backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Hyponatremia Raw Ang Ikinamatay Ni Bruce Lee, Ayon Sa Mga Eksperto

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    Hyponatremia Raw Ang Ikinamatay Ni Bruce Lee, Ayon Sa Mga Eksperto

    Marami sa atin ang alam ang benepisyong hatid ng tubig sa’ting kalusugan. Gayunpaman, hindi lahat ay may sapat na kaalaman sa kung paano maaaring makasama sa tao ang sobrang pag-inom ng tubig o hyponatremia. Ano ang hyponatremia?

    Halos 50 taon pagkatapos ng kamatayan ng martial art master na si Bruce Lee ay nagkaroon ng isang bagong pag-aaral na nagmumungkahi ng tunay na dahilan ng biglaang pagpanaw ng movie star. Ayon sa pananaliksik ang sobrang pag-inom ng tubig ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

    Ang movie star na si Bruce Lee ay namatay sa Hong Kong noong Hulyo 1973, kung saan ang kanyang pamamaga ng utak ang naging “cause of death” niya.⁠ Gayunpaman, batay sa isang pag-aaral na inilathala sa December issue ng Clinical Kidney Journal, sinasabi na si Bruce Lee ay umiinom ng mas maraming tubig kumpara sa kayang i-handle ng katawan ng tao.

    Kaugnay nito, lumalabas na ang tunay na sanhi ng kamatayan ng martial art master ay hyponatraemia.⁠ Pero ano ang hyponatremia? Alamin sa artikulong ito.

    Ano ang hyponatremia?

    Ayon sa mga pag-aaral ang sobrang pag-inom ng tubig ng tao ay maaaring humantong sa “water intoxication“. Maaaring maging dahilan ang water intoxication ng pamamaga ng utak at kamatayan. Ang ilan sa mga sintomas ng water intoxication ay ang mga sumusunod:

  • Pagkalito o confusion
  • Disorientation
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Kilala rin ang water intoxication bilang “water poisoning”, at ang pagkakaroon ng sobrang dami ng tubig sa katawan ay maaaring magpataas ng dami ng tubig sa dugo. Maaari nitong palabnawin ang mga electrolyte, lalo na ang sodium, sa dugo.

    Mahalaga ang sodium dahil napapanatili nito na balanse ng mga likido sa loob at labas ng mga cell ng tao. Kapag bumababa ang mga antas ng sodium dahil sa labis na pagkonsumo ng tubig, ang mga likido ay naglalakbay mula sa labas patungo sa loob ng cells at nagiging sanhi ng pamamaga ng mga ito.

    Batay sa mga pag-aaral kapag ang sodium level ay naging mas mababa sa 135 millimoles kada litro (mmol/l), tinutukoy ito ng mga doktor bilang hyponatremia.

    Sa madaling sabi, nagaganap ang hyponatremia kapag ang dami ng tubig sa katawan ng isang tao ay nagiging sanhi ng kabawasan ng sodium levels sa dugo ng tao na pumipigil sa paglabas ng tubig sa pamamagitan ng pag-ihi.

    Ano ang mga sintomas ng hyponatremia?

    Narito ang mga sintomas ng hyponatremia na dapat mong bantayan:

    • Pagduduwal
    • Pagsusuka
    • Pagsakit ng ulo
    • Pagkalito
    • Pagkawala ng enerhiya
    • Pagkapagod o fatigue
    • Pagkaantok o drowsiness
    • Pagkabalisa
    • Pagiging iritable
    • Panghihina ng kalamnan, spasms, cramps
    • Seizures
    • Coma

    Paano maaaring gamutin ang hyponatremia?

    Ang paggamot sa hyponatremia ay naglalayong lutasin ang pinagbabatayan na kondisyon nito. Sa madaling sabi, nakadepende sa dahilan ng hyponatremia ang treatement. Kung saan maaaring kailanganin mo lang na bawasan kung gaano karami ang iyong iniinom na tubig. Habang sa ibang mga kaso ng hyponatremia, maaaring kailanganin naman nila ng mga intravenous electrolyte solution at mga gamot.

    Kailan dapat magpatingin sa doktor?

    Humingi ka ng emergency care o magpakonsulta ka sa doktor sa oras na nakaranas ka ng mga malubhang senyales at sintomas ng hyponatremia, tulad ng pagduduwal at pagsusuka, pagkalito, seizures, o pagkawala ng malay.

    Huwag kang mag-atubili na humingi ng tulong medikal kapag alam mong nasa panganib ka ng hyponatremia at nakakaranas ng cramping at panghihina.

    Key Takeaways

    Walang masama sa pag-inom ng tubig, pero dapat ka pa ring maging alisto sa dami ng tubig na iyong kinokonsumo para maiwasan ang water intoxication at hyponatremia. Lagi mong tatandaan na maaaring makamatay ang sobra-sobrang pag-inom ng tubig kaya dapat kang maging maingat. 
    Ang isa sa mga palatandaan na labis na ang tubig na iyong iniinom ay ang pagkakaroon mo ng mga sintomas ng water intoxication at hyponatremia. Minsan naman mapapansin mo na maputi na ang kulay ng iyong ihi.

    Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Sinuri ang mga impormasyon ni

    Vincent Sales


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement