na maliliit na pag-umbok (Blister-like bumps)

    Kahit na ito ay hindi mapanganib, ito ay nakahahawa at maaaring makabahala kung hindi ginagamot. Sa kabutihang palad, napakadali nitong makita, medyo madali ring gamutin, at kayang maiwasan ito.

    Paano Maiiwasan ang Hadhad?

    Ang ilang paraan para gamutin o maiwasan ang pangangati ng hadhad ay ang sumusunod:

    Panatilihin ang kalinisan

    Dahil ang hadhad ay isang fungal infection na tumutubo sa balat, ang regular na pagligo ay makatutulong upang makaiwas sa pagkuha ng impeksyong ito. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng iyong mga damit tulad ng iyong damit na panloob at regular na pagpapalit ng mga ito ay makatutulong din na maiwasan ang pagkahawa sa impeksyon.

    Manatiling tuyo

    Dahil ang hadhad ay fungal, panatilihin ang iyong sarili na tuyo hangga’t maaari, lalo na sa paligid ng groin area.

    Magsuot ng maluwag na damit

    Ang isa pang dahilan kung bakit karaniwang dinadapuan ang mga lalaking atleta ng hadhad ay dahil sa masikip,non-breathable fabrics na maaaring magdulot ng sugat at gasgas sa iyong balat, magdudulot rin ng mataas na panganib ng pagkakaroon ng hadhad. Inirerekomenda na magsuot ang mga atleta ng mga damit na cotton o sweat-wicking apparel.

    Iwasan ang hiraman ng damit

    Huwag manghiram o humiram ng mga personal na gamit gaya ng damit na panloob at tuwalya dahil ang fungal infection ay maaaring direktang kumalat. Bilang karagdagan, regular na palitan at linisin ang iyong mga punda at bedsheet.

    Ano ang Dapat Gawin Kung Mapapansin Mo na Mayroon Kang Hadhad?

    Kumonsulta sa iyong doktor

    Ang unang bagay na gagawin kapag nagsimula kang makakita ng mga palatandaan ay pumunta sa doktor upang matiyak na ito ay hadhad. Maaari silang magreseta ng pinakamahusay na gamot para sa iyong kaso.

    Gamitin ang gamot na nireseta

    Ang doktor ay magreseta ng isang pamahid at o pulbos na maaari mong ilagay sa pantal upang kontrolin ang pangangati. Ito ay karaniwang ipinapahid upang panatilihin ang apektadong lugar na tuyo at maiwasan ang karagdagang pagkalat ng impeksiyon. Huwag masyadong mag-alala dahil ito ay gagaling sa loob ng 2-4 na linggo.

    Gamutin ang iba pang mga impeksyon

    Dahil ang alipunga ay maaaring magdulot ng hadhad kapag hindi ginagamot, maaari ring magreseta ang iyong doktor ng gamot upang maiwasan ang pagbabalik ng hadhad.

    Pangunahing Konklusyon

    Kahit na ang hadhad ay nakahahawa, hindi ito dapat magdulot ng pagkabahala kahit hindi gamutin. Kaya’t huwag mag-alala nang labis. Maaari itong maiiwasan sa pamamagitan sa pag-iwas sa mga posibleng sanhi ng hadhad.

    At sa tamang kalinisan at sa pamamagitan ng paggamit ng mga iniresetang gamot ng iyong doktor, maaari mong pagalingin at pigilan ang kalagayan mula sa paulit-ulit na pagbabalik nito.

    Matuto nang higit pa tungkol sa mga impeksyon sa balat dito.

    Isinalin mula sa orihinal na Ingles na akda ni Kip Soliva.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mia Dacumos, MD

    Nephrology · Makati Medical Center


    Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement