brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

9 Na Pagkain Na Pampalinaw Ng Mga Mata, Anu-Ano Nga Ba?

Malaki ang gampanin ng ating mga mata sa pang-araw-araw na pamumuhay at gawain ng tao. Kaya naman napakahalaga para sa atin ang pag-alam sa mga pagkain na pwedeng maging kasangkapan sa pagpapalinaw ng ating mga mata.

9 Na Pagkain Na Pampalinaw Ng Mga Mata, Anu-Ano Nga Ba?

Ang vitamin A ang isa isa mga sikat na bitamina na kilala sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating mga mata. Marami tayong mga pagkain na pwedeng mapagkunan ng bitamina A, kung saan madali itong makikita sa ating mga bakuran at pamilihan. 

Maaaring matagpuan ang vitamin A sa mga sumusunod na pagkain:

  • Produkto mula sa hayop (karne, gatas, atay, at isda)
  • Gulay at prutas gaya ng mangga, kamatis, kamote, spinach, red bell pepper, karots, kalabasa, melon, letsugas at iba pa.

9 Na Pagkain Na Pampalinaw Ng Mata

Isda

Maraming mga isda ang sagana sa omega-3 fatty acids na maganda para sa kalusugan ng ating mga mata. Ayon sa mga pag-aaral ang fish oil ay may kakayahan na i-reverse ang pagiging tuyo ng mga mata na pwedeng sanhi ng matagal na pagkakababad sa kompyuter at screen ng telebisyon.

Narito ang list ng mga halimbawa ng isda na mayaman sa omega-3 fish oil:

  • Salmon
  • Sardines
  • Tuna
  • Mackerel
  • Anchovies
  • Herring
  • Trout

Citrus Fruit

Bukod sa vitamin A, maganda rin ang vitamin C bilang pampalinaw ng mata dahil nagtataglay ito ng antioxidant na maganda upang malabanan ang age-related eye damage.

Narito ang mga halimbawa ng mga pagkain na mayaman sa vitamin C:

  • Grapefruits
  • Oranges
  • Lemon

Mabeberdeng Dahon o Gulay

Ang mga maberdeng gulay ay mayaman sa lutein, zeaxanthin, at vitamin C na mabuti para sa kalusugan ng ating mga mata. Maaaring matagpuan ito sa mga pagkain tulad ng spinach at kale.

Mani

Ang mga mani ay mayaman sa vitamin E na maaaring magamit na proteksyon sa ating mga mata mula sa mga age-related damage.

Narito ang mga halimbawa ng mani na mabuti para sa kalusugan ng ating mga mata:

  • Peanuts
  • Walnuts
  • Lentils
  • Brazil nuts
  • Cashews

Mga Buto/Seeds

Mayaman ang mga buto sa omega-3s na mahusay na mapagkukunan ng vitamin E na maaaring matagpuan sa mga sumusunod:

  • Flax seeds
  • Hemp seeds
  • Chia seeds

Itlog

Nagtataglay ang itlog ng lutein at zeaxanthin na nakakatulong sa pagbawas ng panganib ng age-related sight loss. Maaari mong mabili ang mga itlog sa pinakamalapit na sari-sari store sa inyong lugar.

Beef

Mayaman ang beef sa zinc na nakakatulong sa isang tao para sa pagkakaroon niya ng long-term eye health. Bukod pa rito, may kakayahan din ang zinc sa pagpapa-delay ng macular degeneration at age-related sight loss.

Tubig

Ang pag-inom ng angkop na dami ng tubig ay makakatulong upang maiwasan ang dehydration na tumutulong para mabawasan ang sintomas ng pagkakaroon ng mga tuyong mga mata.

Kamote

Ang kamote ay mayaman sa beta carotene na mahusay na pinagkukunan ng antioxidant vitamin E, kung saan ang bitamina na ito ay makakatulong para sa pagpapanatili ng kalusugan ng iyong katawan at mga mata.

Key Takeaways

Ang mga pagkain na pampalinaw ng mata ay makakatulong sa’yo upang mapabuti ang kalusugan ng iyong mga mata at mapanatili ang angkop na paggana nito. Sa pagkain ng mga masustansyang pagkain makakatulong ito para makaiwas ka sa maagang pagkalabo ng iyong mga mata. Gayunpaman, ipinapayo pa rin sa’yo ang pagpapakonsulta sa doktor upang makahingi ng medikal na payo sa pangangalaga ng iyong mga mata. Malaki rin ang kanilang maitutulong upang mas maunawaan mo ang kahalagahan ng angkop na pagkain ng mga masustansyang pagkain na may malaking ambag sa iyong overall health.
Sa oras rin na makaranas ng panlalabo ng mga bata at nakakasagabal na ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at gawain, ipinapayo sa iyo na magpatingin na rin sa doktor upang malaman ang pinakaugat ng iyong kondisyon. Ang ganitong hakbang ay napakahusay para magkaroon ka ng wastong paggamot at medikal na atensyon.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Mata dito.

medical
Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong 01/02/2028