brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Ano Ang Dapat Gawin Sa Matigas na Balat at Kasukasuan ng Diabetic?

Ang mga taong may diabetes ay mauunawaan na maaari siyang magkaroon ng maraming komplikasyon. Hindi kontroladong blood sugar, halimbawa, ay maaaring makaapekto sa nerves (na humahantong sa neuropathy) at mga mata (na nagiging sanhi ng retinopathy). Higit pa rito, ang diabetes ay maaaring negatibong makaapekto sa paggaling ng mga sugat. Ngunit, alam niyo ba na ito ay maaaring humantong sa kondisyon ng balat. Halimbawa nito ay ang digital sclerosis o matigas na balat ng diabetic. Alamin pa ang tungkol dito sa pagbabasa.

Ano Ang Dapat Gawin Sa Matigas na Balat at Kasukasuan ng Diabetic?

Matigas na Balat ng Diabetic, Overview

Ang matigas na balat ng diabetic, na tinatawag ding digital sclerosis, ay karaniwang kondisyon sa balat na nakaaapekto sa matagal nang mayroong diabetes (partikular na ang Type 1 DM).

Ibig sabihin ng sclerosis ay ang pagkapal at pagtigas. Kaya’t kung ang pasyenteng diabetic ay mayroong digital sclerosis, ibig sabihin na nagkaroon siya ng pagkapal at pagtigas ng balat ng mga daliri (digits).

Ang matigas na balat ng diabetic ay tipikal na makikitang kulay dilaw at waxy. Bagaman ito ay walang kirot, ito ay nagpapabawas ng pakiramdam ng mga daliri.

Mga Katangian

Hindi kaagad nangyayari ang matigas na balat ng diabetic, sa katunayan, ito ay unti-unting nangyayari. Sa karamihan ng mga kaso, ang kondisyon ay symmetrical. Ibig sabihin na ito ay nakaaapekto sa mga daliri ng parehong mga kamay. At bagaman ito ay unang nagsisimula sa mga daliri, ang pagtigas ay maaaring magpatuloy sa mga kamay, braso at buong katawan.

At, kahit na ang tawag dito ay matigas na balat ng diabetic, pakiusap na tandaan na ang mga kaugnay na kasukasuan ay maaaring tumigas din. Ito ay tinatawag na diabetic cheiroarthropathy at mas nililimitahan nito ang paggalaw ng mga kamay.

Senyales ng Pagdarasal at Trigger Finger

Ang mga malalang kaso ng digital sclerosis at diabetic cheiroarthropathy ay maaaring humantong sa kawalan ng kakayahan ng pasyente na pagdampiin ang parehong mga palad (senyales ng pagdarasal). Kung sinusubukan ng mga pasyente na paglapitin ang mga kamay, ang mga daliri lamang nila ang naglalapit.

Ang matigas na balat ng diabetic at kasukasuan ay maaari ding humantong sa “trigger finger.” Kung ang isang tao ay mayroong trigger finger, ibig sabihin na sila ay nakararanas ng hirap o kawalan ng kakayahan upang ituwid o ilapat ang kahit isa sa kanilang mga daliri. Kung babaluktutin, ang apektadong mga daliri ay naglo-lock. Kung itutuwid, ang mga daliri ay maaaring mag-click. Maaaring sobrang sakit ng trigger fingers kahit hindi pinipiga.

Lunas at Management

Ayon sa American Diabetes Association, ang kaisa-isang lunas para sa digital sclerosis ay ang pagkontrol ng lebel ng blood glucose ng pasyente. Sa ngayon, walang ebidensya na ang pagkakaroon ng target blood sugar ay pagagalingin ang matigas na balat ng diabetic. Ngunit, maaari itong magbawas ng progreso nito.

Upang maging kontrolado ang lebel ng glucose, mahalaga na trabahuhin ito kasama ang iyong doktor. Hangga’t maaari, huwag lumihis sa nutritional plan na ginawa nila para sa iyo. Kailangan din ng regular na ehersisyo; siguraduhin lamang na ginagawa mo ito ayon sa estado ng iyong kalusugan. Sa huli, inumin ang iniresetang gamot.

Ang American Academy of Dermatology ay nagsasabing ang physical therapy ay maaaring makatulong sa iyong kakayahan na baluktutin at ilapat ang mga daliri. Ang mga malalang kaso, gayunpaman, ay maaaring kailanganin ng operasyon upang i-release ang matigas na connective tissues o tendons.

Pagsasagawa ng Aksyon

Ang matigas na balat gaya ng natalakay, ay maaaring maapektuhan ang paggalaw ng mga kamay. Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ito ay panatilihin ang iyong blood glucose sa lebel na kontrolado.

Kung napansin mo ang pagkapal ng iyong mga balat sa daliri (o kahit anong bahagi ng katawan), pakiusap na kausapin ang iyong doktor. Ang pag-alam nito nang mas maaga ay mas makagagawa ng estratehiya upang maiwasan na lumala ito. Halimbawa ng mga estratehiya ay ang pag-uunat at ang ehersisyo sa mga kamay at daliri. Syempre, kailangan mo ring tumuon sa pagkamit ng nais na blood sugar.

Mahalagang Tandaan

Ang mga taong may diabetes mellitus, partikular na ang mga taong may matagal nang type 1 diabetes ay maaaring magkaroon ng digital sclerosis at diabetic cheiroarthropathy. Ang kondisyon na ito ay sanhi ng pagtigas ng balat at kasukasuan, na humahantong sa pagbawas ng kakayahan ng paggalaw ng mga daliri at kamay. Sa hindi na-manage na lebel ng blood sugar, ang kondisyon ay maaaring kumalat sa mga braso o buong katawan.

Ngayon, ang natatanging lunas para sa matigas na balat ng diabetic ay ang pagkontrol ng blood sugar. Sa ibang mga kaso, ang physical therapy at operasyon ay maaari ding irekomenda.

Matuto pa tungkol sa Komplikasyon ng Diabetes dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

expert
Dexter Macalintal, MD
Narebyu ng Eksperto
Internal or General Medicine
Isinulat ni Jerra Mae Dacara · Na-update noong 3 araw na ang nakalipas