Naisip niyo na ba bakit ang ating lower extremities, partikular na ang ating mga binti at paa, ay kayang i-endure ang lebel ng stress kung nagsasagawa ng mga pisikal na gawain tulad ng pagtakbo, paglalakad, at pagtalon? Maaari tayong mag-isip ng ilang mga salik, ngunit isa sa mga kilalang rason ay ang Achilles tendon. Ito ay kilala rin sa tawag na Achilles heel. Ano ang Achilles Heel?
Ang Achilles tendon, na kilala rin sa tawag na Achilles heel at ang calcaneal tendon, ay kinokonsiderang pinakamakapal at pinakamalakas na tendon sa ating katawan. Ito ay konektado sa likod ng ating muscles sa binti – ang gastrocnemius at soleus muscle – sa dulo at naka-tuck sa loob ng calcaneus o heel bone sa iba.
Sa pagtingin sa Achilles tendon, makikita mo kung paano lumiliit ang lapad nito sa pag-approach ng shin bone o tibia. Ito ay sa kadahilanan na ang dulo ng tendon at ang heel ay umiikot papasok ng 90 degrees. Ang tendon ay konektado sa connective tissue sa calf region. Ito ay nagbibigay ng suporta na may elasticity ng dalawa hanggang tatlong sentimetro.
Paano nagfu-function ang tendon na ito? Sabihin na natin na nagsasagawa ka ng mabigat na gawain na kinakailangan ng paa. Ang parehong gastrocnemius at soleus muscle ay magco-contract at magbibigay ng pwersa sa tendon sa pagtulak ng paa pasulong. Sa kabilang dulo, ang paratenon ay magbibigay ng suporta sa tendon sa paggalaw ng paa.
Sa Likod ng Pangalang “Achilles Heel”
Ang fans ng Greek mythology ay pamilyar sa kwento ng Achilles Heel. Ano ang kaugnayan nito sa bahagi ng ibabang hita?
Ayon sa mitolohiya, si Achilles ay Greek demi-god, na mayroong mortal na tatay at diyosang ina. Tulad ng maraming mga diyos at demi-gods, si Achilles ay immune sa pinsala. Gayunpaman, sa kaso ni Achilles, may maliit na bahagi sa kanyang heel na kinokonsiderang pinakamahinang point at sa kalaunan ay humantong sa kanyang pagkamatay sa pakikipagtunggali.
Ang kwento ng paano nakuha ang terminolohiyang “Achilles Heel” ay ginamit sa mga medisina gaya ng pagiging komplikado ng mitolohiyang Achilles.
Noon, kilala ito sa tawag na “tendon Magnus” at “chorda Hippocratus,”. Kinalaunan, ang alamat ng Achilles ay iniugnay sa injuries ng tendon. Ito ay dahil sa pag-oobserba ng mga medikal na eksperto noong ika-15 hanggang ika-17 siglo sa pinsala ng heel tendon. Ito ay nagpapahina sa tao, nakasasagabal sa paggalaw, o mahirap na lunasan.
Kaya’t ang medical circles ay tinatawag ang heel tendon bilang Achilles o calcaneal tendon.
Karaniwang Injuries ng Achilles Heel
Ang injuries sa Achilles tendon ay maaaring sanhi ng maraming mga salik. Kabilang ang stress mula sa bigat ng gawain, hindi magandang sapatos, friction sa tendon dahil sa lumalaking heel bone, at biglaang pressure habang nag-eehersisyo at ibang mga gawain. Ito ay totoo sa mga taong nagsasagawa ng dinamiko at aktibong isports tulad ng basketball, boxing, o track and field na maraming stress sa paa at ankles.
Nakalista sa ilalim ang mga karaniwang injuries na maaaring maranasan ng iyong Achilles heel.
Ang kondisyon na ito ay tumutukoy sa pamamaga ng Achilles tendon. Ang mga taong mayroong kondisyon na ito ay makararanas ng mahinang binti, kirot at pamamaga, at maging ang paninigas ng apektadong bahagi ng heel.
Ito ay mas malalang kondisyon kabilang ang bursa o fluid-filled sac na nagbibigay ng cushion at nagbabawas ng friction kung mayroong pressure sa heel.
Ang rupture o torn tendon ay mas karaniwan kaysa iniisip mo. Ang mga taong pisikal na nasa kondisyon o mayroong kasalukuyang kondisyon sa kasukasuan (hal. gout arthritis) ay maaaring mas prone sa tendon ruptures.
Kabilang sa sintomas ng tendon ruptures ang pakiramdam ng snapping sa tendon, kabilang ang labis na sakit sa bukong-bukong, pamamaga, at hirap sa paggalaw ng mga daliri sa paa.
Karaniwang kasama ng pagtanda at ang pag-ulit ng galaw (o labis na paggamit), ang kondisyon ay kabilang ang collagen degeneration. Dahil ang tendon ay gawa sa collagen, mas maaaring ma-injure ang Achilles tendon.
Ang sintomas ng tendinosis ay kabilang ang pamamaga sa paligid ng tendon, kirot na lumalala kung gagalaw, matigas na kasukasuan, pagbawas ng paggalaw sa apektadong kasukasuan.
Ang kondisyon na ito ay nangyayari mayroon o walang tendonitis. Gayunpaman, ito ay pamamaga ng paratenon, isang uri ng connective tissue na matatagpuan sa paligid ng Achilles tendon.
Lunas sa Achilles Heel Injuries
Ang pagharap sa injuries ng Achilles tendon ay depende sa uri at pagiging malala ng injury. Gayunpaman, mayroong mga karaniwang lunas upang mabawasan ang pananakit at pamamaga. Narito ang ilang mga karaniwang lunas para sa injuries ng Achilles heel.
- R.I.C.E. Sa paglalagay ng first aid, tandaan ang: REST, ipagpahinga ang mga binti, magpalagay ng ICE o yelo at COMPRESSION (diin) sa apektadong bahagi, at ELEVATE (itaas) ang binti.
- Splints at Cast. Para sa injuries na nagreresulta sa hirap ng paggalaw, kakailanganin mo ng cast o splint para sa injured na tendon upang magbigay ng relaxation at paggaling sa tiyak na panahon,
- Non-steroidal at anti-inflammatory drugs (NSAIDs). Ang injured na pasyente ay maaaring uminom ng ibuprofen at mga katulad ng gamot upang mabawasan ang kirot at pamamaga na sanhi ng injured tendon.
- Physical therapy. Kabilang dito ang ehersisyo at masahe na magpapalakas ng mga bahagi ng binti tulad ng bukong-bukong, sakong, at guya.
- Surgical treatment. Ang mga malalang injuries tulad ng ruptured tendon ay nangangailangan ng operasyon at paggaling gamit ang cast ng ilang mga buwan para sa paggaling ng tendon.
Ano ang Achilles Heel? Ito ay ipinangalan sa mitikal na kalahating tao, kalahating imortal na si Achilles, na ang sakong ay mahina at humantong sa kanyang pagkamatay. Ang Achilles heel o Achilles tendon ay mayroon ding parehong epekto kung injured o pagod.
Dahil ang tendon ay nagbibigay ng pwersa at lakas habang nagsasagawa ng mabibigat na gawain sa paa, kailangan natin itong alagaan. Upang maiwasan ang kahit na anong porma ng injury na maaaring humantong sa paglala ng kondisyon. Mahalaga ang disiplina, kaya’t mahalaga na malaman ang limitasyon at magpahinga kung kailan posible. Sa pamamagitan nito ay mapagpapatuloy natin ang ating buhay na komportable at maalwan.
Matuto pa tungkol sa Musculoskeletal Pain dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.