Mahalaga ang salamin para sa mga taong may problema sa paningin. Nakatutulong ang salamin sa mata sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao dahil itinatama nito o pinalilinaw ang kanilang paningin. Ngunit paano alagaan ang salamin sa mata?
Mahalaga ang salamin para sa mga taong may problema sa paningin. Nakatutulong ang salamin sa mata sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao dahil itinatama nito o pinalilinaw ang kanilang paningin. Ngunit paano alagaan ang salamin sa mata?

Depende sa structure, hugis, at pokus ng salamin sa mata, naitatama nito ang refractive errors tulad ng:
May iba’t ibang uri din ng salamin sa mata, depende sa pangangailangan ng taong may problema sa paningin.
Mahalaga ang kaalaman kung paano alagaan ang salamin sa mata. Dahil ilan sa atin ay gumagamit ng salamin sa mata araw-araw, mahalagang malaman kung paano panatilihin itong malinis at gamitin.
Ang pagsusuot ng salamin ay nakapagbibigay ng ginhawa sa mga may problema sa paningin, ngunit may kasama rin itong hamon. Narito ang karaniwang isyung nararanasan ng mga taong nagsusuot ng salamin sa mata.
Ang gasgas sa ating salamin sa mata ay maaaring dulot ng maraming factor. Kabilang dito ang pagpupunas ng tuyong lenses, paggamit ng tuyong materyal tulad ng tissue o paper towels sa pagpunas ng lenses o paglalagay sa loob ng bag nang walang protective casing.
Maganda ang anti-reflective coating sa mga salamin sa mata upang maiwasan ang night glares at mabawasan ang reflection sa salamin. Maaaring mapinsala ang coating na ito ng mga kemikal, tulad ng ammonia, bleach, suka, hari spray, at pabango.
Kapag matagal nang ginagamit ang salamin natin sa mata, pwede itong maluma, na nauuwi sa maluwag na frame. Samantala, posibleng ang nabatak na frame ay napalambot ng direktang init. Ang resulta, magsusuot ka ng salamin sa matang mas malaki pa sa mukha mo.
Ang salamin sa mata na ating ginagamit sa buong araw ay maaaring kapitan ng mga alikabok, dumi, at langis.
May ilang bahagi ng salamin natin sa mata na nasira na dulot ng aksidente. Maaaring ang frame sa paligid ng lens, ang bridge, temples (arms sa likod ng frame), at ang nose pad. Sa ibang pagkakataon, ang mismong lenses ay maaaring magkaroon ng gasgas o biyak.
May maling paniniwala na ang pagsusuot ng salamin na hindi naaayon sa prescription ay nakapipinsala sa mata. Hindi nito lalong mapipinsala ang mga mata. Gayunpaman, maaari itong magresulta sa pansamantalang pagsakit ng ulo, at discomfort dulot ng malabong mata.
Lumalabo ang ating mga mata sa paglipas ng panahon. Kaya naman, mahalagang palitan ang eye prescription at kumuha ng mas matibay na salamin kailan man kailangan. Sa kaso ng katarata, maaaring hindi na maibalik ng bagong salamin sa mata ang magandang paningin. Kaya naman, mas inirerekomenda na ang surgery.
Napakahalaga ng paglilinis ng salamin sa mata dahil tinatanggal nito ang mga dumi at iba pang substance na naipon sa ating mga lens. Alam din dapat natin kung paano tamang itatago ang ating mga salamin sa mata kapag hindi ginagamit at kung anong gagawin sakaling nasira ang ilang bahagi nito. Narito ang ilang tip kung paano alagaan ang salamin sa mata:
Kapag hindi ginagamit, itago ang salamin sa mata sa matigas na shell case na akma sa laki ng iyong salamin. Dagdag pa, kapag ipinapatong ang salamin, tiyaking nakaharap sa itaas ang mga lens.
May mga paraan kung paano aayusin ang mga bahagi ng salamin sa mata na nagsimula nang mapinsala:
Kailangan mo ng partikular na mga gamit upang maayos ang nasirang salamin sa mata. Kung hindi, kailangan mong dalhin ito sa lehitimong pagawaan ng salamin. Gayunpaman, kung marami nang sira ang frame at may biyak na sa lens, maaaring hindi na kaya itong ayusin. Kailangan mo na itong palitan ng bago.
Malaki ang naitutulong ng salamin sa mata para sa mga taong may problema sa paningin. Gayunpaman, madaling kapitan ng dumi, alikabok, gasgas, at iba pang sira ito. Kung alam mo kung paano alagaan ang salamin sa mata, malaki ang tsansang tumagal ito.
Matuto pa tungkol sa pag-aalaga ng mata dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Cleaning Your Glasses: How to Clean Your Lenses Without Streaks or Scratches, https://abbeyeyecare.ca/cleaning-your-glasses-how-to-cleanclear-your-lenses-without-streaks-or-scratches/ Accessed, January 26, 2021
Eyeglasses and Contact Lenses,https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=85&contentid=P00503 Accessed January 26, 2021
How to Choose Eyeglasses for Vision Correction, https://www.aao.org/eye-health/glasses-contacts/glasses Accessed January 26, 2021
How To Clean Glasses: Step-By-Step, https://www.visioncenter.org/blog/clean-glasses/ Accessed January 26, 2021
How to take care of your eyeglasses, https://www.consumerreports.org/cro/magazine/2012/08/how-to-take-care-of-your-eyeglasses/index.htm Accessed January 26, 20211
Kasalukuyang Version
08/19/2026
Isinulat ni Daniel de Guzman
Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO
In-update ni: Jan Alwyn Batara