backup og meta

Oregano gamot sa ubo

Ang halamang gamot na oregano gamot sa ubo at iba pang karamdaman. Ito ay may olive-green na dahon na madaling makilala dahil sa amoy na taglay nito lalo na kapag hinawakan. Minsan ito ay napaka-minty, lalo na kung ang halaman ay lumalaki na may mahabang tangkay.

Oregano gamot sa ubo

Karaniwang ginagamit sa pagluluto ang herb na oregano ilang libong taon na ang nakaraan hanggang ngayon. Mas nakilala ang oregano ng sumikat ang Mediterranean diet. Ngunit kilala rin ito dahil sa kakayahan nitong gamutin ang iba’t-ibang kondisyon ng kalusugan. Mayroong 61 klase ng oregano, at lahat ng halaman na ito ay may partikular na lasa at amoy.

Oregano gamot sa ubo at iba pang karamdaman

May mga ebidensya na nagpapatunay sa maraming benepisyo ng oregano sa paglaban sa bacteria, pagpawi ng pamamaga, pag-regulate ng blood sugar at lipids, at paglaban sa kanser. Sa loob ng maraming siglo, ang oregano ay kilala bilang herbal na may kakayahang gamutin ang maraming karamdaman, kabilang ang:

  • Hika
  • Cramps
  • Pagtatae
  • Sugat sa balat
  • Masakit na kalamnan
  • Hindi pagkatunaw ng pagkain
  • Sipon
  • Ubo

Ang oregano ay mayaman sa antioxidants tulad ng limonene, caryophyllene, terpinene, carvacrol at thymol. Ito ang nagbibigay ng partikular na amoy at lasa ng oregano na makakapag-paalala sa iyo ng amoy ng pizza sauce. Ngunit maliban sa dala nitong kasiyahan sa panlasa, mahalaga rin ang mga antioxidants na ito para sa layuning medikal.

Bakit epektibo ang oregano gamot sa ubo?

Ang mataas na antas ng carvacrol at iba pang antioxidants sa oregano ay may mga katangiang antispasmodic, antibacterial, antiviral at antifungal. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit itong halamang gamot para sa ubo, sipon, at bronchitis. Sa katunayan, may mga natural cough syrup sa merkado na gawa sa oregano leaves at ang mga ito ay kilala na rin bilang expectorant.

Tinutulungan ng mga antioxidants ng oregano na alisin ang mga free radicals sa katawan na nagdudulot ng sakit at oxidative stress. Ang pagdami ng free radicals sa katawan ay maaaring makasira sa mga cells at humantong sa malalang sakit gaya ng diabetes at kanser.

Mga katangian ng oregano

Antibacterial 

Ang essential oils ng oregano gamot sa ubo ay may antimicrobial properties. Napatunayan sa isang pag-aaral ang bisa ng thymol at carvacrol sa pagpigil ng iba’t-ibang strains ng Staphylococcus aureus bacteria na nakukuha sa mga karne at dairy products. Natuklasan na ang oregano ay may antibacterial properties laban sa halos labing-isang mikrobyo na gaya nito. Nagpapahiwatig ito na maaaring may mahalagang papel ang oregano sa paglaban sa mga sakit na hindi na tumutugon sa antibiotics.

Anti-inflammatory

Ayon sa pananaliksik, ang oregano ay may anti-inflammatory properties na maaaring nakakapagbawas ng pamamaga na maaaring humantong sa:

Oregano gamot sa ubo epektibo o hindi?

May mga pag-aaral na nag-imbestiga ng posibilidad na gamitin ang oregano essential oils bilang gamot sa karaniwang sipon at ng respiratory tract infections. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang pagiging epektibo ng oregano oil laban sa respiratory tract virus tulad ng sumusunod:

  • Influenza o flu virus
  • Rhinovirus na sanhi ng karaniwang sipon
  • Adenovirus 5
  • Respiratory syncytial virus 

Napag-alaman na epektibo ang oregano oil na antiviral laban sa dalawang strain ng trangkaso at sipon. Gayunpaman, may iba’t-ibang resulta tungkol sa epekto nito sa mga adenovirus. Bagaman mag pag-aaral na nagsasabing ito ay epektibo laban sa adenovirus 3, meron namang nagsasaad na hindi ito epektibo sa adenovirus 5. Ang mga adenovirus ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit, kabilang ang pananakit ng lalamunan, at iba pang sintomas na parang sipon.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-644/oregano#:~:text=Oregano%20(Origanum%20vulgare)%20is%20an,thyme%2C%20marjoram%2C%20and%20basil.https://www.medicalnewstoday.com/articles/266259https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6152729/https://www.sciencedaily.com/releases/2021/12/211221102749.htmhttps://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fmicb.2018.02329/full

Kasalukuyang Version

05/19/2026

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Efficascent Oil: Kailan Ba Ito Dapat Gamitin?

Halamang gamot sa bakuran: Anu-ano ang mga mahahanap dito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas