home

What are your concerns?

close
Inaccurate
Hard to understand
Other

Share


Or copy link

New

Pampatagal Sa Sex: Mga Tips Para Sa Mga Kalalakihan

Pampatagal Sa Sex: Mga Tips Para Sa Mga Kalalakihan

Pagdating sa pagtatalik, importante ang malaman ang pampatagal sa sex. Pero maraming iba’t ibang impormasiyon pagdating dito, lalo na kung nagsi-search online.

Dahil dito, binuo namin ang listahan ng epektibong pamamaraan na maaaring gamitin ng kalalakihan upang ma-improve ang sex lives nilang mag-partner! Basahin ang article na ito upang malaman ang kasagutan.

Pampatagal sa Sex: Mga Dapat Malaman

Ang premature ejaculation (maagang nilalabasan ng semilya) ay isang pangkaraniwang sexual problem sa mga lalake. Maaari rin itong maging rason kung bakit naghahanap ang iba ng tips ukol sa pampatigas at pampatagal sa sex.

Ngunit, importanteng malaman mo na hindi porkit may premature ejaculation ay may problema na sa iyong kalusugan. Maraming posibleng rason, at may mga bagay na maaaring gawin upang maibsan ang problema na ito.

Narito ang mga dapat tandaan na tips kung ika’y naghahanap ng pampatagal sa sex:

Mag-masturbate bago makipag-sex

Isa sa mga maaaring gawin ay ang masturbation (pagsasarili) mga ilang oras bago makipag-sex. Ang ginagawa nito’y tumulong para maudlot ang ejaculation, at maaaring makatulong pampatagal sa sex.

Ang isa pang maaaring gawin habang nagma-masturbate ay tumigil bago labasan o mag-climax. Kung alam mo na ang feeling bago ka mag-cliimax, mas magkakaroon ka ng idea kung kailan dapat tumigil, para mapigilan ang paglabas o ejaculation ng masyadong maaga.

Mag-engage sa foreplay

Ang foreplay ay isang paraan na makakatulong sa may premature ejaculation, kahit na hindi naman ito nakakatulong talaga na pampatagal sa sex. Imbis na dumiretso sa penetration, ang maaaring gawin ay i-stimulate ang iyong partner. Nakakatulong ito para maging “in the mood” na sila at nakakapagpataas rin ito ng sexual satisfaction.

Ang magiging focus nito ay dalhin ang partner mo sa point na konti na lang mag-o-orgasm na sila bago kayong tuluyang magtalik. Sa paraang ito, sabay kayong makaka-achieve ng orgasm, at magiging satisfied during sex ang iyong partner.

Sumubok ng iba’t ibang sex positions

Ang isa pang pampatagal sa sex ay ang pagsubok sa sari-saring sex positions. Ito’y dahil ang ibang sex position ay maaaring mas nakaka-stimulate para sa iyo, kaya maaari itong iwasan para hindi mag-ejaculate nang maaga.

Magpahinga habang nakikipagtalik

Ang pag-take ng breaks ay isa ring paraan na pampatagal sa sex. Lalong effective ito kung titigilan ang pagtatalik bago ma-reach ang climax.

Habang nagpapahinga, puwede kayong mag-foreplay ng iyong partner, o maaari mo silang i-stimulate upang mag-climax.

Gumamit ng Condom

Isa sa mga effective na pampatagal sa sex (at pampatagal labasan) ay ang pagsuot ng condom habang nakikipagtalik. Ito’y dahil ang pagsuot ng condom ay nakakabawas ng sensation kaya hindi lubusan nasi-stimulate para mag-ejaculate ng masyadong maaga. Ibig sabihin nito’y mas mapapatagal ang sex, at mas makapagbigay ka ng pleasure sa iyong partner.

Ang pagsuot ng condom ay mabuting gawain rin dahil maaari nitong ma-prevent ang pagkalat ng STDs at hindi planadong pagbubuntis.

Huwag matakot humingi ng tulong

Minsan, ang problemang ito ay maaaring hindi kaya solusyonang mag-isa. Kung nasubukan na ang lahat ng tips sa taas, at hindi pa rin nahahanap ang effective na pampatagal sa sex, marahil ang mas mabuting gawin ay kumunsulta at humingi ng tulong sa propesyonal.

Maaaring kausapin ang yong doktor ukol sa maaaring rason. Minsan, maaaring pisikal ito, at sa ibang pagkakataon, maaari rin itong sikolohikal.

Mahirap o nakakahiya mang pag-usapan ang mga ganitong problema kasama ang iyong doktor, makakasiguro kang gagawin naman nila ang lahat upang matulungan ka. Huwag ikahiya ang pagsusumikap na ma-improve ang iyong sarili at sa paghanap ng solusyon sa iyong mga problema.

Halimbawa: ang doktor ay maaaring mag-rekumenda na mag-enroll ka sa behavioral therapy. Ang layunin ng therapy na ito ay patibayin ang tolerance at i-delay ang ejaculation sa pamamagitan ng exercises, tulad ng squeeze method at start-stop method.

Mga Dapat Tandaan

Isa sa mga mahalang tandaan ay, pagdating sa sex, napaka-importante ng experience. Kapag matagal na kayo ng partner mo, mas lalo niyong makikilala ang isa’t isa. Kasama na rin dito ang mga wants and needs sa bedroom.

Nagdudulot ito ng mas pleasurable na sex, at mas naiintidihan at nako-control mo ang iyong katawan.

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Sources

Treatment for sexual problems, https://www.apa.org/topics/sex-sexuality/treatment, Accessed April 13, 2021

Erectile Dysfunction (ED) Guideline – American Urological Association, https://www.auanet.org/guidelines/erectile-dysfunction-(ed)-guideline, Accessed April 13, 2021

11 ways to help yourself to a better sex life – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/healthbeat/11-ways-to-help-yourself-to-a-better-sex-life, Accessed April 13, 2021

Can premature ejaculation be controlled? – NHS, https://www.nhs.uk/common-health-questions/sexual-health/can-premature-ejaculation-be-controlled/, Accessed April 13, 2021

Premature ejaculation – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/premature-ejaculation/diagnosis-treatment/drc-20354905, Accessed April 13, 2021

What is Premature Ejaculation?, https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/p/premature-ejaculation,

Picture of the authorbadge
Written by Jan Alwyn Batara Updated 2 weeks ago
Medically reviewed by Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, M.D.