backup og meta

Ano-ano ang mga Gamot Para sa Allergy sa Balat? Alamin Dito!

Ano-ano ang mga Gamot Para sa Allergy sa Balat? Alamin Dito!

Hindi basta-bastang maisasantabi ang mga sandali kung kailan ang isang tao ay inaatake na ng kanyang mga allergies, lalo pa kung ito ay makati at nakakagambala sa mga pangaraw-araw na aktibidad. Kung kaya, ang tanong natin ay, ano-ano ang mga gamot para sa allergy sa balat? Halina’t alamin natin ano ang mga mabisang produkto upang maibsan ang allergy sa balat. 

Pag-unawa Kung Ano ang Allergy sa Balat

Ang isang allergic reaction ay nangyayari kapag ang immune system ay nakararanas ng hindi pangkaraniwang reaksyon sa isang hindi nakakapinsalang sangkap. Trabaho ng mga cells ng immune system ang mahanap ng mga dayuhang sangkap, tulad ng mga virus at bakterya, at alisin ang mga ito. Karaniwan, ang tugon na ito ang nagsisilbing proteksyon natin mula sa mga mapanganib na sakit. 

Samakatuwid, ang mga taong may allergy sa balat ay mayroong labis na sensitibong immune system.  Ito ay maaaring magdulot ng pangangati, pagkasunog, pamumula, bukol, pantal, at pamamaga.

Ikaw ay maaaring magkaroon ng mga allergic skin rashes at iba pang mga kondisyon buhat ng mga sumusunod na allergens:

  • Mga protina na matatagpuan sa pagkain
  • Mga insekto
  • Pollen
  • Latex
  • Mga gamot
  • Iba pang mga bagay na maaaring makairita ng balat

Mayroon ding iba’t ibang angkop na gamot para sa allergy sa balat depende kung anong partikular na allergen at kondisyon ang nararanasan.

Mga Karaniwang Allergic Skin Conditions

Ang iritadong balat ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan. Kabilang dito ang mga sakit sa immune system, mga gamot, at mga impeksiyon. Kapag ang isang allergen ay nakakatrigger ng immune system response, ito ay isang allergic na kondisyon ng balat.

Narito ang ilan sa mga karaniwang kondisyon patungkol sa allergy sa balat.

  • Atopic dermatitis (Eczema): Ito ang kondisyon kung saan ang balat ay nagiging iritado, makati, at tuyo. Ang pinakakaraniwang allergic na kondisyon na ito ay mas talamak sa mga bata kaysa sa mga matatanda. Ang eczema ay maaaring dulot ng genetics o bagay sa kapaligiran. Ito rin ay konektado sa hika, allergy sa pagkain, at pana-panahong allergy. 
  • Contact dermatitis: Ang contact dermatitis ay isang reaksyon na lumilitaw kapag ang balat ay nadikit sa isang irritant o isang allergen. Kabilang sa mga maaaring sintomas ang pantal, paltos, pangangati at pagkasunog. Mayroon ding dalawang uri ang kondisyon na ito, ang allergic contact dermatitis at irritant contact dermatitis.
  • Hives (Urticaria): Ito naman ay tumutukoy sa nakataas na mga bukol sa balat na nabubuo buhat ng isang allergic reaction. Ang mga bukol na ito ay tinatawag ding welts o wheals. Maaari kang magkaroon ng mga pantal pagkatapos kumain ng pagkain na ikaw ay allergic. Ang mga bukol ay resulta ng histamine na inilalabas ng katawan bilang tugon sa allergen. Kung kaya, ang maaaring gamot para sa allergy sa balat ay antihistamine. 
  • Angioedema: Ang angioedema ay isang uri ng pamamaga. Halimbawa, ang angioedema sa talukap ng mata ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng iyong mata. Kapag nangyari ito sa lalamunan, ito ay isang emergency dahil ito ay maaaring magpahirap sa paghinga.

Mga Gamot Para sa Allergy sa Balat

Tulad ng nabanggit kanina, nakadepende ang paggamot at mga gamot para sa allergy sa balat sa partikular na kondisyon. At mangyayari lamang ang angkop na paggamot kung masusuri ito nang maayos ng doktor. Maaring magsagawa ng ilang mga tests, tulad ng skin prick test, intradermal skin test, patch test, at blood test upang makumpirma ito. 

Ang paggamot sa iba’t ibang klase ng allergy sa balat ay madalas nakatuon sa pag-iwas sa mga allergens. Maari rin namang gumamit ng mga gamot, cream, at iba pang mga produkto upang maibsan ang pangangati, pamamaga, o pananakit 

  • Antihistamine
  • Corticosteroid cream o ointment
  • Calamine lotion
  • Mild soaps at shampoos
  • Ibang mga angkop na antibiotic

Makatutulong din kung iiwasan mo ang pagkuskos, pagkamot, o pagkayod sa balat upang hindi lalo itong mairita. 

Mahalagang Mensahe

Ang pinakamainam na gamot para sa allergy sa balat ay ang pag-alam kung ano ang sanhi ng reaksyon at pag-iwas dito. Maliban sa mga posibleng gamot para sa allergy sa balat, makatutulong din ang pagsaalang-alang ng mga potensyal na produkto, pagkain, at medisina na maaaring magdulot ng reaksyon sa balat. 

Anuman ang kondisyon ng iyong balat, ugaliing kumunsulta sa iyong dermatologist upang mabigyan ito ng karampatang aksyon at pamamahala. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Skin Allergy, https://intermountainhealthcare.org/services/dermatology/conditions/skin-allergy/#:~:text=A%20skin%20allergy%20is%20when,allergens%20can%20cause%20a%20reaction. Accessed May 26, 2022

Skin Allergy, https://www.aaaai.org/Conditions-Treatments/Allergies/Skin-Allergy Accessed May 26, 2022

Skin Allergy, https://acaai.org/allergies/allergic-conditions/skin-allergy/ Accessed May 26, 2022

Allergy Treatments, https://www.aafa.org/allergy-treatments/ Accessed May 26, 2022

Allergy and the skin – C Incorvaia, F Frati, N Verna, S D’Alò, A Motolese, and S Pucci, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2515356/  Accessed May 26, 2022

Kasalukuyang Version

08/02/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pwedeng Mapabuti Ang Kulubot Na Balat? Narito Ang Sagot Ng Expert!

Ano Ang Skin Barrier At Paano Nito Pinoprotektahan Ang Iyong Balat?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement