Alamin: Ano Ang Pinagkaiba Ng Vertigo At Motion Sickness?
Maraming tao ang patuloy na nalilito sa pagkakaiba ng vertigo at motion sickness dahil sa ilang mga sintomas nila na magkakatulad. Napakahalaga na malaman ang pagkakaiba ng dalawang ito upang mas maging maliwanag sa atin kung paano natin iiwasan ang pagkakaroon ng vertigo at motion sickness. Ang mga sakit na ito ay pwede nating maranasan sa kahit saang lugar, sitwasyon, at panahon, kaya ipinapayo sa atin na magkaroon ng kamalayan tungkol sa dalawang kondisyon na ito.

Pero bago natin alamin ang pagkakaiba ng vertigo at motion sickness, tukuyin muna natin ang mga bagay na pwedeng maranasan sa pagkakaroon ng mga kondisyong ito.
Ano Ang Vertigo?
Kapag ang isang tao ay nahihilo na tila gumagalaw o umiikot ang kanyang buong paligid, maaaring nakararanas siya ng vertigo. Sa kondisyong ito, pwede ka ring mawalan ng balanse sa’yong sarili.
Marami ang pwedeng maging sanhi ng vertigo, dahil ito ay posibleng sintomas ng iba’t ibang medikal na kondisyon. Dagdag pa rito, ang isa sa kadalasang rason kung bakit nagkaka-vertigo ang isang tao ay dahil sa pagkakaroon niya ng problema sa kanyang inner ear.
Ano Ang 2 Uri Ng Vertigo?
- Peripheral vertigo – Ito ang pagkahilo at pagkawala ng balanse dahil sa problema sa inner ear.
- Central vertigo – Nagaganap ito kapag mayroong isyu sa ating utak gaya ng impeksyon, tumor, stroke, at traumatic brain injury.
Anu-Ano Ang Mga Posibleng Dahilan Ng Vertigo?
Anu-Ano Ang Karaniwang Sintomas Ng Vertigo?
Motion Sickness
Ang pagkakaroon ng vertigo at motion sickness ay maituturing na parehong balance disorder, kung saan maaari mong maramdaman na wala ka sa iyong balanse. Dagdag pa rito, kadalasan na nararamdaman ang motion sickness sa loob ng umaandar ng mga sasakyan gaya ng bus, kotse, barko, eroplano, at iba pa.
Anu-Ano Ang Mga Posibleng Dahilan Ng Motion Sickness?
- Pagsakay sa mga nakakalulang rides gaya ng ferris wheel
- Pagsakay sa mga sasakyan
- Sobrang paglalaro ng video games
- Labis na panonood ng TV
- Pagbabasa ng libro habang gumagalaw o nasa motion
- Pagkakaroon ng family history ng motion sickness
- Paggamit ng hormonal birth control
- Pagkakaroon ng menstruation period
- Migraine
- Parkinson’s disease
- Pagbubuntis
Anu-Ano Ang Karaniwang Sintomas Ng Vertigo?
- Pagkakaroon ng malamig na pawis
- Pagkapagod
- Pagkahilo
- Pagsakit ng ulo
- Pagiging iritable
- Kawalan ng kakayahan na magpokus
- Pagtaas ng laway
- Pagsusuka
- Pagduduwal
- Maputlang mukha o balat
- Mabilis na paghinga o paglunok para sa hangin
Pagkakaiba Ng Vertigo At Motion Sickness
Bagamat parehong sangkot ang pagkahilo sa dalawang kondisyon na ito, mayroon pa rin silang pagkakaiba na dapat mong malaman.
Ang vertigo ay ang pagkahilo o pakiramdam na para bang umiikot ang iyong buong paligid na pwedeng may kasamang sobrang pagpapawis, pagsusuka, at pagkakaroon ng abnormal na paggalaw ng iyong mga mata. At ang motion sickness naman ay ang pagkahilo dulot ng pagsakay sa mga sasakyan at pagkakaroon ng pakiramdam na para bang wala ka sa iyong balanse.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Ear Conditions dito.