Ehersisyo Kapag May Regla, Nakakasama Ba Sa Kalusugan?
Ang ilang kababaihan ay karaniwang nakakaranas ng pagkapagod, bloating, pagsakit ng tiyan at pagsakit ng ulo sa panahon ng kanilang period. Marami sa kanila ang naghahanap ng paraan sa kung paano pwede maibsan ang mga sintomas na kanilang nararamdaman sa tuwing sila ay nagkakaregla. Sa katunayan, maaaring makatulong ang pisikal na ehersisyo kapag may regla para mabawasan ang mga sintomas na nadarama.

Para malaman ang kasagutan kung nakakasama sa kalusugan ang ehersisyo kapag may regla, patuloy na basahin ang artikulong ito.
Benepisyo Ng Ehersisyo Sa Mga Babae Na May Regla
Maraming benepisyo sa kalusugan ang pag-eehersisyo, gaya nang mas napapabuti nito ang mood ng isang tao, nababawasan ang menstrual cramps, at pagkapagod. Gayunpaman, maaaring kailanganin ng mga babae na ayusin ang kanilang karaniwang gawain sa pag-eehersisyo habang sila ay nasa kanilang menstruation period.
Narito ang isang tip sa ehersisyo na pwede mong gawin kapag may period ka:
Ehersisyo Kapag May Regla
Dapat kang magsagawa ng banayad o gentle stretching exercises gaya ng yoga at tai chi. Ang mga uri ng ehersisyo na ito ay maaaring makatulong para mabawasan ang tensyon, mapabuti ang daloy ng iyong dugo, at makatulong na mapabuti ang pakiramdam sa panahon ng regla.
Ayon sa isang pag-aaral noong 2016 na ang mga taong kumuha ng regular na mga klase sa yoga ay nakaranas ng mas kaunting sintomas ng premenstrual (PMS) at nag-ulat nang mas kaunting period pain. Mayroon ding mga kapansin-pansing pagbawas sa lambot ng dibdib at pamamaga ng tiyan sa kanila.
Bakit Mahalaga Ang Ehersisyo Kapag May Regla?
1. Nagpapabuti Ng Mood
Batay sa American College of Obstetricians and Gynecologists, ang ehersisyo ay pwedeng makatulong na mabawasan ang mga pakiramdam ng depresyon. Sa madaling sabi, ang ehersisyo ay pwedeng makatulong sa’yo para mapabuti ang iyong mood kapag ang isang tao ay nakaramdam ng mga sumusunod sa panahon na sila ay may period:
- Kalungkutan
- Pagkayamot o pagiging iritable
- Pagiging galit
2. Binabawasan Ang Pagkapagod
Ayon sa Office on Women’s Health (OWH), ang hormonal changes sa katawan ay pwedeng magpapataas ng mga sensasyon ng pagkapagod sa mga babaeng nireregla. Maaaring mapalakas ng physical activity ang energy levels ng babae sa halip na maging mababa ang mga ito sa panahon ng regla.
3. Binabawasan Ang Menstrual Pain
Natuklasan ng isang pag-aaral noong 2018 na ang mga taong nag-ehersisyo ng 30 minuto, 3 araw bawat linggo, sa loob ng 8 linggo ay may nakakaranas nang mas kaunting menstrual pain kaysa sa mga babaeng hindi nag-eehersisyo. Ang pisikal na aktibidad ay hindi kailangang maging masigla o gawin sa mahabang panahon. Kahit na dalawang 15 minutong paglalakad sa isang araw ay maaaring makatulong na sa isang babae.
Mahalagang Paalala
Sa panahon man ng regla o wala nararapat lamang na ang isang tao ay palaging gumawa ng mga hakbang upang mag-ehersisyo nang ligtas. Maaaring kabilang dito ang pagsusuot ng mga kagamitang pang-proteksyon at pag-iwas sa pagbubuhat ng sobrang mabibigat na bagay na hindi naman kaya ng ating katawan.
Pinakamahusay na makinig ang isang babae sa kanilang mga katawan sa panahon ng regla. Kung ikaw ay nakakaramdam ng sobrang pagkapagod, maaari mong bawasan ang intensity ng pag-eehersisyo para maiwasan ang labis na pagkapagod.
Dagdag pa rito, walang siyentipikong data ang nagpapatunay na dapat paghigpitan ang mga babae sa ilang mga partikular na uri ng ehersisyo, o hindi nila kayang mag-ehersisyo nang buong lakas at potensyal sa panahon na may period sila.
Key Takeaways
Tandaan mo rin na ang sobrang pag-eehersisyo ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng regla ng isang tao. Maaaring makaranas sila ng “skip o stop periods” dahil sa hormonal at pagbabago ng katawan. Kapag ang isang tao ay nagsimula ng matinding ehersisyo at nagsimulang mawala ang kanilang regla, dapat silang makipag-usap sa kanilang doktor.
Ang pagkakaroon ng regular na menstrual cycle ay karaniwang tanda ng mabuting kalusugan. At ang pagsisimula ng pagkawala ng regla lalo na kung wala pa sa panahon ng menopausal ay maaaring magpahiwatig na ang isang tao ay sumobra na pagdating sa ehersisyo.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.