


Ang anemia ay kondisyon kung saan ang tao ay walang sapat na red blood cells. Ang hindi pagkakaroon ng sapat na red blood cells ay nangangahulugan na ang organs nito ay hindi nakakatanggap ng sapat na oxygen upang normal na gumana. Alamin paano ang pag-iwas sa anemia.
Sa buong mundo, 1.62 bilyong tao o humigit-kumulang 24.8% ng pandaigdigang populasyon ang may ilang uri ng anemia. Ito ay kadalasang nakakaapekto sa mga kababaihan at tinatayang sila ay nasa 468.4 milyon bilang sa buong mundo. Para sa karamihan, ang mga sintomas ng anemia ay mild. Sa una, ang mga may anemia ay maaaring hindi makaramdam ng anumang sintomas, ngunit habang lumalala ito, maaari silang makaranas ng:
Sa kabutihang palad, magagamot at may paraan na sa pag-iwas sa anemia. At mayroong ilang iba’t ibang paraan sa pag-iwas anemia na natural na simple, ngunit epektibo.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip na ito, maaaring mapababa ang posibilidad na magkaroon ng anemia
Isang mahusay na tip sa kung paano maiiwasan ang anemia ay natural na tandaan ang anumang mga kakaibang sintomas na nararanasan.
Kung may napansing dugo sa dumi, o kung mayroon regla na hindi karaniwan, magandang ideya na komunsulta sa doktor. Ang mga bagay na ito ay maaaring makaapekto sa lebel ng iron sa katawan na maaaring mauwi sa anemia kung hindi agad na magagamot.
Tinawag bilang iron deficiency anemia ang pinaka karaniwang uri nito. Ito ay uri ng anemia kung saan ang tao ay kulang sa iron dahil sa sobrang pagkawala ng dugo, pagiging buntis, o hindi pagkakaroon ng sapat na iron sa pagkain.
Nangangahulugan ito na ang pinakasimple at simpleng paraan ng pagpigil sa iron deficiency anemia ay ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iron. Kabilang sa mga pagkaing ito ang dark green leafy vegetables, walang taba na karne, manok, beans, at isda. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng malaking halaga ng mga pagkaing mayaman sa iron, mapapababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng anemia.
Minsan, ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iron ay hindi palaging sapat. May mga kondisyong pangkalusugan tulad ng Crohn’s disease na maaaring humadlang sa kakayahan ng tao na sumipsip ng iron mula sa pagkain na kanilang kinakain. Nangangahulugan ito na kahit na sinusunod ang diet na mayaman sa iron ang katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na iron mula sa kinakain.
Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na dagdagan ang diyeta ng mga pagkain tulad ng mga dalandan, strawberry, broccoli, at prutas at gulay na mayaman sa bitamina C, tulad ng vitamin C na makakatulong sa pag-absorb ng iron.
Ang folate at B12 ay mahalaga din pagdating sa kakayahan ng katawan na gumawa ng hemoglobin at malusog na red blood cells. Ang folate ay matatagpuan sa dark green na dahong gulay, at ang vitamin B12 ay mula sa mga produktong hayop tulad ng gatas, manok, at isda.
Ilang mga tao ay maaaring magkaroon ng allergy sa pagkain o dietary restrictions na maaaring limitahan ang kanilang paggamit ng mga pagkaing mayaman sa iron. Sa mga sitwasyong ito, ang pag-inom ng iron supplement ay makakatulong sa pagbibigay ng ilang kinakailangang iron sa kanilang katawan.
Maari ding mag-boost ng iron sa diet ang mga iron supplements, at ang mga babaeng may partikular na malalang regla ay maaaring makinabang kung minsan sa pag-inom ng mga supplement na ito. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang pinakamahusay na paraan upang magkaroon ng iron ay mula pa rin sa pagkain, at hindi palaging sapat na umasa sa mga supplements.
Maaaring magmungkahi ang doktor ng mga iron pill upang makatulong na mapataas ang lebel ng iron. Mahalagang tandaan na ang pag-inom ng mga iron pill ay maaaring magdulot ng mga side effect, tulad ng pagsakit ng tiyan, paninigas ng dumi, at diarrhea. Kung likido naman itong maiinom, maaari itong magmantsa sa ngipin.
May mga hakbang na maaari gawin upang mabawasan ang mga side effect na ito:
Ilang pagkain ang nagpakita na nakakapinsala sa absorption ng iron sa katawan. Halimbawa, hindi dapat uminom ng calcium at iron supplement sa parehong oras. Bilang karagdagan, maaaring iwasan o limitahan ang mga item na ito:
Mas kailangan na maging maalam ang mga buntis sa pag-iwas sa anemia sa natural na paraan. Ito ay dahil sa huling bahagi ng pagbubuntis, ang katawan ng babae ay lumilikha ng mas maraming red blood cells para sa ina at sanggol, at ang katawan ay nangangailangan ng iron upang magawa ito.
Gayunpaman, ang katawan ay hindi kusang lumilikha ng iron. Depende ito sa mga panlabas na mapagkukunan tulad ng mga pagkaing mayaman sa iron at mga iron supplement. Kung ang buntis na babae ay walang sapat na iron sa kanyang katawan, maaari itong magkaroon ng anemia habang nahihirapan ang katawan na gumawa pa ng red blood cells.
Ito ang dahilan kung bakit minumungkahi ang pag-inom ng iron supplements para sa mga buntis. Ang mga folic acid supplements ay maaari ding makatulong hindi lamang sa paggawa ng hemoglobin at red blood cells, kundi pati na rin sa pagtiyak na ang sanggol ay lumalaki nang normal.
Kung ikaw ay buntis at pinaghihinalaan na maaari magkaroon ng anemia, siguraduhing dagdagan ang paggamit ng iron at kausapin ang doktor tungkol sa mga sintomas.
Sa huli, hindi mapipigilan ang ilang uri ng anemia. Ang ilang namamana na karamdaman, gaya ng sickle cell anemia, ay walang paraan upang maiwasan ito. Ito ay bagay na mayroon na sa pagkapanganak pa lamang. Kung mayroon hereditary anemia, kumunsulta sa doktor kung paano pinakamahusay na gamutin ang kondisyon.
Gaya ng nakasanayan, mahalagang alalahanin ang mga sintomas, at makipag-usap sa doktor kung sa tingin mo ay may mali.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Anemia: Symptoms, Types, Causes, Risks, Treatment & Management, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/3929-anemia, Accessed July 6 2020
Avoiding Anemia | NIH News in Health, https://newsinhealth.nih.gov/2014/01/avoiding-anemia, Accessed July 6 2020
Iron-deficiency anemia | womenshealth.gov, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/iron-deficiency-anemia, Accessed July 6 2020
Preventing and Controlling Iron Deficiency Anaemia Through Primary Health Care, https://www.who.int/nutrition/publications/micronutrients/anaemia_iron_deficiency/9241542497.pdf?ua=1, Accessed July 6 2020
Iron-deficiency anemia, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/iron-deficiency-anemia, Accessed October 23 2020
Anemia and Pregnancy | Patient Education | UCSF Health, https://www.ucsfhealth.org/education/anemia-and-pregnancy, Accessed July 6 2020
WHO | Global anaemia prevalence and number of individuals affected, https://www.who.int/vmnis/anaemia/prevalence/summary/anaemia_data_status_t2/en/#:~:text=printable%20version-,Global%20anaemia%20prevalence%20and%20number%20of%20individuals%20affected,CI%3A%2022.9%E2%80%9326.7%25)., Accessed July 6 2020
Avoiding Anemia, https://newsinhealth.nih.gov/2014/01/avoiding-anemia, Accessed October 23 2020
How can I prevent anemia?, https://www.webmd.com/a-to-z-guides/qa/how-can-i-prevent-anemia, Accessed October 23 2020
Kasalukuyang Version
08/19/2026
Isinulat ni Jerra Mae Dacara
Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara