backup og meta

Minoxidil: Paano Gamitin Ang Gamot Na Ito? Alamin Dito!

Minoxidil: Paano Gamitin Ang Gamot Na Ito? Alamin Dito!

Minoxidil, paano gamitin? Masasabi na isa ito sa tanong ng mga Pilipino. Ito ay gamot na nagpapababa ng presyon ng dugo. Hindi ito isang first-line treatment para sa hypertension. Ngunit maaari itong gamitin kasama ng iba pang mga antihypertensive agent. 

Bilang karagdagan, ipinakita ng pananaliksik na maaari nito pasiglahin ang paglago ng buhok sa anit kapag iniaplay nang topically.

Ano Ang Dapat Mong Gawin?

Basahin ang mga direksyon sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng pag-expire.

Para sa mga oral dosage form, lunukin ito nang buo nang hindi nginunguya, dinudurog, o i-dissolve ito sa liquid.

Para sa topical preparations, maglapat ng manipis na layer sa mga apektadong lugar. Hugasan nang maigi ang iyong mga kamay pagkatapos hawakan ang produkto. Iwasan ang pagdikit sa iyong mga mata, butas ng ilong, at bibig. Ang pagsusuot ng latex o rubber gloves ay maaaring maiwasan ang labis na paglaki ng buhok sa mga daliri at kamay.

Paano Nakakukuha Ng Minoxidil?

Itago ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Para maiwasan ang drug damage. Hindi mo ito dapat itabi sa banyo o sa freezer.

Maaaring may iba’t ibang brad ang gamot na ito – na maaaring may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iistore. Kaya, mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa instructions sa pag-iimbak. O tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi mo dapat i-flush ang produktong ito sa banyo o ibuhos ang mga ito sa kanal. Maliban kung naka-instruct na gawin ito. Bukod pa rito, mahalagang itapon nang maayos ang produktong ito kapag nag-expire na ito o hindi na kailangan. Kumonsulta sa’yong pharmacist para sa higit pang mga detalye. Tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.

Minoxidil Paano Gamitin At Mag-Istore?

Ang Minoxidil ay pinakamahusay na iistore sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Para maiwasan ang drug damage. Hindi mo dapat iimbak ang Minoxidil sa banyo o sa freezer. Maaaring may iba’t ibang brand ng Minoxidil na maaaring may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iistore. Mahalagang palaging suriin ang pakete ng produkto para sa instructions sa pag-iimbak. O tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi mo dapat i-flush ang Minoxidil sa banyo o ibuhos ang mga ito sa drain. Maliban kung naka-instruct na gawin ito. Mahalagang maayos na itapon ang produktong ito kapag ito ay nag-expire na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa’yong pharmacist para sa higit pang mga detalye. Tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.

Mga Pag-Iingat At Babala

Ano ang dapat kong malaman: Minoxidil paano gamitin? 

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa’yong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso.
  • Pag-inom ng anumang iba pang mga gamot. Kabilang dito ang anumang reseta, OTC, at mga herbal remedies.
  • Isang allergy sa alinman sa mga sangkap ng produktong ito.
  • Anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.

Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon. Tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Mangyaring palaging kumunsulta sa’yong doktor. Para timbangin ang mga potensyal na benepisyo at risk. Bago uminom ng anumang gamot.

Minoxidil Paano Gamitin: Side Effects

Anong mga side effect ang maaaring mangyari mula sa Minoxidil?

Tulad ng lahat ng gamot, maaaring may mga side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito. Ang mga side effect ay karaniwang mild at malulutas kapag natapos na ang treatment o binabaan ang dosis. Ang ilang naiulat na mga side effect ay kinabibilangan ng:

  • Hypotension
  • Reflex tachycardia
  • Fluid retention (edema)
  • Labis na paglaki ng buhok sa katawan
  • Pericardial effusion
  • Pericarditis
  • Paglala ng angina pectoris
  • Sakit ng ulo
  • Pagduduwal
  • Gynecomastia (paglaki ng dibdib sa mga lalaki)
  • Panlalambot ng dibdib
  • Polymenorrhea (pag-ikot ng regla na mas maikli sa 21 araw)
  • Sakit sa balat
  • Pantal sa balat
  • Burning sensation
  • Bahagyang pagbabago sa kulay o texture ng buhok

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng iba pang mga epekto. Kaya, kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect. Mangyaring kumonsulta sa’yong doktor o pharmacist.

Mga Interaksyon

Anong mga gamot ang maaaring makipag-interaksyon sa Minoxidil?

Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interaksyon sa iba pang mga gamot na kasalukuyan mong iniinom. Maaaring magbago ito sa kung paano gumagana ang iyong gamot. O magdagdag ng iyong panganib para sa malubhang epekto.

Para maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interaksyon sa gamot. Dapat kang magtago ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang ang mga prescription drugs, nonprescription drugs, at mga produktong herbal. At ibahagi ito sa’yong doktor at pharmacist.

Drugs with known interactions:

  • Iba pang antihypertensive agents
  • Corticosteroids
  • Retinoids
  • Occlusive ointment preparations

Kung nakakaranas ka ng masamang pakikipag-interaksyon sa gamot. Ipagbigay-alam kaagad sa’yong doktor. Para muling suriin ang iyong plano sa tritment. Kasama sa mga approach ang pagsasaayos ng dosis, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.

Nakikipag-interaksyon ba ang pagkain o alkohol sa Minoxidil?

Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa pagkain o alkohol. Sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot. O pagtaas ng panganib para sa malubhang epekto. Mangyaring talakayin sa’yong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na pakikipag-interaksyon sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-ugnayan sa Minoxidil?

Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa underlying conditions. Ang pakikipag-ugnayang ito ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan sa kalusugan. O magbago sa paraan ng paggana ng gamot. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa’yong doktor at pharamacist. Ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na:

Dosis

Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Samakatuwid, dapat kang palaging kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist. Bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dosis para sa isang adult?

Hindi makontrol na hypertension

Sa una, kumuha ng 5 mg bawat araw. Unti-unting taasan ang dosis tuwing 3 araw o higit pa hanggang 40 mg o 50 mg, either as a single o sa 2 hinati na dosis bawat araw. Ang maximum na dosis ay 100 mg bawat araw.

Pinasisigla ang paglago ng buhok

Lalaki: Gamit ang 2% o 5% na solusyon, iaplay ang 1 mL ng produkto sa anit 2 beses bawat araw. Para sa 5% foam o aerosol, ilagay ang kalahating capful sa anit 2 beses bawat araw.

Babae: Gamit ang 2% na solusyon, ilapat ang 1 mL ng produkto sa anit 2 beses bawat araw. Para sa 5% foam o aerosol, ilagay ang kalahating capful sa anit 2 beses bawat araw.

Ano ang dosis para sa isang bata?

Hindi makontrol na hypertension

Sa una, magbigay ng 200 mcg kada kilo sa isang araw. Dagdagan ang dosis tuwing 3 araw o higit pa ng 100 hanggang 200 mcg bawat kg, either as a single o sa 2 hinati na dosis bawat araw. Ang maximum na dosis ay 50 mg bawat araw.

Minoxidil paano gamitin ito?

Available ang Minoxidil sa mga sumusunod na form ng dosis at strenght:

  • Oral tablet 2.5 mg, 10 mg
  • Topical foam: 5%
  • Topical solution: 2%, 5%

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa kaso ng isang emergency o overdose. Tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dosis?

Kung napalampas mo ang isang dosis. Take it as soon as possible. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa’yong susunod na dosis. Laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dosis.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Minoxidil, https://www.mims.com/philippines/drug/info/minoxidil?mtype=generic, Accessed July 27, 2021

Minoxidil (Topical Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/minoxidil-topical-route/description/drg-20068750, Accessed July 27, 2021

Minoxidil (Oral Route) https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/minoxidil-oral-route/description/drg-20068757, Accessed July 27, 2021

Minoxidil and its use in hair disorders: a review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6691938/, Accessed July 27, 2021

Minoxidil solution, https://dermnetnz.org/topics/minoxidil-solution/, Accessed July 27, 2021

Minoxidil (Topical). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL, http://online.lexi.com, Accessed July 27, 2021

Kasalukuyang Version

01/12/2023

Written by Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Written by

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement