Ang panganganak ay kakaiba at fulfilling na oras sa buhay ng isang babae. Ang pag-unawa sa paano ang paraan ng bawat panganganak ay makatutulong sa iyo upang matukoy kung anong paraan ang iyong nais sa paglabas ng iyong anak sa mundo. Gayunpaman, kailangan mo ring maunawaan na ang iba’t ibang paraan ay maaaring hindi akma para sa iyo dulot ng iba’t ibang salik na tatalakayin natin sa artikulong ito. Narito ang apat na pinaka-popular na paraan ng panganganak, ang mga benepisyo nito, at mga disadvantage.
Pinaka-popular na paraan ng panganganak: vaginal delivery
Madalas na tinatawag ang paraan ng panganganak na ito na pinaka ligtas. Ang baby ay inilalabas sa sinapupunan mula sa birth canal. Gayunpaman, ang vaginal delivery ay tiyak na kinokondisyon at pinag lalaanan ng preparasyon, lalo na kung hindi ganap na handa ang iyong katawan para rito.
May dalawang paraan sa pagsasagawa ng vaginal birth, medicated at non-medicated. Ang ibig sabihin ng medicated ay ang paggamit ng epidurals at pain-relieving na gamot. Nangyayari kadalasan ang vaginal delivery matapos ang humigit-kumulang 40 linggo na pagbubuntis. Para sa mga babae na nagpaplano na magkaroon ng higit sa isang anak, ikinokonsidera ang vaginal delivery na pinaka mainam na option. Ito ay sa kadahilanan na ang proseso ng paggaling ng perineum ay mabilis sa ganitong paraan. Sa vaginal delivery, may dalawang pamamaraan upang makatulong sa proseso.
Vacuum Extraction
Ginagamit ang maliit na suction cup upang hilahin ang baby palabas ng birth canal sa ginawang vacuum. Ang pwersa na ito ay mas mabagal. Kung magsimula na ang contractions, magsisimula na rin ang baby na itulak ang kanyang sarili palabas sa birth canal. Ang pamamaraan na ito ay mas madali sa baby na mailabas nang ligtas. Gayunpaman, ang paraan na ito ay maaring mag-iwan ng pasa sa ulo ng baby, na mawawala din naman sa loob ng 24-48 na oras.
Forceps delivery
Kabilang sa paraan ng delivery na ito ang paggamit ng dalawang malaking forceps–na tulad ng kutsara na tila hahawak sa ulo ng baby–upang matulungan na mailabas sa birth canal. Ang proseso na ito ay sobrang marahan at hindi nasasaktan ang baby o ang nanay.
Banta ng vaginal delivery
Mayroong sets ng pros at cons ang vaginal delivery. Kabilang sa pros ang lower infection rate, mabilis na paggaling ng iyong perineum, at mabilis kang madi-discharge mula sa institusyon o lugar ng paanakan. Ipinayo rin ng mga pag-aaral na ang mga baby na ipinanganak sa pamamagitan ng paraan na ito ay may kaunting isyu sa respiratory system.
Kabilang sa cons ng vaginal delivery ang pagka punit ng perineum, o ang bahagi sa pagitan ng ari at puwet. Hindi ito permanente at gagaling din sa takdang panahon. Ang isa pang con ng vaginal delivery ay hindi ito para sa lahat, minsan dahil sa tindi ng sakit na kaakibat nito at iba pang mga medikal na rason.
Popular na paraan ng panganganak: Caesarean Section
Kilala rin sa tawag na C-section, ito ang isa sa pinakakilalang paraan ng panganganak kung saan hinihiwa ang mas mababang bahagi ng tiyan ng nanay. Nagiging sanhi ito ng higit sa tatlong araw na paggaling.
Maaaring maayos na planado ang c-section at mas nais ito ng mga tiyak na kaso tulad ng:
- Malaki ang ulo ng baby o higit sa karaniwan ang mismong timbang ng baby
- Ang baby ay suhi
- May fibroids ang uterus
- Maraming mga baby sa parehong pagkakataon tulad ng kambal
- Sumailalim na noon ang nanay sa c-section
Banta ng C-section
Ang ilang banta ng C-section ay labis na pagdurugo, pagdami ng blood clots, vaginal infection, at injury sa iba pang organs. Maaaring humantong din ang C-section sa mga hindi nakikitang komplikasyon, na maaaring lumabas lamang kung nagsagawa na ng incision ang doktor. Sinabi rin ng mga eksperto na ang mga baby na isinilang sa ganitong paraan ay maaaring mas magkaroon ng respiratory issue at maaaring ilagay muna sa neonatal ward ng ilang mga araw. Ibig sabihin din ng C-section ay mas matagal na paggaling at mas matagal na ma-discharge.
Popular na paraan ng panganganak: VBAC
Ang paraan na ito ay pinaikling vaginal birth after caesarean (VBAC). Ito ay ginagamit kung nais mong mag-vaginal birth matapos na sumailalim sa C-section noong nakaraang panganganak. Kahit na kaunting mga babae ang pumipili nito, ang success rate ay hindi mababa sa paraan na ito.
Inirerekomenda ang VBAC sa mga espesyal na kaso dahil ang incision na mula sa nakaraang C-section na panganganak ay kasama sa konsiderasyon sa pamamaraan na ito.
Banta ng VBAC
Ang benepisyo ng paraan na ito ay mas mabilis na oras sa recovery, maging ang pagbawas ng gastos. Gayundin ang positibong impact sa mga susunod na panganganak kung ikaw ay nagpaplano pang magkaroon ng maraming mga anak. Sa VBAC, maaaring kang makaiwas sa mga infections at injury sa organs, at maliligtas ka sa possibilidad ng pag dami ng blood clots.
Gayunpaman ang VBAC ay hindi option kung ikaw ay sumailalim na sa dalawa o higit pang C-sections noon, o nasa mas matanda kaysa sa average maternal age, kung obese, o kung ang pagbubuntis ay lumampas na sa 40 na linggong bracket ng tagal.
Popular na paraan na panganganak: Natural na panganganak
Ito ay paraan noong unang panahon at hindi na masyadong ginagawa ngayon. Ito ay sa kadahilanan na ang pain threshold na kailangan para sa natural delivery ay mas maigting kaysa sa vaginal birth at C-section. Ang paraan ng panganganak na ito ay tinatawag ding medication-free childbirth. Gayunpaman, minsan ay pinipili ng mga babae kalaunan ang epidural, kung umigting at tumindi ang sakit. Ibig sabihin ng natural na panganganak ay hindi paggamit ng routine IV, pain relievers, forceps, o vacuum extractors sa panganganak.
Pinipili ng mga babae ang proseso na ito dahil sa maraming rason tulad ng bond nila ng kanilang anak, mas maraming kontrol kaysa sa panganganak, at sadyang kagustuhan na hindi paggamit ng gamot sa katawan upang mawala ang sakit. Sa pamamagitan nito, mararanasan ng mga babae ang ganap na natural na paraan na ibig tukuyin nito.
Ang natural na panganganak ay kinakailangan ng doktor o OB-GYN, o midwife upang matulungan sa pagla-labor, at ang iyong partner o kahit na sinong mula sa iyong pamilya na maaaring suporta mo habang nanganganak. Subalit, ipinakita ng pag-aaral na sa harap ng maraming tao ang nasa delivery room, mas maaring maabala at mahihirapan na mag-labor at mas magpapabagal ng proseso.
Banta ng natural na panganganak
Maraming mga paraan tungkol sa natural na panganganak. Ang pinaka karaniwang paraan ay ang water births at plain squatting. May mga banta na kabilang sa natural na panganganak. Ang pinakamalaking banta ay ang labis na pagdurugo, isyu sa umbilical cord, lagnat, malalang sakit ng ulo, at patuloy na pagsakit ng ibabang bahagi ng tiyan.
Ang natural na panganganak ay hindi para sa mga babae na sumailalim na ng C-section noon o mas matanda sa edad na 35. Hindi rin ito akma para sa mga babae na nagdadalang tao na higit sa isa o may medical history ng blood clotting. Hindi rin ito nirerekomenda para sa mga babae na gumamit ng droga o uminom ng alak habang nasa kanilang term.
Key Takeaways
Pakiusap na kausapin ang iyong ob-gynecologist bago pumili ng kahit na anong paraan ng panganganak na nabanggit sa itaas.
Matuto pa tungkol sa Labor at Panganganak dito.