Nakakatulong Ba Ang Pagkain Upang Mapataas Ang EQ Ng Bata?
Tama o mali: Ang IQ nga ba ay bunga ng nutrisyon habang ang EQ ay dulot ng pagpapalaki?
Ang EQ at IQ ay parehong mahalaga upang ang iyong anak ay lumaki nang malusog at masaya. Ngunit paano nadedebelop ang mga ito sa bata? May kaisipang ang tamang pagkain ay nakatutulong upang magkaroon ng mas mataas na IQ. At ang pagpapalaki ng mga magulang ay nagtataguyod ng mataas na EQ. Totoo nga ba ito? Meron bang pagkain na pampataas ng EQ?

Bagama’t ang pagkain ay tunay na nakatutulong sa pagkakaroon ng mas mataas na IQ, ang tamang pagkain ay hindi lamang mahalaga sa pagpapataas nito. Kasama ng pagpapalaki, ang pagkain ay maaari ding makatulong sa pagpapaunlad ng EQ.
Habang ang emotional quotient (EQ) o emotional intelligence (EI) ay nadedebelop sa paglipas ng panahon, maling ipagpalagay na ang pagkain ay walang epekto rito. Kailangan ng mga bata ang tamang pagpapasigla at pagkain upang ang kanilang EQ ay tumaas. Sa huli, ang malusog na kaisipan ay nagsisimula sa isang malusog na katawan — at ang malusog na katawan ay nangangailangan ng tamang nutrisyon.
Meron bang pagkain na pampataas ng EQ?
Bago malaman ang gampanin ng pagkain sa pagpapaunlad ng mataas na EQ, mahalagang maunawaan kung paano magkaugnay ang emotional intelligence at ang utak. Ang limbic system ay binubuo ng maraming bahagi ng utak, kabilang ang amygdala at hypothalamus. Sa kabuoan, ang limbic system ang namamahala sa emosyon, alaala, reward system, at maging sa autonomic functions (hal. paghinga, heart rate).
Habang ang utak ay binubuo ng iba’t ibang functional parts at lobes, ito ay higit na binubuo ng taba. Dagdag pa, ang utak ay nangangailangan ng sapat na dami ng glucose (isang uri ng asukal) upang ito ay gumana. Ito ang dahilan kung bakit ang ilan sa atin ay nakararanas ng pananakit ng ulo, panlalabo ng mga mata, at panghihina kung hindi tayo kumain nang sapat at masyadong mababa ang ating blood sugar.
Sa pagbibigay ng kumpletong nutrisyon, kasama ng good fat na kinakailangan ng utak, matitiyak na ito ay normal na madedebelop at lubhang mainam na gagana. May isang partikular na sangkap na napatunayang nakatutulong sa paggana ng utak, pagpapataas ng EQ, at immunity: MFGM.
Gampanin ng MFGM sa pagbuo ng mataas na EQ
Ang MFGM, o milk fat globule membrane, ay isang kakaiba at lubhang masustansyang bahagi ng gatas. Ang bawat patak ng gatas ay nakabalot sa isang coating na naglalaman ng taba, protina, at sugar molecules na mahahalaga sa pagdebelop ng utak. Subalit, sa kabila ng marami nitong benepisyo, hindi lahat ng gatas o milk formulas ay may sangkap na MFGM.
Ngayon, paano nakatutulong ang MFGM sa pagpapataas ng EQ ng isang bata? Bagama’t madalas nating iugnay ang kaalaman sa isipan at ang emosyon sa puso, ang dalawang ito ay tunay na nakasentro sa utak. Sa katunayan, ang emotional center, o limbic system, ay ang pinakamatandang bahagi ng utak. Samakatuwid, ang tamang pagkain na sinamahan ng wastong pagpapalaki at pagpapasigla, ay nakatutulong sa pagpapataas ng parehong IQ at EQ.
Ang pinakatungkulin ng MFGM ay ang tulungan ang utak na madebelop nang maayos. Ito’y nagtatakda ng matatag na pundasyon para sa cognitive at emotional intelligence. Ang mga komponent tulad ng sphingomyelin, gangliosides, at choline ay mahahalaga upang ang utak at mga ugat ay ganap na mabuo at makalikha ng maraming makabuluhang koneksyon.
Paano mahihikayat ang pagpapaunlad ng EQ sa iyong anak sa pamamagitan ng nutrisyon?
Minsan ay nagiging isang hamon ang pagpapakain ng wastong pagkain sa iyong anak. Ang paghahanap ng personal chef at dietician ay maaaring masyadong magastos. Ang pagbili at paghahanda ng pagkain naman ay maaaring masyadong gumugugol ng oras. Ano ang pwedeng gawin ng mga abalang magulang na nagtitipid ng badyet?
Sa pamamagitan ng mga major breakthrough sa larangan ng dairy science, ang milk formula ng iyong anak ay may sangkap na ng MFGM. Tandaang laging basahin nang mabuti ang label: hindi lahat ng milk formula ay may MFGM.
Bukod sa pagbibigay ng tamang pagkain, makatutulong ang good table at playtime manners. Napatunayan ng mga pananaliksik na ang mga batang palaging kumakain nang kasama ang kanilang pamilya ay mas emotionally stable. At dahil dito, sila ay nakakukuha ng mas matataas na marka sa paaralan. Iwasan din ang panonood ng TV o ang paggamit ng gadgets habang kumakain. Ang pagsisimula ng healthy habits mula sa murang edad ay makatutulong sa iyong anak upang matagumpay.
Tingnan kung bakit ang mga milk formula na may MFGM ay ang nararapat para sa iyong lumalaking anak. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga benepisyo ng MFGM at EQ, i-click ito.
Matuto pa tungkol sa Growth at Development ng Toddler at Preschooler dito.