Paano nagbago ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa pagpapabakuna sa paglipas ng ilang taon? Ano ang mga posibleng dahilan sa likod ng takot na magpabakuna? Matuto pa tungkol sa pagpapabakuna sa Pilipinas, dito.
Paano nagbago ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa pagpapabakuna sa paglipas ng ilang taon? Ano ang mga posibleng dahilan sa likod ng takot na magpabakuna? Matuto pa tungkol sa pagpapabakuna sa Pilipinas, dito.

Ang Expanded Program on Immunization sa Pilipinas ay nailunsad noong 1976. Ngunit nagsimula nang magpabakuna ang mga Pilipino kontra sa ilang nakahahawang sakit ilang dekada na ang lumipas bago pa ang programa.
Ayon sa UNICEF, noong 1950s, nagsagawa sila ng pagbabakuna laban sa nakahahawang mga sakit tulad ng tuberculosis, at yaws, isang bacterial infection na pangunahing nakaaapekto sa balat, kasukasuan, at mga buto.
Noong 1970s, ang Department of Health, sa tulong ng World Health Organization at UNICEF, ay naglunsad ng Expanded Program on Immunization. Kabilang sa programang ito ang mga bakuna para sa polio, diphtheria, pertussis, measles, at tetanus.
Kabilang din sa programang ito ang mga bakuna para sa influenza, pneumonia, at hepatitis. Bukod sa pagbabakuna, binabantayan din ng programa ang coverage ng mga kampanya at ang insidente at mortality ng vaccine-preventable diseases sa bansa.
Bagaman mapanghamong balikan kung gaano nagbago ang pananaw ng mga Pilipino sa pagpapabakuna sa Pilipinas sa nakalipas na taon, maaari nating suriin ang naging lawak ng pagbabakuna dito.
Isang dekada matapos ang paglulunsad ng EPI, noong 1986, nagsagawa ang pamahalaan ng komprehensibong review ng programa. Lumabas sa mga resulta ng review na “mababa pa rin ito kumpara sa kinakailangan.”
Tatlong taon lang ang lumipas, noong 1989, natamo nila ang immunization goal na 90%.
Kung ikokonsidera ang pagtatamo ng tunguhing ito ng bansa, maaari nating masabing natanggap na ng mga Pilipino ang pagbabakuna sa puntong ito. Gayunpaman, hindi pare-pareho ang milestone na ito.
Naitala ng mga awtoridad na ang saklaw ng pagpapabakuna sa Pilipinas ay dumaan sa malaking pagbagsak. May mga panahong tumaas ito at panahong bumaba. Kung ikukumpara, ang ganitong pattern ay naiiba sa karatig nating bansa sa ASEAN na nakaranas ng pagtaas ng pagpapabakuna at napanatili ang ganitong mga antas.
Upang makita ang konteksto ng pagbagsak ng pagbabakuna, tingnan ang mga sumusunod na detalyeng ibinigay ng National Demographic and Health Survey noong 2003, 2008, 2013, at 2017.
Dahil sa pagbagsak ng pagbabakuna, makatutulong ang pag-unawa sa kung bakit ayaw magpabakuna ng ilang mga tao. Ayon sa mga ulat, may tatlong factor na may kinalaman sa suplay, demand, at konteksto.
Naitala rin ng iba pang mga pag-aaral (hindi sa Pilipinas) na ilan sa mga dahilan kung bakit tumatangging magpabakuna ang mga tao ay dahil sa:
Paano nagbago ang pananaw ng mga Pilipino hinggil sa pagpapabakuna sa Pilipinas? Mahirap sabihin. Isang dekada ang nakalipas matapos ang paglulunsad ng Expanded Program on Immunization sa bansa nang maabot nito ang target na 90%. Ngunit mula noon, nakita sa mga ulat ang malaking pagbagsak ng bilang ng mga nagpapabakuna. Sa ilang mga panahon, nakakita tayo ng mataas na bilang ng nabakunahan, at sa iba, bumaba.
Sa kabila ng pabago-bagong bilang na ito, walang dudang nakapagliligtas ng milyong-milyong buhay taon-taon ang bakuna. Kung mayroon kang alalahanin sa pagpapabakuna o pagbibigay pahintulot na mabakunahan ang iyong anak, kumonsulta sa doktor.
Matuto pa tungkol sa pagbabakuna dito.