brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad

Share

Ano ang mga Uri ng Tuberculosis sa Pilipinas?

Ano ang pinakamalaganap na mga uri ng tuberculosis sa Pilipnas?

Ano ang mga Uri ng Tuberculosis sa Pilipinas?

Ang Tuberculosis, o TB, ay isang airvorne bacterial disease na umaatake sa respiratory system, patikular sa baga. Kapag ang taong may tuberculosis ay umubo, bumahing, o nagsalita nang walang tamang proteksyon, naililipat ang sakit mula sa isang tao papunta sa isa pa.

Sa ilang mga kaso, nakamamatay ang Tuberculosis, at nakadepende sa nakuhang strain ng isang tao ang gamutan dahil may iba’t ibang uri ng Tuberculosis sa Pilipinas. 

Maraming mga sintomas ang Tuberculosis, kabilang ang:

  • Ubong tumatagal nang hindi bababa sa 2 linggo
  • Ubong maaaring may kasamang dugo
  • Kawalan ng ganang kumain na nauuwi sa pagbaba ng timbang
  • Panghihina
  • Pagkapagod
  • Lagnat at pagpapawis sa gabi

Ang mga taong may mahihinang resistensya ay mas nanganganib na magkaroon ng ganitong sakit. 

mga uri ng tuberculosis

Ano ang mga uri ng Tuberculosis?

Bagaman nagagamot ang Tuberculosis, pangunahin pa rin itong alalahanin sa Pilipinas. 

Pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng Tuberculosis sa buong mundo. 

Dahil dito, mahalaga ang pagpapa-test para sa Tuberculosis, lalo na kung nasa panganib ka nito. Totoo ito lalo na sa mga immunocompromised o nakatira sa lugar kung saan may kasamang may ganitong sakit.

Active Tuberculosis

Sa ganitong partikular na anyo ng Tuberculosis, mabilis na naaapektuhan ng bacteria ang mga baga at maaaring maipasa sa iba. Magagamot ang ganitong uri ng Tuberculosis sa pamamagitan ng mga gamot. 

Latent TB infection

Isa ito sa mga uri ng Tuberculosis sa Pilipinas kung saan ang isang tao ay walang anumang sintomas na ipinapakita. Gayunpaman, may mas mataas na probabilidad na maging active Tuberculosis ito kalaunan. 

Extrapulmonary Tuberculosis

Ang Extrapulmonary Tuberculosis ay anumang uri ng TB na nakaaapekto sa mga bahagi ng katawan sa labas ng baga, tulad ng mga buto o ang pericardium ng puso. 

Ang Muliary TB, partikular, ay isang uri ng TB na kumakalat sa mga organ sa katawan, sa pamamagitan ng dugo o lymph at maaaaring makaapekto sa kalapit na mga organ, tulad ng atay at ng bone marrow.

Ito ang pinakabihirang uri ng Tuberculosis. Sa oras na nasa daluyan na ng dugo, mabilis nang kakalat ang bacteria at makaaapekto sa iba’t ibang organ sa katawan. Nakamamatay ito.

Sa lahat ng uri ng Tuberculosis sa Pilipinas, tanging ang active tuberculosis lamang ang nakahahawa. Sa oras na ma-diagnose na may active Tuberculosis, kailangang makapagsagawa ng contact tracing. 

Tuberculosis sa Pilipinas

Ayon sa World Health Organization (WHO), nitong 2019, may tinatayang 2.5 milyong Pilipino ang na-diagnose na may Tuberculosis. Sa ilang mga kaso, may mga taong may Tuberculosis na nagkaroon ng resistance sa antibiotics at iba pang gamot, kaya’t lalong nagiging mahirap gamutin.

Sa ngayon, pangatlo ang Pilipinas sa mundo sa pagkakaroon ng pinakamaraming kaso. Araw-araw, may average na 70 tao ang namamatay sa sakit sa kabila ng katotohanang nagagamot ito gamit ang modernong medisina.

Sa isang pag-aaral noong 2010, kinilala ang Tuberculosis na pang-anim na pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas na may average na 26.3 deaths sa kada 100,000 tao. Mas malaganap ito sa mga lalaki, sa pagitan ng 25-55 taong gulang. Mas nanganganib na magkaroon ng ganitong sakit kumpara sa iba ang mga diabetic at malnourished.

Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng pag-unlad sa pagtukoy at pagsusuri ng magkakaibang strain ng Tuberculosis sa bansa. Sinasaliksik ng mga siyentista ang mga strain na nakuha sa Metro Manila at kalapit na mga lugar. Sa kanilang pag-aaral, natuklasan nila ang maraming magkakaibang uri ng Tuberculosis bacteria. 

Ilan sa mga strain na ito ay nagmula pa sa ibang bahagi ng mundo, at ilan sa mga ito ay resistant sa magkakaibang gamot na ginagamit upang gamutin ang Tuberculosis. Malaki ang tulong ng kanilang pag-aaral upang maitala ang iba’t ibang uri ng Tuberculosis sa Pilipinas.

Mahalagang matukoy at masundan ang magkakaibang uri ng Tuberculosis sa Pilipinas dahil makatutulong itong maiwasan ang sakit at makagawa ng mas epektibong mga gamot.

mga uri ng tuberculosis

Ang gamutan sa Tuberculosis at ang bigat ng gastusin para sa ordinaryong mamamayan

Hindi lamang banta sa buhay ang sakit na Tuberculosis, sanhi rin ito ng bigat ng gastusin para sa pasyente at sa kanilang pamilya.

Ang halaga ng gastusin sa pag-aalaga ng pasyenteng may Tuberculosis ay maaaring lagpas sa kakayahan ng low-income families. Upang matulungang gumaan ang kanilang pinapasan, isinusulong ang mas abot-kaya at mas madaling makuhang gamutan at pag-aalaga sa kalusugan. 

Puspusan ang ginagawang hakbang ng Pilipinas upang puksain ang Tuberculosis pagsapit ng 2030. Ngunit upang maabot ito, kailangang magtulungang lubos ng pamahalaan at ng mga pribadong sektor kasama ng medical community upang mapataas ang kaalaman tungkol sa mga uri ng Tuberculosis sa Pilipinas. Kasama dito ang mga panganib, gamutan, at mga hakbang kung paano ito maiiwasan. Makatutulong ito upang mabisang makontrol ang pagkalat ng sakit.

Key Takeaways

Ang pag-unawa sa mga uri, sintomas, sanhi, at kung paano kumakalat ang Tuberculosis ay makatutulong upang mahikayat ang mga taong protektahan at iwasan ang pagkalat ng sakit. Gaya nga ng kasabihan, prevention is better than cure. 

medical
Regina Victoria Boyles, MD
Narebyung medikal ni
Pediatrics
Isinulat ni Daniel de Guzman · a