backup og meta

Ano ang mga Uri ng Impeksyon sa Puso?

Ang puso ay napakahalagang organ ng ating katawan. Kapag tumigil ito sa anumang pagkakataon, titigil din tayo sa paghinga at mamamatay. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ang mga posibleng problema na maaari nating maranasan, tulad ng kung ano ang mga uri ng impeksyon sa puso, mga sanhi nito, at paano maiiwasan.

Ano ang mga Uri ng Impeksyon sa Puso?

May ilang mga problema sa kalusugan na may kinalaman sa puso. Ilan sa mga ito ang impeksyon sa puso.

Ayon sa Pulse Heart Institute, nagkakaroon ng impeksyon sa puso kapag ang isang irritant, tulad ng bacteria, parasite, virus, o ang mga kemikal ay nakarating sa iba’t ibang bahagi ng puso o ang organ mismo.

Maaari itong magdulot ng impeksyon at makapipinsala sa mga kalamnan ng puso, ang inner lining nito, mga valve, or ang outer membrane.

Uri ng Impeksyon sa Puso, Paliwanag

May tatlong pangunahing uri ng impeksyon sa puso:

Endocarditis

Ang Endocarditis ay isang impeksyon sa lining ng puso o sa valve. Dahil walang sariling suplay ng dugo ang mga valve ng puso, nahihirapan ang protective white blood cells at mga gamot na makarating sa apektadong mga valve. Ito ang dahilan kung bakit isang banta sa buhay ang endocarditis.

Maaaring magkaroon ng iba pang komplikasyon bukod sa pinsala sa mga valve ng puso ang mga may endocarditis. Ang hindi ginagamot o hindi sapat na paggamot sa endocarditis ay maaaring mauwi sa murmurs, abscesses, embolisms, pinsala sa bato, stroke, at heart failure. 

Pericarditis

Pericarditis ay nangyayari kapag ang pericardium, o ang thin sac-like membrane na nakapaligid sa puso ay nairita o namaga.

Karaniwan sa mga kaso ng pericarditis ay mild at kusang gumagaling, ngunit sa ilang mga kaso kapag malala na, kailangan na ng surgery at gamutan. Isa pang bagay tungkol sa pericarditis ay biglang magsisimula, ngunit hindi nagtatagal. 

Myocarditis

Ang Myocarditis ay isang bihirang kondisyon sa puso kung saan ang mga kalamnan ng puso ay namamaga at napipinsala. Maaaring dulot ito ng isang autoimmune response o isang nakahahawang impeksyon. Nagkakaiba-iba ang pangmatagalang epekto nito. May ilang gumagaling habang lumalala at nakararanas ng heart failure ang iba.

Mga Sanhi, Sintomas, at Gamutan para sa Endocarditis

May dalawang uri ng endocarditis: infective at non-infective.

Mga Sanhi

Ang infective endocarditis (IE) ay dulot ng bacteria o fungal infection at maaaring maging napakamapanganib, na may napakataas na mortality rate.

Nangyayari ito kapag nakapasok ang bacteria sa daluyan ng dugo sa pamamagitan ng magkakaibang dahilan, kabilang ang poor dental hygiene, dental procedures, chronic skin disorders, sexually transmitted disease, kontaminadong karayom, at marami pang iba.

May dalawang sub-category ang IE: ang acute IE kung saan nabubuo ito nang bigla at maaaring maging banta sa buhay sa loob lamang ng ilang araw, gayundin ang chronic IE, kung saan mabagal ang pagsisimula ng impeksyon.

Samantala, nagkakaroon ng non-infective endocarditis kapag ang sterile platelet at fibrin thrombi ay nabuo sa mga cardiac valve at ang adjacent endocardium. Minsan, maaaring mauwi sa IE ang non-infective endocarditis. Magkakaiba ang sanhi nito ngunit kadalasang mula sa magkakaibang problema sa kalusugan tulad ng systemic lupus erythematosus (SLE) o antiphospholipid antibody syndrome. Mas bihira ito sa IE.

Mga Sintomas

Nakadepende ang mga sintomas sa kung anong klase ng endocarditis ang mayroon ka. Kadalasang nakararanas ng heart palpitations at/o hirap sa paghinga (dyspnea) ang mga taong may non-infective endocarditis.

Ang mga may acute IE ay nakararanas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Lagnat
  • Pagkapagod
  • Pagpapawis sa gabi
  • Panginginig
  • Mabilis na tibok ng puso
  • Patuloy na pag-ubo
  • Pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan
  • Pamamaga sa tiyan, paa, o mga binti

Ang chronic IE ay nagdudulot ng mga sumusunod na sintomas:

  • Mild fever
  • Pagkapagod
  • Pagbaba ng timbang
  • Medyo mabilis na tibok ng puso
  • Anemia
  • Pagpapawis

Gamutan

Kabilang sa paggamot sa non-infective endocarditis ang anticoagulation. Samantala, kabilang sa gamutan para IE ang antibiotics na ipinadaraan sa ugat. Nakadepende ang uri ng antibiotics sa uri ng impeksyong sanhi ng problema.

Mga Sanhi, Sintomas, at Gamutan para sa Pericarditis

May iba’t ibang uri ng pericarditis base sa sanhi o epekto ng pamamaga sa pericardium. 

Mga Sanhi

Ang sanhi ng ganitong impeksyon sa puso ay kadalasang mahirap matukoy. Kadalasan, viral infection lamang ang pinaghihinalaan ng mga doktor. Sa ilang mga kaso, hindi matukoy ang sanhi o idiopathic.

Kaya naman, may mga pagkakataon kung saan ang thin sac-like membrane sa paligid ng puso ay naiirita at namamaga matapos ang major heart attack dulot ng iritasyon sa napinsalang kalamnan ng puso. 

Maaari ding magkaroon ng delayed pericarditis ilang linggo matapos ang heart surgery o heart attack. Tinatawag itong Dressler’s syndrome.

Naniniwala rin ang mga eksperto na maaaring dulot ng ilang gamutan, systemic inflammatory disorders, trauma, at ilan pang kondisyong pangkalusugan, kabilang na ang cancer, kidney failure, tuberculosis, o AIDS ang pericarditis.

Mga Sintomas

Ang pagsakit ng dibdib ang pinakakaraniwang sintomas ng pericarditis at kadalasang hudyat ng ganitong impeksyon sa puso. Madalas itong nailalarawan bilang matindi, sumusundot o matinding sakit. Ngunit minsan, nailalarawan din ito bilang hindi makayanang sakit.

Nagsisimula ito sa kaliwang dibdib at umaabot sa kaliwang balikat at leeg.

Kabilang sa iba pang sintomas ng pericarditis ang:

Gamutan

Karamihan sa mga mild na kaso ng pericarditis ay maaaring gumaling nang kusa at mangangailangan lang ng sapat na pahinga. Para sa mga malalang kaso, madalas na ibinibigay ang mga pain reliever at anti-inflammatory na gamot. Pwede ka ring resetahan ng steroids kung hindi tatalab ang mga anti-inflammatory. 

Bihirang kailanganin ang surgery, ngunit maaaring kailangan na nito para sa mas malalang mga kaso.

Mga sanhi, sintomas, at gamutan para sa Myocarditis

Ikinokonsiderang hindi karaniwan ang myocarditis ngunit apektado pa rin nito ang libo-libong matanda at bata sa buong mundo. Available ang mga gamutan, gayunpaman, may bihirang tsansang bumalik ito.

Mga sanhi

Ang nangungunang sanhi ng myocarditis ay viral infection.

Ayon sa Myocarditis Foundation, kapag nagkaroon ng viral infection, mamamaga ang mga kalamnan ng puso at magdudulot ng stress sa puso na mananatili kahit tapos na ang impeksyon.

Kaya naman, may ilang kondisyong pangkalusugan ang maaaring mauwi sa myocarditis, kabilang na ang bacterial infection, cancer, at contagious diseases. Maaari ding magdulot ng pamamaga ang exposure sa ilang toxic materials tulad ng venom mula sa ahas o gagamba o lason mula sa ilang uri ng bakal. 

Sa ilang mga kaso, ang mga taong may autoimmune conditions ay maaaring magkaroon ng tinatawag na giant cell myocarditis, kung saan ang resulta ay maaaring maging sanhi ng mabilis na pagbagsak ng mga kalamnan ng puso. Ngunit hangga’t ito ay natutukoy at nagagamot nang maaga, maaari pa ring tumalab nang lubos ang gamutan. 

Mga Sintomas

Maaaring mahirap ma-diagnose ang Myocarditis dahil kulang ito sa tiyak na mga sintomas. Madalas na magkakaiba ang senyales nito depende sa tindi ng kaso at anong nagdulot nito, ayon sa Harvard Medical School.

Narito ang ilang mga karaniwang sintomas nito, ngunit hindi lang limitado dito:

  • Pagkapagod
  • Pagkahilo
  • Kinakapos ng hininga, lalo na kapag nakahiga o matapos mag-ehersisyo
  • Nagpa-palpitate
  • Biglang nawawalan ng malay
  • Pamamaga ng paa, bukong-bukong, binti, at mga kamay
  • Pagsakit ng dibdib at/o pressure

Gamutan

Maaaring nakadepende rin ang gamutan sa Myocarditis sa tindi at sa nagdulot nito.

Sa mga mild hanggang moderately mild na mga kaso, maaaring makapagpagaling ng impeksyon ang pananatili sa bahay at paglilimita sa matitinding gawain. Pwedeng mangailangan din ng gamot, depende sa sanhi. Para sa mga nakahahawang sakit, magbibigay ng mga antiviral, bagaman hindi ito napatunayang kasing epektibo sa malalalang kaso. 

Pwede ring makatulong ang Corticosteroids sa ilang mga kaso, lalo na sa may giant cell myocarditis. 

Kung ang sanhi ay isang nakatagong problema sa kalusugan, kadalasang nakatuon ang gamutan sa pinakaproblema  sa halip na paggamot sa mismong impeksyon. 

Key Takeaways

Ang puso ang isa sa pinakaimportanteng bahagi ng katawan. Kaya naman hangga’t maaari, alagaan natin ito at iwasan ang anumang maaaring magdulot ng mga problema sa puso. Maaaring maiwasan ang mga impeksyon, lalo na kung alam natin ang sanhi. Ngunit kung mangyari ito, lubos na inirerekomenda ang paghingi ng tulong sa mga health professional sa lalong madaling panahon. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart Infections https://www.pulseheartinstitute.org/how-we-help/conditions-we-treat/heart-infections/

Endocarditis https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/endocarditis

Non-infective Endocarditis https://www.msdmanuals.com/professional/cardiovascular-disorders/endocarditis/noninfective-endocarditis

Pericarditis – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pericarditis/symptoms-causes/syc-20352510

Myocarditis https://www.heartandstroke.ca/heart/conditions/pericarditishttps://www.myocarditisfoundation.org/about-myocarditis/

Myocarditis – Diagnosis and Treatment https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/myocarditis/diagnosis-treatment/drc-20352544

Kasalukuyang Version

08/19/2026

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas