backup og meta

Nagrerebelde ang anak mo? Ito ang dapat mong gawin

Nagrerebelde ang anak mo? Ito ang dapat mong gawin

Ang iyong anak ay lumalaki araw-araw. Ngunit, paano na lamang kung nagrerebelde ang anak mo habang nagkakaedad siya? Kung saan, nagiging tanda ito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging masaya ang pagsasama ng anak at magulang. 

Ngayon, sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga bagay na kailangan mong malaman para matulungan ang iyong anak — at maiwasan ang pagrerebelde.

Bakit Nagrerebelde Ang Anak?

Dadaan o dumaan ang lahat sa yugtong ito bilang bahagi ng paglaki. Maaaring nagkakaiba lamang sa kung paano tumugon ang isang tao sa nagaganap — at kung gaano kalaki ang suportang nakukuha niya. Maraming dahilan kung bakit nagiging mahirap pakitunguhan ang isang bata o anak. Ang pag-alam sa mga kadahilanang ito ang magpapadali sa pagsagot sa tanong kung paano mo haharapin ang isang rebeldeng bata.

Narito ang mga sumusunod:.

Atensyon

Pwede na ang pagiging pasaway ng bata ay tanda ng pagnanais ng iyong anak ng atensyon. Isa sa mga maling paraan ng mga bata para maakit ang atensyon ng magulang ang mga sumusunod: 

  • hindi pagtugon sa’yong tawag
  • pagsagot ng pabalang at patalikod

Maaaring maging halata ito lalo na kung mayroon kang mga anak na may iba’t ibang mga hanay ng edad — at kung kumakain ng masyadong maraming oras ang iyong trabaho.

Pagharap sa mga pagbabago

Sinasabi rin na pwedeng magresulta ng pagpapakita ng negatibong emosyon ang bata sa kanilang magulang at sa iba. Dahil sa mga pagbabago sa pamumuhay o day-to-day experiences. Ang pagpapakilala sa kanila ng mga bagong bagay, gaya ng pagkakaroon ng isa pang sanggol — o paglipat sa ibang paaralan ay maaaring maging mahirap para sa kanila. Pwede rin silang magpakita ng mga palatandaan ng unknown abuse. Kung saan, kinakailangang matugunan ito nang maayos.

Pag-unlad ng utak

Habang nagbabago ang katawan, maaaring maging sobrang sensitibo ang bata. Ito’y pwedeng maging dahilan ng pagpapakita nila bilang isang rebeldeng bata na mahirap maunawaan. Pwedeng maganap ang pagbabago sa mood habang ang nagdedebelop ang utak at inihahanda ang bata para sa pagtanda.

Kalayaan at privacy

Sa paglaki ng mga bata, natututo silang maging mas malaya. Maaaring hindi pa nila lubos na nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging “independent”. Kung saan, pwede itong mauwi sa pag-aaway sa pagitan ng anak at magulang. Mayroong mga pagkakataon na nag-eeksperimento ang bata sa mga hangganan ng kanyang kalayaan — na maaaring magmukang walang ingat sa panig ng mga magulang.

Bukod sa kalayaan, natutunan nila ang ideya ng privacy. Nakakakuha ang ilang bata ng kanilang sariling mga silid at nakakagawa ng mga bagay nang mag-isa. Bagama’t trabaho pa rin ng mga magulang na pangasiwaan kung ano ang nagaganap sa kanilang anak. Pwede pa rin na mapagkakamalan ito ng bata bilang paglampas sa kanilang pribadong espasyo.

Nagrerebelde ang Anak: Ano ang Dapat Gawin?

Maraming mga bagay na maaaring gawin upang matulungan ka at ang iyong anak na makayanan ang ganitong uri ng pag-uugali. Narito ang ilang tip na makakatulong:

  • Magkaroon ng “listening ears” at isang mahabagin na tono kapag nakikipag-usap sa iyong anak. Para mapanatili ang positibo at bukas na komunikasyon sa kanila.
  • Tulungan silang ipahayag nang malinaw ang kanilang nararamdaman. Maaaring ang kanilang pagkayamot ay dahil sa isang maling interpretasyon ng mensahe na ipinapadala nila sa iyo.
  • Gumawa ng malinaw at tiyak na hanay ng mga pangunahing tuntunin (set of ground rules). Upang masimulan na rin ang pagtukoy sa pagkakaiba ng masama sa mabuti.
  • Maging pare-pareho sa’yong tugon kapag nagtuturo ng isang aralin.
  • Bigyan ng pagkilala ang iyong anak kapag nakagawa sila ng isang mahusay na trabaho. Para malaman nila ang mga bagay na kailangan niyang ipagpatuloy.
  • Magtakda ng mga hangganan bilang magulang at anak. Upang malaman nila na isa kang taong dapat igalang — at hindi kayo parehas ng antas at tungkulin.

Nagrerebelde ang Anak: Ano ang Hindi Dapat Gawin?

Malaki ang naitutulong ng pagiging positibo lalo na sa pakikitungo sa mga bata. Kaya naman, narito ang ilan sa mga bagay na kailangang iwasan sa nagrerebeldeng bata.

  • Sarcastic na pakikipag-usap sa mga bata. Dahil maaaring hindi nila ito maintindihan.
  • Paggamit ng disiplina bilang isang uri ng parusa sa maling pag-uugali.
  • Ang paggamit ng dahas o karahasan para pigilan ang nagrerebeldeng anak.
  • Pagkakaroon ng pagtatalo upang tapusin ang pag-uusap sa’yong anak at hindi tumugon sa ugat ng problema
  • Paggamit ng galit kapag nakikipag-usap sa’yong anak na maaari niyang kopyahin mula sa iyo sa susunod na magkaroon ng pagtatalo.
  • Ang pagsesermon o nagging upang bigyang-diin ang iyong punto — at hindi pakikinig sa kanila kapag gusto nilang ipaalam sa iyo kung ano ang kanilang nararamdaman.

Key Takeaways

Nagrerebelde ang anak sa maraming dahilan. Kaya dapat bilang magulang, unawain sila bakit nagkakaroon ng mapanghimagsik na pag-uugali ang bata. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung ano ang susunod na gagawin para sa kanila. Tandaan na malaki ang tulong na maibibigay sa mga bata para maging “best version” ng kanilang mga sarili. Kung sila’y kakausapin nang maayos at magiging positibo tungkol sa karanasan — at aalamin ng magulang kung ano ang nararamdaman nila. Dagdag pa rito, nakakatulong din ang paraan ng pagtugon sa kanila para mas maturuan sila ng tamang asal.

Matuto nang higit pa tungkol sa Kalusugan ng Pag-iisip ng mga Kabataan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dealing with child behaviour problems, https://www.nhs.uk/conditions/baby/babys-development/behaviour/dealing-with-child-behaviour-problems/, Accessed July 2, 2021

A Parent’s Guide to Surviving the Teen Years, https://kidshealth.org/en/parents/adolescence.html, Accessed July 2, 2021

Disrespectful teenage behaviour: how to deal with it, https://raisingchildren.net.au/pre-teens/behaviour/behaviour-questions-issues/disrespectful-behaviour,

Taming Tempers, https://kidshealth.org/en/parents/temper.html, Accessed July 2, 2021

Discipline: Top Do’s and Don’ts When Your Kids Won’t Listen, https://health.clevelandclinic.org/discipline-top-dos-and-donts-when-your-kids-wont-listen/, Accessed July 2, 2021

Strategies and Solutions For Handling A Difficult Child, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/gradeschool/Pages/Strategies-and-Solutions-For-Handling-A-Difficult-Child.aspx, Accessed July 16, 2021

Strategies for Parenting Children with Difficult Temperament, https://www.easternflorida.edu/community-resources/child-development-centers/parent-resource-library/documents/parenting-the-difficult-temperament.pdf, Accessed July 16, 2021

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Biktima Ng Cyberbullying Ba Ang Anak Mo? Heto Ang Dapat Gawin

Sintomas Ng Depresyon Sa Teenager, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement