brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Anu-Ano Ang Maagang Sintomas Ng Rayuma Na Dapat Mong Malaman?

Ang pinakakaraniwang uri ng rayuma o arthritis ay osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Sa kondisyong ito, ang pananakit at paninigas ng kasukasuan ang isa sa mga kilalang pangunahing maagang sintomas ng rayuma. 

Anu-Ano Ang Maagang Sintomas Ng Rayuma Na Dapat Mong Malaman?

Kadalasan rin na mas lumalala ang rayuma ng isang tao habang sila’y tumatanda at nagkakaedad na. Dahil dito, napakahalaga na malaman kung anu-ano ang maagang sintomas ng rayuma. Malaki ang naitutulong nito para mabigyan ng tamang paggamot ang kondisyon, at maiwasan ang mga discomfort na dulot ng rayuma.

Narito Ang Mga Maagang Sintomas Ng Rayuma Na Dapat Mong Malaman:

1. Pananakit o Paninigas Ng Iyong Mga Kamay At Paa

Ang rheumatoid at iba pang mga uri ng inflammatory arthritis ay madalas na nadedebelop muna sa maliliit na kasukasuan ng iyong mga kamay, pulso, at paa. Maaaring makaranas ng kahirapan sa pagkagalaw, at pagbaluktot ng mga daliri sa kamay at paa ang isang indibidwal. 

2. Pananakit Ng Mga Kasukasuan

Ayon kay Lisa Cannada, M.D., isang orthopedic trauma surgeon sa Novant Health sa Charlotte, North Carolina, ang pagsakit ng kasukasuan ay isang “classic symptoms” ng rayuma na habang tumatagal ay mas lalong lumalala. Maaaring ma-trigger ang pananakit ng kasukasuan sa mga aktibidad na iyong ginagawa.

3. Pagkakaroon Ng Joint Stiffness Sa Umaga

Maaaring maganap ang paninigas o stiffness sa umaga pagkatapos ng matagal na pag-upo, pagkatapos ng aktibidad o kapag nagising ka. Ang iyong mga kasukasuan ay maaaring manigas ng ilang mga minuto.

maagang sintomas ng rayuma

4. Pamamaga Ng Kasukasuan

Ang pamamaga ng kasukasuan ay maaaring maging maagang sintomas ng rayuma, kung saan pwedeng mas maging malubha ito sa paglipas ng panahon. May mga pagkakataon na kapag pinipindot o hinahawakan ang kasukasuan ay nakakaramdam ka ng pananakit.

5. Pagkakaroon Ng “Grating Sound” 

Ang grinding o grating bilang isang “joint moves” ay senyales na ang iyong cartilage sa iyong kasukasuan ay pagod na. At maaaring nagpapakita na ito ng sintomas ng arthritis. Ito ay pinakakaraniwan nagaganap sa tuhod, balakang, at maaari ring makaapekto sa iba pang mga kasukasuan.

6. Sakit Sa Kasukasuan Na Dati Nang Nasugatan 

Maraming mga kaso ng osteoarthritis ang nangyayari sa isang bahagi ng katawan na dumanas ng naunang pinsala o trauma. Halimbawa kung ang isang basketball player ay nagkaroon ng knee injury dati, may posibilidad na magkaroon sila ng osteoarthritis sa hinaharap.

7. Groin Pain o Pagsakit Ng Singit

Hindi alam ng maraming tao na ang pananakit na nararamdaman na mula sa hip arthritis ay nagra-radiates sa singit na maaari ring magdulot ng pananakit sa iyong hita.

8. Symmetrical Joint Pain

Ang rheumatoid arthritis ay kadalasang nagdudulot ng mga problema sa parehong mga kasukasuan sa magkabilang panig ng iyong katawan, tulad ng magkabilang pulso o magkabilang tuhod. Maaari kang makaranas ng sabay na pananakit sa mga bahagi ito.

Mahalagang Paalala

Kapag ang rayuma ay napabayaan at hindi nabigyan ng tamang medikasyon o paggamot maaari itong mauwi sa pagiging “severe arthritis.” Nakakaapekto ito sa iyong mga kamay o braso at nagreresulta sa paghihirap mo sa paggawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad. Bukod dito, maaari kang pigilan ng rayuma sa paglalakad nang kumportable o pag-upo nang tuwid. At sa ilang mga kaso, pwedeng unti-unting mawala ang pagkakahanay at hugis ng iyong mga kasukasuan.

Bukod rito, huwag mo ring kakalimutan na ang pag-alam sa maagang sintomas ng rayuma ay nakakatulong nang malaki para sa’yo, lalo na kung ikaw ay magpapakonsulta sa doktor para ipakumpirma ang karamdaman. Ang mga medikal na payo ng doktor at paggamot na ibibigay sa’yo ay makakatulong para mapabagal ang pag-unlad ng iyong rayuma, at mapahupa ang mga sintomas na nagdudulot ng matinding discomfort.

Key Takeaways

Sa oras na makaranas ng maagang sintomas ng rayuma, magpakonsulta ka agad sa doktor para makahingi ng medikal na diagnosis at maging angkop ang iyong paggamot na gagawin. Ugaliin rin na magkaroon ng healthy lifestyle para mapanatili ang kalakasan ng iyong katawan at maiwasan ang ilang mga partikular na kondisyon na may kaugnayan sa pagtanda ng isang tao.
Tandaan mo rin na hindi ka dapat magsagawa ng self-diagnosis at self-medicaton. Maaari kasi itong mauwi sa mga maling paggamot na humahantong sa pagkakaroon ng medikal na komplikasyon sa kalusugan. Mas mainam kung hihingi ka ng tulong mula sa mga doktor at eksperto.

Matuto pa tungkol sa Arthritis dito.

medical
Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong 3 linggo na ang nakalipas