backup og meta

Gaano ka kabilis maaaring mabuntis pagkatapos manganak?

Gaano ka kabilis maaaring mabuntis pagkatapos manganak?

Bagama’t hindi mo sinasadyang isipin ito, malamang na naitanong mo na minsan, “Gaano kabilis mabuntis pagkatapos manganak?” Well, actually, medyo complicated ang sagot sa tanong na yan. Para malaman ang sagot, kailangan nating isaalang-alang ang ilang bagay.

Gaano kabilis maaari kang mabuntis pagkatapos manganak?

Una, linawin natin ang mga bagay-bagay. Upang masagot ang tanong na, “gaano kabilis mabuntis pagkatapos manganak?” Pwede kang mabuntis nang kasing aga ng tatlong linggo pagkatapos manganak. Habang ang pagbubuntis ay ganap na posible, may ilang mga kondisyon na maaaring magpababa sa mga tyansa.

Isa sa mga kondisyong ito ay tinatawag na, lactational amenorrhea. Ang amenorrhea ay isang siyentipikong termino na naglalarawan ng kawalan ng regla. Sa mga unang ilang linggo pagkatapos manganak, malamang na hindi ka magkaroon ng regla. Dahil dito, nangangahulugan na malamang walang obulasyon.

Kaya lang, walang sinasabi kung kailan darating ang iyong susunod na cycle ng regla (kaya ang ganitong paraan ng birth control ay maaaring hindi mapagkakatiwalaan.) Tandaan na ang isang babae ay maaaring mabuntis pagkatapos manganak kahit na walang pagpapatuloy ng regla. Ang eksklusibong pagpapasuso sa panahon ng postpartum ay malamang na tumagal na hindi ka mag-ovulate; samakatuwid, ito ay isang posibleng paraan ng pagpaplano ng pamilya.

Ano ang nangyayari sa panahon ng lactational amenorrhea?

Ang lactational amenorrhea, o LAM ay ang proseso kung saan naantala ang pagdating ng susunod na obulasyon dahil sa eksklusibong pagpapasuso. 

Kapag nagpapasuso ka, naglalabas ka ng ilang hormone. Sa panahon ng pagpapasuso, nai-stimulate ng iyong sanggol ang katawan mo na mag-release ng mga hormone na ito. Sinasabi ng mga hormone na ito sa katawan mo na pigilin at ipagpaliban ang hormone na responsable para sa ovulation. Kung hindi ka mag-ovulate, hindi ka mabubuntis. Kapag ginawa nang maayos, ang LAM ay maaaring maging mabisang paraan para sa birth control at pagpaplano ng pamilya hanggang umabot ang iyong sanggol sa 6 na buwan.

May isang mahalagang punto na dapat mong tandaan! Gagana lamang ang LAM kung eksklusibo kang magpapasuso. Ang pagitan ay dapat na mas mababa sa 4-6 na oras sa pagitan ng mga pagpapasuso. Nangangahulugan ito na kung isasama mo ang mga formula o iba pang gatas sa equation, binabawasan nito ang pagkakataong maging epektibo ito. Dahil ito sa ang mga hormone ay kailangang ilabas sa isang pare-parehong time frame. Ang pagdaragdag ng formula milk ay maaaring ikompromiso ito.

Bilang karagdagan, kailangan mong tiyakin na ang iyong sanggol ay direktang napapasuso. Ang breast pump ay hindi maaaring mag-stimulate sa iyong katawan sa parehong paraan ng latching.

Tandaan na ang LAM ay maaaring maging unreliable kapag nangyari ang mga bagay na ito:

  • Mas matanda na sa 6 na buwan ang iyong sanggol
  • Ang iyong sanggol ay nasa formula o kumakain na ng solids
  • Nagsisimula kang magkaroon muli ng regla
  • Tumigil ka sa pagpapasuso sa gabi
  • Mas mahabang agwat sa pagitan ng pagpapasuso

Ligtas bang mabuntis pagkatapos manganak?

Pwede kang mabuntis ng kasing aga ng tatlong linggo pagkatapos manganak. Habang ito ay talagang posible, may ilang mga bagay na kailangang isaalang-alang. Ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng malaking pinsala, mental, emosyonal, sikolohikal at pisikal. Higit pa riyan, maaaring mahirap isabay ang pangalawang pagbubuntis, habang kailangan ding alagaan ang iyong bagong panganak. Dito pumapasok ang pagpaplano ng pamilya. 

Kailan ang magandang panahon para magkaroon ng susunod mong anak?

Maaaring nakakalito ang sagot sa tanong na ito. Depende ito sa iyo. Walang ibang makakapagpasya nito para sa iyo. Gayunpaman, may ilang mga kadahilanan na kailangan mong i-consider.

Kung may partner ka, kailangan mo ring alamin ang kanyang mga plano. Ang pagkakaroon ng isang anak ay hindi madali at kailangan mong planuhin ang pangalawa. Pagdating sa iyong mga plano sa hinaharap, naaayon ba ang pagkakaroon ng isa pang anak sa gusto mo?

May mga physiological consideration na kasali. Ang katawan ay hindi pa talaga nakakarecover mula sa panganganak hanggang 18-23 buwan pagkatapos ng pagbubuntis. May magandang dahilan para maghintay bago magkaroon ng isa pang anak kung nanganak ka man ng vaginal delivery o sa pamamagitan ng cesarean section (mas lalo na kung cesarean delivery!) Maaari itong magbigay sa iyo ng oras upang gumaling at ihanda ang iyong katawan para sa kahirapan ng isa pang pagbubuntis. 

Tips para sa Family Planning

Narito ang ilang mga tip kung kailan ka dapat magkaroon ng isa pang anak.

Makipag-usap

Kung mayroon kang partner, dapat kang makipag-usap sa kanya tungkol sa iyong mga plano para sa hinaharap. Ito ay para naaayon sa isa’t isa ang inyong gusto.

Pagpaplano sa pananalapi

Ang pagpapalaki ng isang bata ay nangangailangan ng financial commitment. Dapat mong pag-isipang mabuti kung makakapagbigay ka ng buhay na nakakatugon sa lahat ng pangunahing pangangailangan ng lahat ng miyembro ng pamilya.

Mga artipisyal na contraceptive

Ang mga artipisyal na contraceptive ay maaaring maging isang epektibong paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Kumunsulta sa iyong doktor upang malaman kung aling opsyon o kung anong uri ng contraceptive ang maaaring pinakaangkop para sa iyo.

Natural na Pagpaplano ng Pamilya

Kung naghahanap ka ng pamalit sa artificial contraceptives, maaaring gusto mong isaalang-alang ang natural na pagpaplano ng pamilya. Marami itong pamamaraan tulad ng tinalakay natin sa itaas (LAM.) Makipag-usap sa iyong doktor para malaman ang pinaka-angkop na natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya para sa iyo.

Key Takeaway

Gaano kabilis maaaring mabuntis pagkatapos manganak? Maaari kang mabuntis ng ilang linggo pagkatapos manganak. Gayunpaman, pinakamainam na lagyan ng pagitan nang maayos ang pagbubuntis at panganganak. Sa pangkalahatan, hindi bababa sa 18 buwan, o humigit-kumulang 2 taon, ang pinakamainam na oras para sa sapat na paggaling ng katawan.
Kumonsulta sa iyong doktor para sa anumang alalahanin.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sex and Contraception After Birth, https://www.nhs.uk/conditions/baby/support-and-services/sex-and-contraception-after-birth/ Accessed on July 29, 2021

Sex After Pregnancy: Set Your Timeline, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/sex-after-pregnancy/art-20045669 Accessed on July 29, 2021

Breastfeeding while Pregnant, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/breastfeeding-while-pregnant Accessed on July 29, 2021

How Long Should Older Moms Wait Before Getting Pregnant Again, https://www.npr.org/sections/health-shots/2018/11/01/663181674/how-long-should-older-moms-wait-before-getting-pregnant-again Accessed on July 29, 2021

Getting Pregnant Again, https://www.womenshealth.gov/pregnancy/childbirth-and-beyond/getting-pregnant-again Accessed on July 29, 2021

Natural Family Planning ( Fertility Awareness ), https://www.nhs.uk/conditions/contraception/natural-family-planning/ Accessed on July 29, 2021

How Long to Wait Before Your Second Baby, https://patient.info/news-and-features/how-long-to-wait-before-your-second-baby Accessed on July 29, 2021

 

Kasalukuyang Version

12/13/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Bakuna Para sa Nagbubuntis: Anu-ano ang mga Kailangan?

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa SSS Maternity Benefits


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement