Para saan ang Robitussin? Robitussin ang brand name ng gamot na guaifenesin. Ang guaifenesin ay isang expectorant na tumutulong na alisin ang plema sa iyong dibdib at lalamunan.
Mga Gamit
Para saan ang Robitussin?
- Mapalambot at mabawasan ang madikit na plema
- Maalis pagbabara sa dibdib
Paano ko dapat gamitin ang Robitussin?
Basahin ang mga direksyon sa pakete para sa kompletong impormasyon. Tingnan ang label at petsa kung kailan ang expiration.
Para sa oral dosage forms, lunukin nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinutunaw sa tubig.
Sa pagsukat ng dose, gumamit ng medical-grade measuring cup at hindi ng kutsara sa bahay.
Paano ko dapat iimbak ang Robitussin?
Pinakamabuting iimbak ang gamot na ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at halumigmig. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o i-freezer.
Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.
Para Saan ang Robitussin: Mga Pag-iingat at Paalala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Robitussin?
Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay/may:
- Buntis o nagpapasuso
- Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang inireseta, OTC, at halamang gamot.
- May allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito
- May iba pang karamdaman, disorder, o medikal na kondisyon
Ligtas ba ito sa buntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, wala pang sapat na impormasyon hinggil sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito ng buntis at nagpapasuso. Gayunpaman, mukhang ligtas itong gamitin. Palaging kumonsulta sa doktor upang matimbang ang potensyal na benepisyo at panganib bago gumamit ng anumang gamot.
Para Saan ang Robitussin: Mga Side Effect
Ano ang mga side effect ng Robitussin?
Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, kadalasang mild lamang ang side effect at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Hypersensitivity
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.
Para Saan ang Robitussin: Mga Interaksyon
Anong mga gamot ang may interaksyon sa Robitussin?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Robitussin?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Makipag-usap sa iyong doktor o pharmacist tungkol sa anumang potensyal na interaksyon nito sa pagkain o alak bago gamitin.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Robitussin?
Maaaring may interaksyon ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaction na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka.
Para Saan ang Robitussin: Dosage
Hindi pamalit para sa anumang medikal na payo ang mga impormasyong ibinigay dito. Kaya naman, palaging kumonsulta sa doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?
- Gumamit ng 1 hanggang 2 capsule o 10 hanggang 20 mL sa bawat 4 na oras.
Ano ang dose para sa bata?
Batay sa edad:
- 12 taong gulang pataas: Magbigay ng 1 – 2 capsule o 10 – 20 mL sa bawat 4 na oras
- 6 – 11 taong gulang: 1 capsule o 5 – 10 mL sa bawat 4 na oras
- 2 – 5 taong gulang: 50 – 100 mg bawat dose, hanggang 600 mg kada araw.
- Mas bata pa sa 2 taong gulang: Huwag ibigay ang gamot na ito.
Sa anong dosage nakakakuha ng Robitussin?
Available ang Robitussin sa mga sumusunod na dosage from at strength:
- Oral syrup 100 mg/5 mL
- Liquigel capsule 200 mg
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?
Kung nakaligtaan mo ang isang dose, gumamit na nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang nakaligtaang dose at sundin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag magdobleng dose.