brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Bakit Nakakaranas Ng Pananakit Ng Sakong Ang Isang Tao?

“Heel area” ang tawag sa sakong ng paa, kung saan ang pananakit ng sakong ng isang indibidwal ay maaaring resulta ng mga aktibidad na madalas na ginagawa ng mga tao tulad ng sobrang pagtakbo, pagtayo, at pagsusuot ng maling sapatos o may mataas na takong. 

Bakit Nakakaranas Ng Pananakit Ng Sakong Ang Isang Tao?

Maaaring iugnay sa plantar fasciitis ang pagsakit ng sakong ng isang tao. Sa mga mas malalang kaso, ang kondisyong ito ay pwedeng makaapekto sa’yong pang-araw-araw na pamumuhay at pagkilos. 

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa plantar fasciitis, at bakit nakakaranaas ng pagsakit ng sakong ang isang tao.

Ano Ang Plantar Fasciitis?

Ang plantar fasciitis ay isa sa pinakakaraniwang sanhi ng pananakit ng sakong. Ito ay pwedeng resulta ng iba’t ibang gawain tulad ng labis na paglalakad.

Isang kondisyon sa talampakan ang plantar fasciitis na dahilan ng pagkirot at pananakit ng sakong ng isang tao. Maaaring magkakaroon ng plantar fasciitis ang isang indibidwal kapag ang malakas na band ng tissue na sumusuporta sa arko ng kanilang paa ay nairita o namaga. Ang pamamaga ng iyong makapal na band ng tissue na dumadaloy sa ilalim ng paa na nag-uugnay sa mga buto ng sakong sa mga daliri ay maaaring magdulot ng matinding discomfort sa iyo.

Sino Ang Karaniwang Nakakaranas Ng Plantar Fasciitis?

Kadalasan na nagkakaroon ng plantar fasciitis ang mga atleta at tao na may labis na timbang. Sila ang mga indibidwal na madalas na nagbibigay ng pressure sa kanilang mga sakong at talampakan lalo na kapag sila ay tumatakbo at naglalakad. 

Huwag mo ring kakalimutan na ang pananakit ng sakong ay maaaring maranasan ng kahit anong edad at kasarian.

Ano Ang Mga Dahilan Ng Pananakit Ng Sakong?

Narito ang mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit sa kanilang sakong ang isang tao:

  • Pagtanda ng edad
  • Labis na pag-eehersisyo at pagja-jogging
  • Pagiging buntis
  • Pagsusuot ng mga sapatos o sandals na masikip o hindi angkop sa pangangailangan at sukat ng paa
  • Paglalaro ng mga isport na nagbibigay ng matinding pressure sa sakong ng paa
  • Pagiging obese o sobra sa timbang

Ano Ang Mga Maaaring Mong Maramdaman Sa Plantar Fasciitis?

Narito ang ilan sa mga pwede mong maranasan sa kondisyong ito:

  • Paglala ng pananakit na nararamdaman sa sakong kapag nagsimula kang maglakad, at pagkatapos mong magpahinga o matulog
  • Nararamdaman ang pananakit ng sakong habang nag-eehersisyo at gumagawa ng iba’t ibang gawain
  • Nahihirapan ka sa pagtaas ng iyong mga daliri sa sahig

Paano Nada-Diagnose Ang Plantar Fasciitis?

Pwedeng tanungin ka ng iyong doktor tungkol sa lifestyle na mayroon ka at sa mga sintomas na iyong nararamdaman. Maaari rin sila magsagawa sayo ng physical exam upang matingnan ang arches o arko sa’yong paa at malaman kung may pinsala ba ito.

Asahan mo rin na pwedeng mag-request ang iyong doktor ng pagsasagawa ng x-ray, MRI, at ultrasound scan sa’yong paa para malaman kung ano pa ang posibleng dahilan ng pananakit ng iyong sakong.

Paano Ginagamot Ang Pananakit Ng Iyong Sakong?

Sa pagpapakonsulta sa doktor pwedeng irekomenda nila ang mga sumusunod na paggamot:

  • Pagpapahinga sa iyong paa para sa recovery nito
  • Pagsusuot ng mga sapatos, sandals at tsinelas na komportable ang iyong mga sakong
  • Pagsusuot ng orthotics
  • Pag-inom o pag-take ng pain-relief medicine
  • Pagsasagawa mo ng physiotherapy na may kasamang espisipikong exercises upang ma-strech ang Achilles tendon at plantar fascia mo
  • Pagsusuot ng heel pads at arch na tutulong sa pagsuporta sa’yong sapatos at pangangailangan
  • Paggamit ng icepack sa paa sa loob ng 10-20 na minuto na maaaring gawin ng 4 na beses sa loob ng isang araw 

Kapag hindi naging epektibo ang mga treatment na nabanggit pwedeng magbigay ng steroid injections ang doktor para sa iyong sakong.

Key Takeaways

Laging tandaan na kapag nakakasagabal na sa’yong pamumuhay ang pananakit ng sakong, magpakonsulta ka na agad sa doktor. Huwag ka rin basta-basta na iinom ng mga gamot para maibsan ang pananakit ng iyong mga paa lalo na kung walang pahintulot ng doktor. Maaari kasing maging sanhi ito ng medikal na komplikasyon. Mas mainam kung magkakaroon ka ng reseta ng doktor para maiwasan ang paglala ng iyong kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Orthopedics dito.

medical
Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong 3 linggo na ang nakalipas