backup og meta

Kulebra Disease O Herpes Zoster, Bakit Mapanganib Sa Buntis?

Kulebra Disease O Herpes Zoster, Bakit Mapanganib Sa Buntis?

Ang kulebra disease ay isa sa mga sakit na dapat iwasan mo kung buntis ka. Napakadaling kumalat ng virus na nagdadala nito lalo na kung direktang nahawakan mo ang pantal, o nalanghap mo ito sa hangin.

Isa sa pinakamalaking alalahanin ng buntis ang posibilidad na makasalamuha ang mga taong may sakit. Kung tutuusin, inaalala mo ang magiging epekto nito hindi lamang sa iyong kalusugan kung hindi sa iyong sanggol.

Ano ang herpes zoster

Ang kulebra ay kilala rin bilang herpes zoster o shingles. Ito ay sanhi ng varicella-zoster virus, kaparehong virus na nagdadala ng chickenpox o bulutong-tubig. Walang lunas ang shingles, subalit maaaring magrekomenda ng antiviral medication ang iyong doktor upang mapaikli ang tagal ng virus at mabawasan ang sintomas nito.

Kulebra disease: Maari bang mahawa ang buntis?

Ikaw at ang sanggol sa iyong sinapupunan ay ligtas mula sa sinumang may bulutong-tubig o shingles kung nakaranas ka na ng bulutong-tubig. Gayunpaman, kung nagkaroon ka ng bulutong-tubig noong bata ka pa, maaari ka pa ring magkaroon ng shingles sa panahon ng pagbubuntis.

Mababa ang posibilidad na magkaroon ka ng shingles habang buntis.. Ngunit kahit mangyari ito, malamang na hindi ito makakaapekto sa iyong sanggol. Iyon nga lang, maaari nitong gawing mas mahirap para sa iyo ang iyong pagbubuntis dahil sa sakit at kawalan ng ginhawa.

Kulebra disease: Karaniwan ba?

Humigit-kumulang isang milyong kaso ng shingles ang nada-diagnose bawat taon sa United States. Mas tumataas ang panganib na makuha mo ito habang ikaw ay tumatanda. Ayon sa datos, halos kalahati ng mga kaso ay nangyayari sa mga taong lampas sa edad na 50. 

Sa kabutihang palad, bihira ang mga kaso ng shingles sa mga buntis. Subalit, kung hindi ka pa nagkaka-bulutong-tubig, mahalagang umiwas sa pagkalantad sa sinuman na may impeksyon. Iwasan din ang pumunta sa mataong lugar o makihalubilo sa mga tao na posibleng may bulutong-tubig.

Kulebra disease vaccine

Makipag-ugnayan sa iyong doktor sa posibilidad ng vaccine para sa bulutong-tubig ng hindi bababa sa tatlong buwan bago ka magbuntis. Kung nakaranas ka na ng bulutong-tubig at nag-aalala ka na makakuha ng shingles, maaari ka ring magpa-vaccine laban sa shingles ilang buwan bago magbuntis. 

Makabubuting magpa-vaccine laban sa bulutong-tubig at shingles bago magbuntis. Kapag buntis ka na, ang pinaka mabisang paraan ng pag-iwas ay ang paglayo sa mga taong may bulutong-tubig o shingles.

Kulebra disease: Mga Epekto

Napakasakit magkaroon ng shingles lalo na kung buntis ka. Halos hindi kakayanin ang sakit na dulot ng inflamed nerve endings sa balat. AT kahit wala na ang pantal, maaaring magpatuloy pa rin ang postherpetic neuralgia, o ang sakit sa paligid ng balat na nagkaroon ng shingles.

Maaari din magdulot ng pangmatagalang komplikasyon ang shingles tulad ng sumusunod:

  • Pinsala sa mata
  • Pagkasira ng paningin
  • Glaucoma
  • Problema sa pandinig
  • Muscle weakness sa apektadong parte ng mukha
  • Stroke
  • Meningitis

Kulebra disease: Sintomas

Karaniwan, ang mga shingles ay nabubuo sa isang bahagi lamang ng katawan o mukha, at sa isang maliit na lugar. Ang pinaka karaniwang lugar para sa mga shingles ay sa isang banda sa paligid ng isang gilid ng waistline.

Karamihan sa mga taong may shingles ay may isa o higit pa sa mga sumusunod na sintomas:

  • Mga paltos na nagtutubig
  • Pananakit na parang nasusunog
  • Pangangati ng balat
  • Pamamanhid
  • Panginginig
  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Pagkasira ng tiyan

Banayad ang mga sintomas ng shingles para sa ilan gaya ng pangangati. Para naman sa iba, matinding sakit ang dulot nito. Sumangguni agad sa iyong doktor kapag may napansin kang mga parehong sintomas ng shingles gaano man kabanayad lalo na kung ikaw ay buntis. Hindi man ito kulebra disease o bulutong-tubig, maaari naman itong maging ibang sakit na posibleng magkaroon ng seryosong komplikasyon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.cdc.gov/shingles/hcp/clinical-overview.html, Accessed July 25, 2022

https://www.nia.nih.gov/health/shingles, Accessed July 25, 2022

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6344138/, Accessed July 25, 2022

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/shingles/picture-of-shingles-herpes-zoster, Accessed July 25, 2022

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/11036-shingles, Accessed July 25, 2022

Kasalukuyang Version

03/28/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Pwede Bang Makunan nang Hindi Niraspa? Alamin Dito!

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement