Ang nervous system disorders ay tumutukoy sa grupo ng kondisyon na nakaaapekto sa nervous system. Kabilang sa nervous system ang utak, spinal cord, at ang trilyon na nerves na makikita sa buong katawan. Kabilang sa mga ito ang mga karaniwang problema sa nervous system tulad ng stroke, Alzheimer’s Disease, amyotrophic lateral sclerosis o ALS at brain tumors.

Narito ang ilang mga karaniwang problema sa nervous system:
Sa pangkalahatan, ang problema sa nervous system ay karaniwan lamang. Ilan sa pinaka karaniwang neurological disorders ay ang Alzheimer’s Disease, Parkinson’s Disease, epilepsy, at stroke. Nangyayari ang mga ito dahil ang sistema ng katawan ay nag o-overlap sa sa nervous system.
Isang halimbawa nito ay ang vascular disorders o disorders na nakaaapekto sa circulatory system ng tao. Kailangan ng utak ng function sa dugo, at kahit na anong problema sa circulatory system ay maaaring hindi direkta o direktang maging sanhi ng problema sa organ na ito.
Ilan sa kondisyon, gayunpaman, ay mas bihira. Ito ay kadalasan na dahil sa genes ng isang tao. Ang tsansa na mamana ito ay mababa. Gayunpaman, mahalaga pa rin na manatiling malay tungkol sa mga sintomas na ito.
Ang mga sintomas ng bihira at karaniwang neurological disorders ay maaaring iba-iba depende sa kung anong bahagi ng nervous system ang apektado. Gayunpaman, mayroong ilang mga pangkalahatang sintomas.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Ang mga indibidwal na sintomas ay maaaring mapagkamalan na ibang mga medikal na kondisyon o problema. Kailangan na kausapin ang iyong doktor kung nakaramdam ng kakaiba o mali.
Maraming mga bagay na maaaring maging sanhi ng neurological disorders, at hindi laging madali na humanap ng tiyak na sanhi. Kailangan ng iyong doktor na mag-rule out ng ibang mga sakit bago sapat na tukuyin ang kondisyon.
Mas maaga na ma-diagnose ang kondisyon, mas mainam na malunasan, at mas mainam na tsansa ng recovery.
Maraming mga bagay na maaaring mag-sanhi ng parehong bihira at karaniwang neurological disorders. Narito ang ilang posibleng sanhi:
Ang mga banta para sa karaniwang problema sa nervous system ay nakadepende sa kung anong bahagi ng nervous system ang apektado. Gayunpaman, mayroong mga karaniwang banta:
Ang diagnosis ng neurological disorders ay iba-iba rin depende sa kung anong kondisyon. Maaaring mahirap para sa mga doktor na magkaroon ng dagliang diagnosis dahil ilan sa neurological disorders ay pareho ng mga sintomas. Ang ibang mga sakit at kondisyon sa kalusugan ay mas nagpapahirap din sa diagnosis.
Upang makumpirma ang neurological na kondisyon, maaaring magsagawa ang mga doktor ng series ng test upang paliitin ang listahan ng mga posibleng sakit.
Ang mga impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. LAGING konsultahin ang iyong doktor para sa maraming impormasyon.
Kung napag-alaman na ng iyong doktor ang ugat na sanhi ng iyong problema, maaari nang simulan ng lunas.
Ang lunas para sa neurological disorders ay iba-iba rin depende sa sakit at pagiging malala.
Ang pag-iwas sa neurological disorders ay hindi laging posible, tulad ng epilepsy, brain tumors, at ibang kaparehong kondisyon. Gayunpaman, may mga hakbang na maaari mong gawin upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng neurological disorders.
Ano ang mga karaniwang problema ng nervous system? Ang iyong utak, kabilang ng iyong kabuuang nervous system, ay isa sa pinakamahalagang organs ng iyong katawan. Sa pag-aalaga ng iyong kalusugan, laging alalahanin na isaisip ang mga abnormal na sintomas. Mainam din na ideya na kumain ng masustansyang diet upang manatiling malakas ang iyong katawan at walang sakit.
Kung nakararamdam na mayroong mali, magtakda ng konsultasyon sa iyong doktor.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Nervous System Diseases | Neurologic Diseases | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/neurologicdiseases.html, Accessed 04 June 2020
Common Neurological Disorders | Norton Healthcare Louisville, Ky., https://nortonhealthcare.com/services-and-conditions/neurosciences/services/common-neurological-disorders/, Accessed 04 June 2020
Rare Neurological Disorders | List of High Impact Articles | PPts | Journals | Videos, https://www.imedpub.com/scholarly/rare-neurological-disorders-journals-articles-ppts-list.php, Accessed 04 June 2020
Overview of Nervous System Disorders – Health Encyclopedia – University of Rochester Medical Center, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=P00799, Accessed 04 June 2020
Overview of Nervous System Disorders | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/overview-of-nervous-system-disorders, Accessed 04 June 2020
Cigarette smoke and related risk factors in neurological disorders: An update – ScienceDirect, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S075333221631006X, Accessed 04 June 2020
Neurosciences: MedlinePlus Medical Encyclopedia, https://medlineplus.gov/ency/article/007456.htm#:~:text=In%20addition%20to%20blood%20and,cerebro%2Dspinal%20fluid%20(CSF), Accessed 04 June 2020
Kasalukuyang Version
02/26/2026
Isinulat ni Jerra Mae Dacara
Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara